Chapter 5

11 1 0
                                    

Omaygad! Ito ang unang beses na nakita kong ganito ka-seryoso ang mukha ni Dylan. Although palagi naman talaga siyang nakasimangot. Pero parang may black aura na bumabalot sa kanya. Para ngang hindi lang seryoso kun'di galit. Pero bakit siya magagalit? Wala naman akong ginagawang masama.

"Ikaw 'yong tumatawag kanina?"

Wala akong sagot na nakuha dito. Ang sama pa rin ng tingin niya sa akin. Tapos sabay walk-out. Ano 'yon? Ang lakas na naman nang tama niya sa ulo!

"Ano na naman ang problema ng kaibigan ninyo?" Lumapit ako kina Andrew.

"Kagaya nga ng sinabi niya, kanina ka pa niya tinatawagan. Tapos hindi mo sinasagot. And in-off mo pa ang phone mo."

Pero bakit parang nagkakatuwaan pa sila? mga abnormal din yata ang tatlong 'to. Magsama-sama nga sila.

"Bakit kasi tumawag pa siya? Kung nagtext na lang siya, eh di sana nabasa ko pa."

"Tamad magtext ang isang 'yon. Kahit nga magbasa ng text ayaw na ayaw no'n." Bullet said while shaking his head.

Seriously? May taong gano'n? Ano ba namang lalaki 'yon napaka-abnormal talaga.

"Liyah, sino ba sila? Hindi mo sa akin sinabi may mga artista palang nag-aaral dito."

Lumapit si Shinee sa amin. Tapos 'yong hitsura niya talagang titig na titig sa tatlo. Umiral na naman ang pagiging inosente.

"Hoy, kutong lupa sino ka ba?"

Alerto namang nagtago sa likuran ko si Shinee.

"Kaibigan ako ni Liyah. Kayo sino? Pati 'yong kaninang mayabang na umalis."

Nagtawanan na naman silang tatlo.

"Anong tinatawa-tawa ninyo?" Tinatawanan ba nila ang sinabi ni Shinee na kaibigan niya ako. Pare-pareho talaga silang apat.

"Iyang kaibigan mong kutong lupa. Kung mahal niya pa ang buhay niya simulan niya ng humanap ng bagong school na mapapasukan." Sabi ni Kevin with matching smirk pa.

Kaka-transfer nga lang ni Shinee dito, tapos maghahanap ng bagong school? Baliw ba sila? "Bakit naman niya gagawin 'yon? Wala naman siyang ginagawang masama, ah."

Nakita kong nagtinginan silang tatlo. Ano bang meron na hindi ko alam? Naguguluhan ako sa kanila.

"Alam mo kasi, Liyah. Si Dylan may pagkaseloso 'yon. At hindi lang basta seloso. Possessive 'yon masyado." Tinapik-tapik pa ni Andrew ang balikat ko.

"So? Bakit sa akin ninyo sinasabi? Wala akong pakialam kahit may sungay at buntot pa ang kaibigan ninyong 'yon. Tara na nga Shinee."

Humarang silang tatlo sa dadaanan namin. "Puwede ba 'wag kayong humarang!" Sinamaan ko na sila ng tingin. Hindi ko alam pero naiinis ako. Lalo na kay Dylan, para kasing tanga. Bigla-bigla na lang nag walk-out.

"Tama nga si Dylan. You are different from the other girls here in the campus." Yumuko pa si Bullet para salubungin 'yong tingin ko.

"Alam kong naiiba ako sa kanila. Dahil ordinaryo lang ako. Hindi mayaman, hindi maganda, hindi sexy at higit sa lahat walang kaibigan. Oh, ayan masaya na kayo?"

Pakshet lang. Tawanan pa daw ba ako? Ipapa-mental ko na talaga ang tatlo na ito eh.

"Hindi mo talaga na-gets ang sinabi namin, 'no?"

Slow ako ngayon sa hindi ko malamang kadahilanan. Bahala sila. "Hindi nga."

"Si Dylan siguradong nagselos 'yon dahil kasama mo ang kutong lupa na 'yan. Tapos nadatnan niya pang magkayakap kayo."

Si Dylan nagselos daw? Parang gusto kong humalakhak. Joker pala ang tatlo na 'to. "I'm sure hindi 'yon nagselos. Nagalit 'yon kasi hindi ko sinagot ang tawag niya. Wala akong ginagawang masama. Because in the first place, wala kaming relasyon. We are just pretending. Para lang masabi sa parents niya na may nililigawan siya. Dahil ayaw niyang ipagkasundo sa babaeng pinili ng mga iyon para sa kanya. Kung sino man ang may kasalanan, siya 'yon. Dahil sinabihan niya akong nakikipaglandian, samantalang hindi niya naman alam kung ano ang talagang nangyari."

Iyon lang at dire-diretso na akong umalis. Siyempre karay-karay ko si Shinee. Hanggang sa makauwi ako ng bahay hindi pa rin nawawala 'yong inis ko kay Dylan. Hindi ko pa rin matanggap na sinabihan niya akong nakikipaglandian. Hindi niya man lang ba kayang kontrolin ang sarili niya na magsalita ng nakakasakit? Siyempre hindi! Ako na rin ang sumagot sa tanong ko. Saksakan ng pagkaarogante ang isang 'yon eh. Bakit ba inaaksaya ko pa ang oras ko sa pag-iisip sa isang walang kwentang tao? Stress lang ang aabutin ko. Magre-review sana ako, Pero naalala ko wala nga pala kaming pasok bukas dahil sabado. Itutulog ko na lang 'to. Sakto naman nag ring 'yong cell phone ko. Istorbo naman! Sinagot ko na, kahit 'di ko alam kung sino 'yon.

"Pumunta ka bukas sa may Venice Grand Canal. 2 in the afternoon. Hihintayin kita."

"Sino 'to?" Pero wala ng sumasagot sa kabilang linya.

Kaya ayokong sumasagot ng unknown number eh. Ang daming nangtri-trip. Pero teka! Parang pamilyar sa akin 'yong boses no'ng tumawag. Siya kaya 'yon? Tinext ko kung sino, pero five minutes na wala pang reply. Hah! Bahala ka nga diyan.

Kinabukasan maaga akong nagising. No'ng natulog ako kahapon dire-diretso na pala 'yon hanggang umaga. Pagtingin ko sa baba, wala pang tao. Tulog pa siguro sina tita at Jenny. Tutal, wala namang pasok kaya ako na lang ang magluluto ng almusal. Pagtapos kong magluto pumunta muna ako sa likod ng bahay. Madami na rin kasi akong labahin. Maglalaba na muna ako habang inaantay ko sila tita na magising. Pero bakit gano'n? Pasado alas-sais na bakit wala pa ring araw? Parang ang sama ng panahon ngayon. Pakialam ko ba sa panahon. Ganito nga ang masarap, eh. 'Yong umuulan habang nasa bahay lang ako. Pagtapos kong maglaba nadatnan ko nang gising sina tita. Kaya sumabay na rin ako sa kanila. Buong umaga akong gumawa nang gawaing bahay. Ganito lang ang routine ko kapag walang pasok. Pero pag araw ng linggo nasa flower shop ako ni tita. Ako ang tumatao doon. Minsan ako din ang florist niya. Malakas pa rin ang ulan. Narinig ko may bagyo nga pala ngayon. Kaya napagpasyahan namin ni Jenny na pumunta ng supermarket. Ubos na kasi ang mga stocks sa bahay. Habang nakapila kami sa counter hindi na naman nito naiwasan na usisain ako tungkol kay Dylan.

"Ate, kailan mo balak sagutin si kuya Dylan?" Habang tinutusok-tusok pa niya ako ng daliri sa tagiliran ko.

"Ewan ko doon. Masyadong magulo ang lalaki na 'yon. Daig pa ang babaeng may monthly period."

"Masyado na ba niyang ginugulo ang puso mo? Sagutin mo na kasi." Baliw din talaga 'tong pinsan ko. Grabe kung kiligin halos bugbugin na ako. Paano pa kaya kung sa sarili niya nang love life siya kikiligin? Ha! Goodluck na lang sa makakatabi nito. "Weekend ngayon, wala ba kayong date?"

Napatigil ako sa tanong nito. Ngayon ko lang din naalala 'yong tumawag sa akin kahapon. 'Alas-dos sa may
Grand Canal.' Tiningnan ko ang suot kong relo. Shete! It's almost five in the afternoon. Si Dylan ba talaga 'yon? Tatawagan ko sana kaya lang pagtingin ko hindi ko pala dala ang cellphone ko.

"Jenny, pwede bang mauna ka nang umuwi! May pupuntahan lang ako." Inabot ko dito ang dala kong basket ng grocery.

Ha...eh a-ano ang sasabihin ko kay mama?"

"Sabihin mo babalik din ako kaagad." Hindi ko na hinintay ang sagot nito. Mabilis akong lumabas ng supermarket at sumakay ng bus.

Status: It's Complicated! (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon