Jyu- Serene

31 1 0
                                    

Lunes na ngayon at medyo ayos na ayos na ang pakiramdam ko kaya naman pumasok na ako

As usual after ng ilang subjects recess na at nasa usual spot ko ako

Kumakain ako ng fries ng biglang umingay ang paligid kaya naman alam na alam ko na agad kung sino ang dumating at syempre sa presensya neto

Kakagat na sana ako sa burger ko kaso bigla akong napatigil ng biglang nahagip ng paningin ko si Tenshi

Nakatingin rin siya pero agad nagiwas ng tingin saka umupo sa spot niya naman

Pero hindi lang siya magisa dahil may kasama siyang babae at nakahawak siya sa bewang nito

Pero bakit ganun?

Bakit biglang parang may tumusok na kung ano sa puso ko?

Bakit parang feeling ko ang init init na ng mata ko

Hindi ko na alam bakit parang nasasaktan ako kaya tumayo agad ako at umalis sa canteen saka pumunta sa field at umupo sa isa sa mga bench

May maiinit na luhang lumandas sa mata ko kaya agad ko itong pinunasan

Anong nangyayari sa akin?

Hindi naman ako iiyak ng walang dahilan ah?

Ang sakit sakit sa puso

Ang sakit sakit . . .

Bigla namang may tumabi sa akin

Paglingon ko—Si Tenshi

"A-anong ginagawa mo dito?" Hindi mapigilang mabasag ng boses ko sa pagtanong

"Bakit ka umiiyak?" Hindi niya pinansin ang tanong ko at seryosong tumingin sa akin

Nagiwas naman ako ng tingin sa kanya kase parang may tumutusok nanamang karayom dito at yumuko ng maramdamang may luhang lumandas mula dito

Peseteng luha to ba't ayaw tumigil?!

Hinarap niya naman ang mukha ko sa kaniya at lumambot ang tingin nito at napaawang ang bibig

"Umiiyak ka nga" sabi niya habang hawak hawak pa rin ang chin ko

"H-hindi ah" inalis ko ang pagkakahawak niya sa baba ko at akmang aalis na ng hinawakan niya ang wrisk ko kaya napaupo ako ulit sa bench

"B-bitawan mo ko" may lumandas nanamang luha galing sa mga mata ko

"Tumingin ka sa akin" atas niya pero hindi ko siya sinunod

Please tama na...

Hinanap niya ang mga mata ko at ng magkatinginan kami ay sumeryoso siya

Pinunasan niya ang luha sa pisnge ko at hinila ako sa kung saan pero di ko alam kung bakit di ako umangal

Bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko

May sakit na ata ako sa puso?

Kanina parang kung anong may tumutusok dito pero ngayon parang may kumikiliti dito

Tumigil kami sa loob ng private room niya at pinaupo niya ako sa isang upuan niya malapit sa isang shelf nya

"Are you jealous?" Malambing niyang tanong sa akin kaya parang biglang naginit ang pisnge ko

"A-anong jealous?" Sabi ko sa kanya at tumingin kung saan

"Hey, look at me while i'm asking you" iniharap niya muli ang mukha ko sa kaniya kaya parang nahugutan ako ng hininga

"H-hindi ah" nauutal kong sabi at nilabanan ang titig niya

"Oh okay" nakangiti niyang sambit saka naglakad papunta sa pintuan niya

"Thankyou"sambit niya at may inilapag na plastic sa mini table niya

"Ano yan?" Pinuntahan ko na siya at medyo naglagay ng distansya

"Ahh it's a burger para sa atin" tumingin siya akin at ngumiti ng nakakaakit

Yung dimple >.<

'Pwede ba tigilan mo pagpapapogi'

"Hindi ako nagpapapogi sadyang pogi lang ako" kumindat pa siya at winave wave yung kilay

Waaah! Sa isip ko lang yun sinabi ah?

Pumitik naman siya sa harap ko at ngumiti

"Alam ko kung ano nasa isip mo kaya wag ka na magtaka" kumindat ulit siya at ginulo yung buhok ko kaya agad ko naman itong inayos

"A-ano? N-babasa mo?!" Kinakabahan akong tumingin ng nagaalala sa kanya

Paaaaano kung alam niya din pala yung pagkakapogi ko sa kanyaaa waaah! Nooo

Tumawa naman siya at umupo

"Joke lang. Actually madali kaseng mabasa yung nasa isip mo base sa paninitig at facial expression mo" iniabot niya sa akin ang burger at kumain naman na ako

Napabuga naman ako ng hangin

Buti naman

Ai no gakkōWhere stories live. Discover now