Dahil hindi ako nakatulog nang maayos kagabi tinanghali ako ng gising. Wala na si Jenny. Nauna na raw itong pumasok. Actually, kagabi nga mas nauna pa itong nakauwi sa akin eh. Kaya tuloy ako ang nasabon ni tita. Dahi sa isang tao, sandamakmak na kabwisitan ang inabot ko. Parang ayoko na tuloy pumasok. Lalo na tungkol sa sinabi niya kagabi. Bakit kasi ako pa ang napagtripan ng lalaking iyon?
"Hoy, bata ka. Ano pa ang tinutunganga mo riyan. Male-late ka na!"
Nang tingnan ko ang oras malapit na palang mag-alas-siyete. Mabilis kong dinampot ang bag ko at nagpaalam na papasok na. Dahil malapit lang naman ang school hindi pa ako na-late. Pero konti na lang talaga muntikan na.
Pagpasok ko sa loob ng classroom, madami na akong classmate na nandoon. Kagaya kahapon sa likuran ako umupo. Eksakto naman na dumating na ang teacher namin. English ang first subject. Siyempre ito ang hindi mawawala sa first day of classes. Ang 'introduce yourself.' Isa-isa kaming pinapunta sa harapan para i-introduce ang aming mga sarili. Ako ang third to the last na magpapakilala dahil nasa likuran ako.
"Hello, I am Eliyah Marie Velasco Chua. Transferee student. 16 years old. I lived with my cousin and with my tita. I loved staying at home and watching movies. My favorite pet is cat and dog." Pagtapos kong magpakilala nag bow na ako at bumalik sa puwesto ko.
Nang tinawag na ang pang last para akong natulala. Puteeek! Classmate ko siya?! Bakit hindi ko siya napansin kanina? Kapag tinamaan nga naman talaga ako ng kamalasan. Medyo nagtago ako sa kaklase ko na nasa harapan ko. Pero wala rin namang silbi dahil malamang nakita na ako nito kanina no'ng nagpakilala ako. At saka ang tangkad niya, kaya kitang-kita niya kung saan man ako nakaupo ngayon.
"Hi. I think, a lot of you had already know my name. But to those who wasn't, let me introduce. I'm Dylan Stephen Garcia Quintana. 16 years old..."
"May gf ka na? Anong type mo sa isang babae?"
Narinig kong tanong ng mga classmate naming babae. Ano ito? Q & A?
"I don't have a girlfriend. But, I'm courting someone."
Biglang umugong ang bulungan. Meron pa ngang iba na hindi maitago ang panghihinayang.
"Sino? Taga dito ba siya sa school natin?"
Parang mga timang lang itong mga classmate ko. Akala mo mga reporter. Bigla akong may naalala.
'Starting tomorrow, nililigawan na kita!' Pakshet! Huwag lang ako ang ituturo mo. Kung hindi masasapak talaga kita.
"She's our classmate. My soon to be girlfriend, Eliyah!"
My soon to be girlfriend, Eliyah!... O__O
Processing...
Processing...
Processing...
Totoo ba 'yong narinig ko? Epal talaga! Sana lumubog na lang ako ngayon sa kinauupuan ko. Lalo na no'ng sa akin mapadako ang mga tingin nila. Ito ang ayoko sa lahat eh. 'Yong maging sentro ako ng atensyon.
"Siya lang ba 'yong nililigawan?"
"Hindi sila bagay."
"Siguro ginayuma niya si Dylan."
Hello! Naririnig ko kayo. Akala mo mga perfect kung makapanglait. Nakakainis. Kasalanan 'to ni Dylan.
"Class, tama na iyan. Let's proceed to our topic." Awat na ng teacher namin. Salamat naman.
Habang nagtuturo si ma'am, lumilipad ang utak ko. Kahit isang salita wala akong naintindihan. Hanggang sa tumunog na ang bell. Dalawang subject pa ang natapos bago dumating ang lunch break namin. Kanya-kanya na ng labasan ang mga classmate ko para pumunta ng canteen. Tinext ko si Jenny para sabay kami. Malas, mas nauna pala ang vacant time nila bago 'yong sa amin.
"Hindi ka pa ba magla-lunch?"
Hindi ko na kailangan tingnan kung sino iyon. Sigurado ako na 'yong dakilang panira ng buhay ko lang naman 'to.
"Hindi ako magla-lunch."
"Bakit? Wala kang pang lunch? Tara, I'll treat you."
Tiningala ko ito para tingnan.
"May pera ako 'no. Diet kasi ako." Anong tingin niya sa akin, pulubi? Tss.
"Sa payat mong 'yan nakuha mo pang mag-diet? 'Wag ka ngang mag-joke."
"Mind your own business, okay?"
"But you are my business." Nilapit pa nito 'yong mukha niya sa'kin.
"At ano 'yong sinabi mo kanina na soon to be girlfriend mo ako? Kahapon nga lang tayo nagkakilala? Echosero ka rin, eh."
"Sinabi ko na sa iyo kagabi 'di ba? 'Yan talaga ang kabayaran sa ginawa mo sa akin kahapon. We have to pretend that we are dating."
"Why? At bakit ako? Madami naman diyang iba."
"Kagaya nga ng sinabi ko kahapon. You're not my type of girl, kaya safe ako sa iyo."
Ang yabang talaga. Eh, ako? Hindi ko rin naman siya type, ah. -_-
"Lumayo ka nga sa akin." Hindi ako makaatras dahil nakaupo ako.
"Bakit? Naiilang ka ba?" Kainis lang, kasi lalo niya pang nilapit yung mukha niya sa akin.
"Hindi. Ang pangit mo kasi."
Nilayo na niya ang mukha sa mukha ko.
"Ako? Pangit? Tss. Magpatingin ka na ng mata mo."
'Yon lang tapos lumabas na siya ng classroom namin. Problema no'n? Haha. Parang isip bata. Sinabihan lang na pangit nag walk-out na. Pakialam ko ba. Mabuti nga iyon umalis na ito eh. Pagtapos na lang lahat ng klase namin saka ako magla-lunch. Hindi ko kasi feel na lumabas ng classroom.
Hanggang sa mag-uwian hindi na ako kinausap pa ni Dylan. Ganoon ba talaga siya kaapektado na masabihan ng 'pangit?' Ang babaw naman niya. Sa canteen muna ako dumiretso para makakain. Tinext ko na rin si Jenny na dito kami magkita. Umorder lang ako ng isang ulam saka dalawang cup ng kanin. Tapos leche flan para sa dessert ko. Saka sago'gulaman naman para sa inumin ko.
Kumakain na ako nang dumating si Jenny.
"Ate, grabe ka! Hindi ka ba naglunch? Bakit pinapabayaan ka ng boyfriend mo?"
Muntik ko ng maibuga 'yong iniinom ko sa sinabi nito.
"Anong boyfriend ang sinasabi mo diyan?"
"Ililihim mo pa ba sa akin? Eh, halos kalat na nga sa buong school. 'Di ba nagde-date na kayo ni Dylan." Umarte pa ito na parang kilig na kilig.
"Sino naman ang nagsabi ng kalokohan na 'yan? Hindi 'yon totoo."
"Denial queen lang, 'te? Hindi mo ba nakita 'yong mga nakadikit na pictures sa bulletin board? Nakita kayo kahapon na magkasama sa mall. Ang sweet niyo ngang dalawa."
Anong pinagsasabi nito? Anong mga picture 'yon?
"Baka naman pina-photoshop lang 'yon?"
"Wow naman! Saang photoshop editor 'yon? At ipapa-photoshop ko 'yong picture ko na kasama si Jungkook."
Baliw din talaga 'tong pinsan ko. Sakyan daw ba 'yong joke ko. -_-
Inaya ko na ito na umuwi pagtapos kong kumain. Nakita ko si Dylan sa may soccer field kasama ang mga barkada niya. Mukhang nainis talaga ito na sinabihan ko siya ng pangit kanina. Ngayon ko lang nalaman pikon pala siya. Teka nga! Bakit ba ako apektado?
BINABASA MO ANG
Status: It's Complicated! (On Going)
Teen FictionFrom pretending to falling in love? Paano kung one sided love lang pala! Ang saklap 'di ba?