San- Childhood Friend

32 4 0
                                    


"A-ano? Bat ako?" Turo ko sa sarili ko at gulong-gulo

"Tss.." Umiling iling siya

"Bakit nga?" Sabi niya pero instead na sagutin niya ako ay lumapit siya sa akin

"Sige bibigyan kita ng choice.
A. You will be my girlfriend
B. You'll pick letter A
C. A&B" he smirk

Namula naman ako dahil sa sinabi niya

"Grabee ka naman!" Sabi ko sa kanya at hinampas siya sa dibdib para magkaroon ng konting distance sa amin kase sobrang lapit niya pero lumapit pa siya lalo at ngumiti

Eeeh! Wag kang ngumiti. Yung dimple mo

"A-ano kase e madaya yung pagpipilian" nakabusangot kong sabi kaya tumawa siya

"Joke lang" bigla niyang sabi at tumawa ng tumawa at tinuturo pa ako

Pinaghahampas ko naman siya kaya dumaing daing siya

"Hey Tenshi!" Sabi ng isang boses kaya napatigil at napalingon kaming dalawa

"What are you doing there?" Sabi niya na tumitingin pabalik balik sa amin

"Ah. Nothing" natatawa niyang sabi at saka inakbayan yung babae saka tumingin sa akin

"Oh?" Hindi naniniwala na sabi ng babae at tumingin sa kanya

"Sige alis na kami" kumindat sa akin si Tenshi at umalis na nga silang nakaakbay siya sa babae

"Bwiset!" Sabi ko ng pinagsisipa ang mga bulaklak dito sa isang puro bulaklak ang meron

"Walang kasalanan yung bulaklak"

Napatingin naman ako sa nagsalita at tumakbo patungo sa kanya para mayakap

"Shiiin!" Niyakap ko siya ng mahigpit kaya niyakap niya rin ako

"Ano bang problema mo?" Natatawa niyang sabi

"Eh kase" di ko masabi sa kanya

"Eh kase?" Takang sabi niya

"Wala.. Wala.. Tara!" Hinigit ko siya paupo sa isang bench dito sa mga bulaklak

"Long time no see" nakangiti niyang sabi at ginulo ang buhok ko

"Ano ba!" Nakabusangot kong sambit

Tumawa naman siya

"Ayaw na ayaw mo talagang nagugulo buhok mo" aniya at inakbayan ako

Actually gwapo talaga si Shin. Singkit, maputi, matangos ilong, saka palatawa

"Pshh.. Ba't pala naparito ka?" Napatingin ako sa kanya

"Guess what?" Nakangiti niyang sabi

"Eeh! Ano ba yan sabihin mo na lang" hinampas ko siya sa braso kaya inalis niya yun sa pagkakaakbay pero binalik ulit

"Dito na ako magaaral" una wala akong naging reaksyon pero ng nagprocess ako ay sumigaw ako at niyakap siya

"Edi magiging kaklase kita?" Energetic kong sabi

"Hindi" simpleng tugon niya

"Ay" bigla naman nawala pagiging energetic ko kaya natawa siya

"Uy joke lang. Kaw talaga" tumawa siya ng tumawa kaya hangga't makaalis kami sa school ay tinatawanan niya pa rin ako

"Oh sige na alis na ko" sabi niya ng nasa tapat na kami ng bahay ko

"Salamat ah? Ingaaat!" Sabi ko sa kanya

"Oh hug ko?" Kinindatan niya ko kaya natawa ako at niyakap siya

Pagtapos nun ay umuwi na siya pero bago pa man ako makapasok sa loob ay may pumaradang sasakyan sa harapan ko

Bumukas ang bintana at nakita ko si Tenshi na galit na galit pero bago pa man ako makapagreact ay humarurot na paalis yung sasakyan

Ai no gakkōWhere stories live. Discover now