Tagpi-tagpi

5.8K 70 8
                                    

Mga alaalang 'di kailanman ay malilimutan
ang ating nagawa
Mga alaalang 'di kailanman ay mabibitawan
ang hanggang ngayon ay hawak ko pa
Mga alaala nating dalawa
Mga alaalang hanggang alaala na lang...
Pinagtapi-tagpi ko ito
Tinahi upang 'di na mawalay sa isa't isa
Pinagtagpi-tagpi ko ito
sa pag-asang maaari ko pa 'tong ayusin
Pinagtagpi-tagpi ko ito
Ngunit sa aking pagtatahi ay
'Di ko maiwasan ang maluha
Ang maluha mula sa sakit ng
karayom ng ating pagmamahalan
Ang maluha mula sa sakit ng
bawat tusok nito sa aking balat
Gaya na lamang ng sakit ng
kung paano mo ako iniwan
Gaya na lamang ng sakit ng
kung paano mo ako binitawan
Gaya na lamang ng sakit ng
alaalang sinabi mong hindi mo na ako mahal
Ngunit sa aking pagtatahi
Nakita ko ang mga alaalang
tayo'y naging masaya
Ang mga alaalang
ang mga kamay ko'y hawak mo pa
Ang mga alaalang
nararamdaman ko ang iyong mainit na yakap
Ang mga alaalang
hindi na makakamtan muli
At nang natapos ako manahi,
Naisip ko na nagsayang lamang ako ng sinulid, pagod,
at luha
Dahil pagkatapos kong pagtagpi-tagpiin
ang ating mga alaala
Naisip ko na itatapon ko lang din naman ito
Dahil mahal,
Wala na tayong patutunguhan pa.
At mahal,
kung balak mo pang dagdagan ang mga
ang mga alaalang iniwan mo,
Ayoko na dahil sa bawat alaalang iniwan mong
pinagtagpi-tagpi ko,
Mas lalo mo lang pinalalala
ang mga sugat sa puso ko.



Tagpi-TagpiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon