Bakit dito kami sa Mall bumaba? Akala ko ba hindi niya ako type? Bakit magde-date kami 'agad? Hahaha. Erase! Erase! Date ka diyan, Liyah. Praning ka na rin. Mabuti siya na lang ang tanungin ko.
"Anong gagawin natin dito?"
"Mamamalimos." Nag-smirk na naman siya. And nauna na siyang lumakad.
Abnormal din talaga ang lalaki na 'to eh. Hindi man lang ba siya nabiyayaan kahit kaunting kagandahan ng asal? Iwanan daw ba ako dito? Takasan ko na lang kaya siya? Tutal, hindi naman siya nakatingin eh. Nakatalikod na ako nang maramdaman ko na may humila ng blouse ko.
"And where do you think you're going?"
"Sa mall." Ngumiti pa ako sa kanya.
"Mali ka ng dinaraanan. Dito ang tamang daan."
Grabe lang, ha. Hilahin daw ba ako papasok ng mall. Mukha tuloy kaming tanga na dalawa. Baril at kutsilyo na lang ang kulang para sabihing hostage drama na.
"Ano ba ang gagawin natin dito? Saka pwede ba, bitawan mo na ang blouse ko?"
"Ibibili mo ako ng bagong polo. Hindi kita pwedeng bitawan, baka mamaya takasan mo ako. Mahirap na."
Si Edward Cullen ba siya? Bakit nababasa niya ang nasa isip ko. Bwiset talagang lalaki 'to.
"Pwede naman na ikaw na lang ang bumili. Bakit kailangan na isama mo pa ako?"
"Bakit ba ang dami mong tanong? Tss. Ang mga babae talaga kahit kailan ang dadaldal."
"Hoy, Mr. Whosoever. Hindi po ako madaldal 'no. Bibili ka pala ng polo dapat sa tiangge na lang. Ang mahal-mahal ng tinda dito."
"Just shut up, okay! Ikaw naman ang magbabayad."
'Yon na nga, eh. Ako ang magbabayad kaya may karapatan akong mamili nang lugar. -_-
Hinila na naman niya ako papasok sa loob ng department store. Hindi lang pala mayabang ang isang ito. Saksakan pa ng kapal ang mukha. Mamumulubi ako nito eh. Mauubusan ako sigurado ng allowance. T__T
Polo lang ang binili niya pero inabot kami ng isang oras sa pamimili. And take note. Hindi lang isa ang binili niya kundi tatlong set. Kumusta naman ang pera ko? Nasa counter na kami para magbayad. Nilabas ko na rin ang wallet ko. Siyempre ako ang financier niya eh. Inabot ng one thousand plus 'yong presyo na binili niyang mga polo. O__O Pagtingin ko, five hundred lang pala ang dala kong pera. Maliban sa ibang barya na tigpipiso. Pumunta siya sa harap ng counter. Totoo ba 'to? Siya kasi ang nagbayad.
"Bakit ikaw ang nagbayad? Tanong ko dito no'ng naglalakad na kami palabas ng department store.
"Bakit may pambayad ka ba?" Tiningnan niya pa ako ng nakaloloko.
Tss. Yabang talaga! "Meron sana kung isang polo lang ang binili mo. Siguro naman pwede na akong umuwi? Gabi na kasi."
"Hindi pa. Ililibre mo pa ako ng dinner."
Kagaya kanina hila-hila niya na naman ako. Konti na lang talaga malapit ng humiwalay 'yong braso sa katawan ko dahil sa lalaking 'to. -_-
Sa food court sa Sm North Edsa niya ako dinala. Ang akala ko regular meal lang ang kakainin namin pero sa Vikings niya ako dinala. O__O
Ang mahal kaya dito. Magtutubig na lang ako. Siya na lang ang kumain. >.<Inabot ko dito ang five hundred. "Ano 'yan?"
"Eh di pera, umorder ka na nang makakain mo."
"Kulang 'yan." Hindi niya kinuha 'yong inaabot kong pera. Dumiretso na ito sa counter para umorder.
Mukhang tinablan din siguro ng hiya ang lalaking 'yon. Siya na lang siguro ang magbabayad ng pagkain niya. Narinig kong kumakalam na rin pala ang sikmura ko. Naalala ko, hindi pa nga pala ako nagtatanghalian. Pagdating ni Dylan saka na lang ako oorder ng sa akin. Pero hindi dito. Mahal ko pa ang allowance ko 'no. Hindi ako mag-aaksaya ng pera para dito. Pagbalik nito ay halos malula na ako sa dami ng inorder niya. Tumayo ako para umorder naman ng pagkain ko.
"Saan ka pupunta?"
"Eh di oorder ng pagkain ko."
"Bulag ka ba? Nakita mo ba itong inorder ko? Sa tingin mo ba, mauubos ko itong lahat?"
"Aba malay ko. Hindi mo naman kasi sinabi."
May puso din naman pala siya kahit papaano. Bumalik na ako sa upuan ko para makakain.
"Ang dami mo ng utang sa akin." Biglang sabi niya pag-upo ko.
Binabawi ko na 'yong sinabi kong may puso siya. Kasi tingin ko wala siya no'n. Dahil siguro sa gutom, hindi ko napansin na naubos ko na pala lahat ng pagkain.
"Hindi ka naman gutom niyan."
Sinamaan ko lang ito ng tingin. Siya naman may kasalanan kung bakit ako ginutom. Pagtapos namin kumain dumiretso na kami sa parking lot.
"Ihahatid na kita."
"Hindi na. Magko-commute na lang ako. Baka mamaya idagdag mo pa sa utang ko sa'yo."
Ang in-expect ko gaganti ito ng pang-aasar. Pero tumawa lang siya. Bigla parang bumilis 'yong tibok ng puso ko. Tapos nawala 'yong sounds sa paligid. Pinilig ko ang ulo ko. Ano bang nangyayari sa akin? Gutom pa rin ba ako?
"Sumakay ka na!"
Seryoso na naman 'yong mukha niya. Inuutusan niya ba ako? As usual oo. Hindi naman niya alam ang salitang pakiusap eh.
"Huwag na nga. I can manage."
"Ihahatid na kita. And it's final. Ako ang nagdala sa'yo dito. Kaya kargo kita."
Kagaya kanina wala na akong nagawa nang itulak niya ako papasok sa loob ng kotse. Itinuro ko lang dito ang direksiyon kung saan ang bahay namin. Tahimik lang kami pareho sa biyahe. Hindi nagtagal nakarating na rin kami sa tapat ng bahay namin.
"Salamat sa paghatid." Bumaba na ako ng kotse nito. Bubuksan ko na sana ang gate pero narinig kong tinawag niya ako.
Bakit na naman kaya? Don't tell me, sasabihin niya dagdag talaga ito sa utang ko sa kanya.
"Bakit?"
"I just want to remind you, that starting tomorrow, nililigawan na kita!
Ano daw? Nililigawan? O.O
Nag-smirk na naman siya bago niya pinaandar palayo sa lugar na ito ang kotse niya. Ako? Heto naiwang tulala sa kawalan!
BINABASA MO ANG
Status: It's Complicated! (On Going)
Roman pour AdolescentsFrom pretending to falling in love? Paano kung one sided love lang pala! Ang saklap 'di ba?