~Alexa's POV~
"Soo... gusto mo manood ng movie?" tanong ni DJ.
"Anong movie?" tanong ko.
"Ahmm.. gusto mo ng insidious?" tanong niya.
"Huh? ah.. sige. di ko pa napapanood yun eh. Di naman yun nakakatakot diba?" tanong ko.
Tumawa si dj.
"Di yan! nakakatawa nga yan eh. Hahahahah." sinabi niya.
Alam kong may something something yang si DJ..
"Weh? San banda yang pagka "FUNNY" ng movie?" Tanong ko na ginawan ng quotation yun funny gamit yung dalawa kong daliri sa kaliwa at kanan.
"Ahh..." Sinabi ni Dj na nagiisip ng palusot.
"Sabi ko na nga ba eh." Sabi ko. "Ang daming nagbago sayo noh."
"Hindi noh!" Sinabi niya.
"Weh? Sige nga, patunayan mo!" Sabi ko.
"Sige! Wait.... may kukunin lang ako." Sinabi niya.
Binilisan niya ang pagakyat sa taas.
Pagkatapos ng 20 segundo bumaba siya na may hawak hawak na mantel.
"Huh? Ano gagawin natin, matutulog? Ano yun sa panaginip lalavas ya-"
Linagay niya ang dalawa niyang daliri sa labi ko.
"Wag madaldal, please. hahaba bigote ko eh." sabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Basta! sumama ka na nga lang saken." Sinabi niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at tumakbo kami palabas ng bahay.
Naramdaman kong umiinit mga pisngi ko.
Teka, kinikilig ba ako??!!
Noo?!!! alexa bespren mo lang yan! wagggg!!
Tumakbo kami nang dumating kami dun sa puno namin dati.
Ngumiti ako.
"Ngayon.. hawakan mo to.. kukuha ako ng kawayan." sabi niya.
Parang alam ko na ang ginagawa nito....
Bunalik siya na may bitbit na 3 kawayan.
"Oh, tapos ano na mangyayari?" sabi ko.
Nagsmirk siya.
"Akin na yung mantel." sabi niya.
Binigay ko ito sakanya.
"Sara mo mata mo." Demanda niya.
"Huh?" Sabi ko.
"Sarado mo. mahirap ba yun. wag ka sisilip ah. bibitin kita patiwarek!" Sabi niya.
Tinaas ko ang mga balikat ko at pumikit ako.
Pagkatapos ng ilang taon,
"Buksan mo na mata mo." Utos niya.
Nang mabuksan ko ito, napangiti talaga ako ng malaki abot ito hanggan tenga.
Ginawa niya yung bahay bahayan namin dati.
"Oh ha oh ha?!" sabi niya.
Nakatulala lang ako dun.
"Oh ano? PASOK NA TAYO SA BAHAY!" sabi niya.
Hindi kami nagkasya sa bahay.
"Ang taba mo kasi DJ eh." sinabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/10209822-288-k843785.jpg)