III

13 1 0
                                    

Lihim na Pagtingin

III

---

"Uy ha nakita ka namin kahapon" nagulat ako ng biglang lumapit sa akin si Janella. Never kaming nagusap neto except kung ka group ko siya. Ngayon ko lang year siya naging kaklase at eto ang first conversation namin. 

"Ha?" yan lang sabi ko sa kaniya. 

"Si Chuck" sabi niya habang nakangiti. Hindi ko gets inaasar niya ba ako kay Chuck o nagpapaka-friendly lang siya kaya siya naka ngiti? 

"Ahhh?"

"Kayo ba?" diretsahan niyang tinanong. Napatawa ako ng konti.

"Hindi ah. Ayun? Eh abnormal yun eh" sabi ko tapos tumawa ako ulet.

"Wow normal ka? Maka-abnromal ka eno?" sabi niya tapos yung smiling face niya parang naging bitch na. Hala ano to akala ko nakikipagkaibigan to '"Next time dahan-dahan ng pananalita ha? Iayon ang mga words na lumalabas sa bibig sa anyo ng mukha okay? Atsaka pwede ba layuan mo si Chuck. Nakakabawas dangal sa kaniya ang may kasamang katulad mo. Alam mo naman na ang ibig sabihin ko diba" sabi niya tapos tumalikod. 

Putangina? Ano yun?!

--

"Seryoso?!? Oh My God sobrang die hard fan niya naman ni Chuck para gawin sayo yun" sabi ni Milla. Kinwento ko lang naman sa kanila yung conversation namin ni Janella kanina. 

"Sus hayaan mo na yun, hindi kasi pinapansin ni Chuck kaya ganun tsaka first year eh wag na patulan" sabi ni Carlo.

"Bakit siya may fan? Sikat ba siya?" tanong ko kay Carlo.

Tumawa lang silang dalawa pati na rin si Reen na walang ginawa kung hindi kumain.

"So ano yun ha? Diba nagtanong ako dapat may sagot?" 

"Hindi mo alam? Model kaya yun si Chuck!" sabi ni Reen.

"Hindi mo alam?!?" 

"Aba malay ko?!?! Ano ba malay ko sa mga model model na yan?" sabi ko. 

Tuloy pa rin sila sa tawa. Ang oa nakakabwiset, parang hindi lang na alam na model yung isang tao kailangan na pagtawanan? Mga ulol tong mga kaibigan ko eh.

"Okay na? Tapos na kayo?" sabi ko.

"Wait--" sabi ni Milla tapos tumawa ulet siya.

Ang saya magkaroon ng ganitong kaibigan ang sarap ibaon sa lupa.

--

"Reen una ka na sa gate, magc-cr lang ako sandali" sabi ko tapos pumasok sa cr. 

"Oo Rica!! Aalis kami sa Wednesday!! After Christmas Party" narinig ko sa labas ng cr tapos tumatalon-talon yung babae. Rica? Sino bang rica dito sa school, ah yung isa senior bestfriend ni Anjie. Oh my God!! Baka naman si Anjie itech?

"Buti ka pa Anjj. Ako ito smp for this christmas kainis naman kasi ced eh, di nanaman nagpaparamdam" 

"Okay lang yan Ri, someday... O sya tara na, hinihintay nako ni Kevs sa gate eh"

"Sige wag pahuli kay jetty ha" 

Nanlaki mga mata ko sa mga narinig ko. Seryoso?! Magkasama sila sa Wednesday?! At saan naman kaya sila pupunta!? DONT TELL ME SA ANO OH GOOD LORD WAG NAMAN SANA.

Hinintay ko muna silang lumabas at nagbiglang ng mga 30 seconds bago lumabas. 

--

Pumunta akong gate wala na si Reen as usual, napaka-mainipin talaga ng babaeng yun.

SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon