II

22 1 0
                                    

Lihim na Pagtingin

II

--

Sumakay kami ng taxi kasi may dala palang sasakyan si Kevin kaya ayun nag-taxi kami para masundan. Ganyan ko kamahal si baby Jethro ko hahaha. Willing akong makasama ang pinaka nakakainis na lalaki sa buhay ko at magbayad ng taxi para lang sundan ang ex niyang slash MU daw sabi ng iba </3 Kailangan niya malaman ang mga pinaggagawa nito ni Anjie sa likod niya!! 

Sobrang package na si Jethro at hindi niya deserve ang isang PANIS na babaeng katulad ni Anjie! 

Nag-stop na yung kotse ni Kevin tapos nag-park. Kinuha ko yung wallet ko para bayarang yung pera 120 pesos lang naman eh kayang kaya.

"Eto po oh" nagulat ako nang bayaran ni Chuck yung taxi driver. "Bilis labas na" sabi niya sa akin. Binuksan ko yung pintuan tapos lumabas, sumunod siya. 

"Bakit ikaw nagbayad?" tanong ko sa kaniya.

"Eh syempre lalaki ako" 

"Eh?" yun lang nasagot ko. Hindi naman to date para sagutin niya yung mga gastusin no! At kung date man to bakit ako yung magaaya waaaaaaah! Tsaka isa pa ayoko den no hahahaha.

"Shhh. Huwag ka na magsalita" sabi niya tapos tinakpan niya yung bibig ko. Nagsimula na kaming maglakad.

"Saan nanaman kaya tayo mapapadpad dahil sa dalawang to" sabi ko. Buti na lang at madaming tao ngayon wala masyadong makakapansin samin.

"Ewan ko, bakit mo ba kasi naisipang sundan tong mga to? Wala pakeelaman lovelife" sabi niya sa akin.

"Basta, pwede ba team tayo ngayon huwag tayo mag-away please?" sabi ko sa kaniya.

"Ah sige team mate" sarcastic na sabi niya.

Lumiko yung dalawa tapos basta ang sikip eh, tapos madaming tao parang looban. Saan ba kasi pupunta tong mga to. 

"OH MY GOD" sabi ko.

"SHIT?" narinig ko naman na sabi ni Chuck.

Pumasok silang dalawa sa Motel!! Alam naman nating lahat kung ano ang nangyayari sa loob ng motel! 

"Tara" sabi ko kay Chuck tapos hiinila ko siya.

"Ayoko nga! Mapagkamalan pang may balak tayo na ano eh basta ayoko" sabi niya.

"Ano ba yan Chuck, sige na hindi naman tayo papasok diyan wag ka magalala" sabi ko sa kaniya.

"Buti naman..." hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya..

"Oo na alam ko naman na panget ako eh hindi mo na kailangan ipaalala everytime. Okay ba?" sabi ko sa kaniya. Kainis kasi eh lagi na lang!  Alam ko naman yun eh.

"Hala hindi naman yun ang sasabihin ko eh. Grabe ka naman ganun na ba tingin mo sa akin?" paawang sabi niya.

"Manahimik ka na lang at sumunod ha?" sabi ko tapos naglakad papunta doon sa tindahan na tabi ng Motel na pinasukan nung dalawa.

Siguro nabitin yung dalawa sa music room at naisipang dito ituloy oh baka naman naggawa na nila yun at every week end routine nila yan!? HALA LASPAG NA LASPAG NA TONG ANJIE NA TO!!!

Bumili ako ng squidballs, kwek-kwek, fish ball at iba pa. Ganun din si Chuck actually twice as mine ata yung binili niya eh. Pero hindi naman siya mataba, tama lang. Hindi ko masasabing matcho hindi ko pa naman nakikita katawan niya eh, at wala akong balak!!!

"Ang dami naman niyan" sabi ko sa kaniya.

"Bakit ba, sayo ren naman eh madami kaya wag ka na mangeelam" sabi niya sa akin.

SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon