Chapter 1

26 1 0
                                    

Author's memo.

This is a work of fiction. Ano man pong pagkakatulad sa ibang istorya ay 'di sinasadya. Maliban na lang po sa ilang mga scenes dito na inspired sa hit TV series na "Meteor Garden."

It took me a month, bago ako nagkalakas ng loob na i-publish ang story na 'to. My first ever story. So, I wanna say sorry in advance kung may mga mali sa grammar, dictions and etc. I'm still in the process of learning. Thank you sa lahat ng magbabasa at makaka-appreciate ng kuwentong ito.

//////

ELIYAH'S POV

Lunes na naman ng umaga. Ano pa ba ang meron, kapag lunes? Eh di pasukan. Kasalukuyan akong naglalakad papasok ng school. First day of classes pa. Hindi ko na hinintay ang pinsan ko. Ayoko kasing ma-late. Hindi naman sa isa akong butihing mag-aaral. Sa katunayan nga ayoko sa school. Bakit? Simple lang, masyado kasing magulo. Ako kasi 'yong tipo na palaging nasa bahay lang. Wala rin ako masyadong kaibigan. Kung tutuusin mabibilang sa isang kamay ko kung ilan lang sila. Hindi pa nga umabot ng lima. Hindi kasi ako mahilig makipaghalubilo. Hindi rin ako approachable. Kapag hindi nga ako kinausap hindi malalaman na nandoon pala ako. Pero okay lang sa akin. Ayoko naman talaga na maging center of attention. Hindi ko kasi alam kung paano iha-handle. Iyan ang dahilan kung kaya ayokong ma-late.

Halos wala pang tao sa classroom nang dumating ako. Doon ako umupo sa gawing likuran. Maya-maya, isa-isa ng nagdatingan ang mga classmates ko. Pinalabas na rin kami para sa orientation. Dito sa covered court kami pinapunta. At dahil wala na kaming mauupuan no choice kundi sa semento na lang. Mag-indian sit na lang daw kami. Habang nagsasalita ang emcee sa harap wala akong maintindihan. Nangangalay na rin ang mga paa ko dahil sa pagkakaupo. Gumalaw ako ng kaunti. Only to find out na may nasagi pala ako sa likuran ko.

"Shit! My uniform!" Narinig kong sigaw nito.

Napatingin na rin tuloy sa amin ang ibang estudyante na nandoon. Natapon pala ang iniinom nitong soft drinks sa suot nitong polo. I just bit my lower lip.

"Kuya, sorry. Hindi ko sinasadya." Sabi ko sa kanya.

"Sorry? Oh, come on. Sa laki kong ito hindi mo ako nakita?"

Baliw ba siya? Natural nasa likuran ko siya. Paano ko nga siya makikita.

"Hindi ko naman kasi alam na may tao sa likuran ko. At saka bakit ka kasi may dalang softdrinks, eh 'di ba orientation ngayon?" Paliwanag ko sa kanya.

"Tss. Stupid. At anong tingin mo sa akin hindi tao? Kunsabagay pang Greek god nga naman kasi ang hitsura ko."

Wow ha! Ang taas ng self confidence niya. Hindi ko ma reach. Ang sarap niyang batukan. Tinawag pa akong 'stupid.' Siya kaya 'yon."

"Next time, Miss, make sure you are wearing your eyeglasses. Para naman hindi ka nakakadisgrasya ng ibang tao."

"Oh my god! 'Di ba siya si Dylan Quintana?" Napatingin ako sa isang grupo ng mga babae.

"Yeah. Ang lakas naman ng loob ng babaeng 'yan na tapunan ng soft drinks ang student leader dito."

Napayuko na lang ako nang mapansin ng mga ito. Mga bulag yata sila. Ako raw ang nagtapon ng soft drinks sa uniform ng lalaking 'to. Aksidente lang kaya ang lahat.

"You'll gonna pay for this." Bulong niya sa akin. Tapos nag smirk pa siya.

Ano daw? I'm gonna pay for what? Baka sa uniform niyang namantsahan. Bayad 'agad? Matatanggal naman 'yon kapag nilabhan, ah. Pero hindi ko rin maiwasan na hindi kabahan sa sinabi nito.

Buong orientation walang ibang pumasok sa utak ko kundi 'yong mga huling sinabi nito.

You'll gonna pay for this...

Status: It's Complicated! (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon