Chapter 6

14 1 0
                                    

Grabe ang lakas ng ulan! Kahit na may payong, nabasa pa rin ako. Nasaan na ba ang lalaki na 'yon? Inilibot ko ang tingin sa kabuuan nang lugar. Wala naman siya. Pinagloloko lang yata ako no'n eh. Pero baka umuwi na 'yon. Pasado alas-singko na kasi. Sino ba naman ang matinong tao na maghihintay ng tatlong oras?

"Bakit ngayon ka lang?" Napatingin ako sa humawak nang braso ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bakit ngayon ka lang?" Napatingin ako sa humawak nang braso ko. "Alam mo bang kanina pa ako naghihintay sa'yo? Tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot."

Nakita ko na naman 'yong nakakatakot niyang mukha. So, siya nga pala talaga ang tumawag sa akin kahapon. "Nakalimutan ko kasi 'yong cellphone sa bahay. Bakit kasi hinintay mo pa ako? Pwede naman na umuwi ka na lang kanina."

Binitiwan nito ang pagkakahawak sa braso ko. "Hindi mo nga kasi sinasagot ang tawag ko. Hindi ko alam kung may nangyari na ba sa iyong masama. Stupid!"

Nakita kong humalukipkip ito. Ngayon ko lang napansin na basang-basa pala ito. Parang nilalamig pa. Inatake tuloy ako ng konsensiya. Kanina pa pala niya ako inaantay. Ang abnormal naman kasi, eh.

"Bakit ka nagpaulan? Hindi ka man lang nag-stay sa kotse mo."

"Hindi ko dala ang kotse ko. Nagpahatid lang ako dito sa driver namin. Nabasa ako dahil sa paghihintay sa'yo. Ano pang tinatayo mo diyan? Nilalamig na ako. Gusto ko ng mainit na kape."

Nagpauna itong maglakad. Lakas magpa-guilty. Sinundan ko na lang siya. Ang bilis naman niyang maglakad hindi niya ba alam na may kasama siya? Huminto ito sa paglalakad.

"Pwede bang bilisan mong maglakad!"

Kahit kailan talaga napakaarogante ng isang ito. Hindi man lang marunong makiusap. Kung hindi lang ito nabasa, iniwan ko na 'to. Pasalamat siya sa ulan. Magkasabay na kaming naglalakad na dalawa. Saan kaya ito papunta? Gusto daw magkape, pero nilagpasan niya na lahat nang mga coffee shop. Nakita kong huminto ito sa harap ng isang hotel. Weyt! Hotel? Bakit dito? O.O

"Oy! Teka. Teka! Bakit dito tayo pupunta? May binabalak kang masama, 'no?" Humarang ako sa pagpunta niya sana sa harap ng reception. Nakita kong napakunot 'yong noo niya. Nagpapainosente look pa ang kumag na 'to. "Ikaw na lang mag-isa ang pumasok diyan. Tutal, tumupad naman na pumunta ako. Kaya uuwi na ako." Pero hindi niya ako pinansin. Hawak niya 'yong kamay ko pumunta kaming dalawa sa harap ng reception.

"Bakit ba kailangan na isama mo pa ako dito? Sabi nang uuwi na ako." Naglalakad na kaming dalawa papunta sa kinuha niyang suite. "If you think I'm a kind of girl na naisasama mo dito, nagkakamali ka. Hindi ako cheap!" Alam mo rin ba na ang bata-bata ko pa para dalhin mo dito. Irereklamo ko talaga ang hotel na ito. Imagine? Tino-tolerate nila ang mga kabataan na mag check-in dito. Basta talaga tungkol sa pera, walang edad silang pinipili!

Napansin kong ako na lang pala mag-isa ang naglalakad. Nasaan si Dylan? Pagtingin ko sa likuran ko, nakita ko itong nakapaupo sa gilid ng pasilyo. Anong nangyari do'n? Nilapitan ko 'to.

"Oh, anong nangyari sa'yo?"

No response.

"Hoy, Dylan."

Hindi pa rin ito sumasagot. Hala ka! Tulog na ba ito? Pumantay ako dito ng upo. "Dylan! Nakatulog ka na ba diyan?"
Nag-angat ito nang tingin. Pero 'yong hitsura niya parang may mali. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Napaatras ako mula dito. "Hoy, ano 'yang ginagawa mo? Tigilan mo ako Dylan, ah. Sisipain talaga kita kapag lumapit ka sa akin."

Pero tuloy-tuloy lang ito na lumapit sa akin. Sisipain ko na talaga ito nang bigla na lang itong tumumba. Teka, bakit siya tumumba? Hindi ko pa naman siya nasisipa, ah. Mabilis ko itong dinaluhan. Inaapoy na pala ito ng lagnat. Natuyuan na ito nang basang suot. Paano ko ba ito bubuhatin? Eh, ang tangkad nito. Mabuti na lang may dumaan na bellboy. Nagpatulong ako. Nang maiwan kaming dalawa, inasikaso ko ito. Shete naman, oh. Kaya pala ako sinama nito para maging personal yaya niya. Naku paano ba ito? Wala naman siyang extrang damit. Nang biglang may nag door bell. Siguro ito na 'yong ni-request kong pagkain.

"Ma'am, ito na po 'yong food service. Naglagay na rin po kami ng soup para kay sir Dylan. Ito na rin po ang extrang damit para makapagpalit na po siya." Tama ba ang narinig ko? Kilala niya si Dylan? Tss. Madalas siguro siya dito. Babaero din talaga ang Dylan na 'to.

Ilang minuto na akong nakatayo sa harap ni Dylan. Hindi ko alam kung papalitan ko ba ito nang damit o gigisingin ko na lang ito? Bakit ba kasi pinaalis ko kaagad 'yong bellboy, eh. Dapat pala ito na lang ang pinagpalit ko ng suot na damit ni Dylan. Bahala na nga. Malasakit lang 'to, walang halong malisya. Sinubukan ko munang gisingin ito, pero talagang tumba dahil sa lagnat niya. Pinilit ko siyang iupo, salamat naman at medyo nag-response siya sa ginagawa ko. Pero nang malaman niya siguro kung ano ang balak ko, tumanggi pa siya.

"Anong arte 'yan? 'Wag ka ngang pa-virgin. At saka wala akong gagawing masama sa'yo 'no." Pinamaywangan ko ito. Kahit na may sakit siya nakuha niya pa akong simangutan. Hari talaga ng kasungitan. "Ano magpapalit ka ba? O bahala ka diyang mapulmon." Lumapit uli ako sa kanya. This time hindi na siya nakatanggi. Feeling ko para akong may inaalagaang bata. Whoo! Nakaraos din ako sa pagpapalit nang damit niya. Pero, lord patawarin mo ako. Nagkasala ang mga mata ko. Lechugas naman kasi, bakit gano'n 'yong katawan niya? Pang model. Walang binatbat ang katawan ni James Reid. Pinilit ko itong makakain para makainom na rin ng gamot. Nang okay na ang lahat saka ko lang namalayan ang oras. Omay! Pasado alas-diyes na pala nang gabi. Siguradong gi-giyerahin ako ni tita. Bakit kasi hindi ko nadala ang cellphone ko. Hindi ko naman kabisado 'yong number ng landline namin sa bahay. Hindi naman ako makauwi dahil nilalagnat itong kasama ko. At isa pa ang lakas pa rin ng ulan sa labas. Goodluck na lang talaga sa akin bukas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Status: It's Complicated! (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon