Ni- Well

28 2 0
                                    

"Hageshi, ano ba yan at kanina ka pa tulala?" Sabi sa akin ni manang at inilapag ang isang c2 at pillows sa maliit kong table dito sa kwarto

Natauhan naman ako at umiling na lamang.

Flashback

"A-ano yun?" Tanong ko sa kanya pero instead na sagutin niya ako ay umalis siya bigla sa harapan ko at naglaho na lang bigla

Flashback end

Magaalas dose na pero di pa rin ako natutulog sa kakaisip na nangyaring yon

Bakit ba kase niya ginawa yun?

Matapos ang ilang minuto ay nakatulog na rin ako dahil sa pagiisip

Kinabukasan agad akong pumunta sa Ochitsukimashita place dahil sabado

"Oh Hageshi magandang umaga!" Sabi ni Mrs Friere sa akin kaya binati ko rin siya at pumunta sa favorite spot ko

Umupo naman agad ako sa gilid ng fountain at pinagmasdan ang napakalinis na tubig dito

Tunay na nakakarelax talaga sa lugar na 'to

Hinawakan ko naman ang isang bulaklak sa tabi ko at inamoy ang napakahalimuyak na amoy nito

Ililipat ko na sana ang tingin ko sa iba pang bulaklak kaso biglang nahagip ng panigin ko si Tenshi

Pinuntahan ko naman agad kung nasaan siya kaya napalingon agad siya sa akin ng may gulat na ekspresyon pero bumalik ito sa normal na ekspresyon

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko

"Ikaw?" Pagbabalik tanong niya at tumingin sa orasan niya

"Ako una nagtanong" walang ekspresyon kong sabi

"Tss." Sambitla niya at saka ako iniwan magisa sa kinatatayuan ko pero bago pa siya makaalis ay agad ko siyang hinila sa braso

"Bakit pala yung a-ano" tanong ko na di makatingin sa kanya

"Ha?" Takang tanong niya

"Y-yung k-kahapon?" Feeling ko masusunog na ang mukha ko sa sobrang init neto

"Ahh.." Bigla naman siyang ngumiti saka umiling at pumunta sa kung saan

Sht yung ngiti niya..

"Uy t-teka" hinabol ko siya

"Oh Tenshi sino yang kasama mo?" Tanong ng isang lalaking naka dekwatro sa isang bench sa ilalim ng puno

Kinalibutan naman ako kaya aalis na sana ako ng bigla akong tawagin ni Tenshi

"Oh susunod sunod ka tas aalis?" Nanunuya niyang sabi kaya humarap ako sa kanya at tinignan siya ng masama

Tumawa naman yung nagtanong na lalaki kanina

"Tenshi ito na ba yung sinasab--" di niya natuloy yung sasabihin niya kase bigla siyang binatukan sa likod ni Tenshi

"Ha?" Tanong ko

"Ahh sabi ko kung ikaw ba---" di niya nanaman naituloy yung sasabihin niya kase binatukan siya

Pinanlisikan siya ng mata ni Tenshi kaya natawa siya at nagsurrend ng kamay

"Okay.. Okay.. Hindi na" natatawa niyang sabi

Tumingin naman siya sa akin at naglahad ng kamay

"Kira nga pala, ikaw?" Nakangiti niyang sabi

Actually gwapo din siya. Medyo singkit din ang mata, matangos na ilong, pero katamtaman lang ang kulay

Aabutin ko na sana ang kamay niya kaso bigla akong hinila ni Tenshi palayo

"Uy ano ba!" Angal ko pero patuloy pa rin siya sa paglalakad

Tumigil naman siya sa tapat ng isang well

Ai no gakkōWhere stories live. Discover now