Hatchi- I Love You

23 3 0
                                    

Hageshi's POV

"Ano ba yang dala dala mo?" Tanong ko sa kanya

"Ah para to kay Joo" nakangiti niyang sambit saka nanguna sa paglalakad

"Tenshii!" Sabi naman nung babaeng tinawag siya no'n saka nagyakapan sila

Opo, sa harapan ko psh

Tinignan naman ako ng babae saka tumingin kay Tenshi

"Siya nanaman?" Tanong nito saka tumalikod at umalis

Bumuga naman ng hangin si Tenshi saka sinundan si Joo kuno at sinuyo

Sinama pa 'ko makikipaglandian lang pala. Tuhray!

Umalis ako do'n at pumunta sa isang stall ng ice cream

Kumakain na ako ngayon sa isang bench ng tinabihan ako ni Shin

"Kamusta?" Tanong niya saka ako niyakap kaya naman bigla ko siyang tinampal sa kamay

"Muntik na malagyan buhok ko. Loko ka!" Galit kong sabi

"Aw buhok nanaman. Galit siya oh sorry na" nakangiting sabi niya saka nagpacute sa harapan ko kaya naman nagtawanan kami

"Ganito na lang, libre mo ko ice cream para mawala galit ko" hamon ko sa kanya

Hanep diba? Hahaha

"Ayon naman pala e gusto lang magpalibre ng ice cream. Bumili ka ng sarili mo" sabi niya saka ako binelatan kaya naman hinabol ko siya at tamang tama ubos ko na ice cream ko

Opo, ice cream mons.

"Pagnahuli kita tatlo na ililibre mo!" Sigaw ko sa kanya kase malayo layo na siya sa akin 

"Uy! Magpahuli ka naman" hinihingal kong sabi at napaupo na sa sahig

Tumawa naman siya

"Wag kang madaya uy" tugon niya saka kami nagtawanan

"Eh madaya dapat lakad ka lang" pangungulit ko pa sa kanya

"Grabe ka talaga" ngumingiti siya habang iiling iling

"Oy anong grabe? Sus kuripot ka lang eh. Walang peraaaa! SI SHIN WALANG PERA. WALANG PAMBILI NG ICE CREAM KAYA NAGPAPAHABOL NA LANG" madami naman ang nagsitinginan sa direksyon namin kaya

Success!

Bakit?

Kase lumapit na si Shin na iiling iling kaya sumampa agad ako sa likuran niya

"Ohh~~~ ililibreee na kooo ni Shin" pakanta kanta ko pang sabi saka sinabing apat gusto ko

"Grabe ka naman. Di ka kaya magkatoncil niyan?" Sabi niya habang tumatawa

"Manong oh. Kuripot no?" Pangungutya ko sa nagtitinda kaya tumawa siya at tumango

"Oh ayan ah.. Si manong na din nagsabi" tukso ko pa kay Shin kaya anong result?

Tinotoo niya nga kaya halos sumayaw na ko sa sobrang saya

"Thankyouuu talaga Shin ah? I love you" sabi ko sabay yakap sa kanya

Namula naman siya saka tumango

Ai no gakkōWhere stories live. Discover now