Lihim na Pagtingin

77 2 0
                                    

Lihim na pagtingin

Intro--

Crush na crush ko talaga siya super crush as in! Actually hindi na nga ata crush ang tawag dito eh! 

Kaso nalaman ko may ka-MU (Mutual Understanding o kaya Malanding Ugnayan) na siya.

Yung ex niya dati si Anjie. 

Hindi ko alam kung ano meron sa babaeng yung at nakukuha niya lahat ng mga lalaking gusto niya.

Sabihin na nating maganda siya oo agree ako doon pero ugali naman niya eh.

Total zero talaga ako, hindi na nga sexy dahil payatot talaga. Panget pa! Ugh by panget I mean panget talaga ha!

--

"Reen si Papa Jet ba yun?" Sabi ko sabay turo doon sa lalaking nakatayo sa hallway na may kausap na teacher. Hindi ko kasi makita dahil Malabo mata ko.

"Ah oo"

"Ang gwapo nya talaga no" sabi ko sabay sandal sa wall.

"Gwapo daw? Hindi nga makita tsss" sabay sabi ni chuck.

"Wala nanaman bang pumapansin sayo at umeepal ka nanaman?" Sabi ko sa kanya. Tumawa lang sya tapos sumandal sa wall sa tabi ko. Ugh close ko naman tong lalaking to pero sobrang lakas talaga mang-Asar tsaka mang-trip.

"Di ka nyan magugustuhan" bulong nya Saken.

"Pakyu kapag naging kami sinasabi ko sayo chuck" sabi ko sa kanya.

"Hahaha sige ano pustahan? Kapag naging kayo hindi na kita pagti-tripan! Alam mo namang impossible eh" oh diba ang sama ng ugali.

"Alam ko namang Panget ako eh hindi mo na kailangan ipaalala Saken everytime na makikita moko" sabi ko sa kanya.

"Hindi ka naman Panget eh" tiningnan nya ko tapos tiningnan ko rin sya "wag moko ng tingnan nakakatakot" sabi nya sabay tawa. Tangina neto sarap papatay!!!

Pinalo ko yung balikat nya "letche ang sama mo, wala ka pake kung gusto ko si jethro ugh bwisit!" Lumakad nako papa layo tapos ayun naririnig ko pa rin ang halakhak nya. Ugh pakshet nakakainis talaga.

-- Music room

Community service kasi ako for one week bigla kasing nagplay yung phone ko eh ang lakas lakas pa naman tapos yung teacher terror ugh at dahil Panget ako sinend ako agad sa office alam mo na hindi kaamo-amo kaya ayun walang warning warning office agad.

"Waaah!!" Sigaw ko. Nakita ko lang naman si anjie at Kevin na nagma-make out sa piano!! Hindi dun sa keys ha doon sa likod ugh!! Tumigil sila tapos inayos ni anjie yung uniform nya tapos hiyang-hiya silang dalawa kaya hindi sila makapagsalita.

Binutones lang ni Kevin yung polo nya tapos lumabas si anjie naman yung palda nya ang inayos tsaka blouse nya sabay Alis. Grabe!!! Kung hindi siguro ako dumating panigurado may naggawang Milagro yung dalawang yun!!

Nakaupo lang ako dito. Grabe nakaka-trauma! Oo nakakita nako ng mga naghahalikan pero sa movies lang o kaya palabas pero pakshet live?! Di ko Keri!!

Narinig kong bumukas yung pintuan. Sinilip ko kung Sino Baka yung dalawa nanaman yan!! Nakita ko si jethro. Nakaupo tapos nag-piano siya.

Canon d. Favorite ko!! Sobrang mahal ko na talaga tong lalaking to! Basket ball player na matalino na mabait pa talented pa at higit sa lahat gwapings!!

Mga four minutes akong nakatayo dito at nakatingin sa kaniya. Bigla kong nabitawan yung walis kaya napatingin siya sakin.

"Hi?" Sabay ngiti. Kinuha ko yung walis tapos naglakad ng mabilis papunta sa pintuan.

"Grace wait" sabi nya.

Waaaah!!!! Unti-unti akong lumingon sa kaniya. "Bakit?" Sabi ko ng nakangiti!! Di ko mapigil an waaahh!!

"Kanina ka pa dito?"

Tumango lang ako sa kanya.

Hindi ako makapagsalita. Eye to eye guys eh eneberrrrr "bat di ka naman nagsalita nakakahiya" sabi nya.

Tumawa ako "okay lang sanay naman akong di mo nakikita eh. Tsaka ano nakakahiya don?"

Ngumiti siya "anong di ko nakikita? Nakikita naman kita ah?"

"By that I mean hindi pinapansin. Sige labas nako ha" di ko na kaya to!!

Hindi nako makahinga sa saya!!! Ang ovaries ko sasabog na!!!

"Grabe di naman, tsaka ikaw jan ang Umiiwas e" sabi nya.

What the fuck hindi ko alam GAGAWIN ko mamamamay nako dito!!!!

"Ahh? Hindi ah.  sige labas nako" sabi ko.

"Wait lang Iiwan moko dito? Dito ka muna"

OH MY GOD SIGE BABY DITO MUNA AKO SASAMAHAN KITA PAPASAYAHIN KITA NG BONGGANG BONGGA BIBIGAY KO SAYO LAHAT NG KAILANGAN MO PAKASAL NA TAYO NGAYON WAAAHH HINDI KO NA KAYA ANG MGA NAGAGANAP NA EKSENA NGAON LORD PLS WAG MO NA TONG TAPUSIN

"teka diba Marunong ka?" Tanong nya sken.

Tumango Lang Ako ulet.

Pakshet ang creepy ng muka ko alam mo yung tumatango tapos nakangiti ugh hindi ko matago ang hirap kaya kiligin ng patago waaah!!

"Sige nga tugtog ka" sabi nya.

"Hala hindi ako magaling" sabi ko sa kanya.

"Sus sige na pls?" Sabi nya what the hell yung muka nya bakit nagpapacute to wag na baby masyado ka nang gwapo!!!!

"Waaah! Sige na nga" sabi ko tapos ayun nag-piano ako hahaha when I look at you pa ang Napili nakakahiya ang Panget ng boses ko.

"Yan ba ang hindi magaling tsss" sabi nya Saken.

"Oo, ikaw nga jan yung magaling eh. Canon d? Tagal ko nang gustong matutunan yan di ko Makaya-kaya"

"Turuan kita?"

Natahimik ako. Hindi ko alam isa-sagot ko!! Waaah gusto ko um-oo pero nahihiya ako pero syempreeeeeeeeeeeeeeeee!!! Alam na chance na to!! Tanga na lang ang tumanggi!! OO PLS BABY PLS TRUAN MOKO!!!!

"Seryoso?" Sabi ko sa kanya. Yung muka ko gulat na gulat eh kasi naman eh!!!!

"Oo naman bakit hnde?

"Sige ba?" sabi ko. Shemay yung ngiti ko hanggang tenga na seryoso. Baka nga hanggang bunbunan na eh. 

Biglang bumukas yung pintuan.

"Ay sorry" sabi ni Chuck. Nanlaki mga mata niya. Nagulat ata katabi ko kasi si Jethro dito sa upuan ng piano. Wala eh? 

Wahahahah!! Ano ka ngayon Chuck!! Sinarado niya aga yung pintuan.

"Oh sige basta kapag may free time sabihin ko sayo kung kailan kita tuturuan. Una na ako ha?" sabi niya sa akin tapos tumayo siya bago siya lumabas ng pintuan ngumiti muna siya saken.

Lumuwag ata yung panty ko sa mga pangyayari. Grabe hindi ko expected!! Friday the 13th pero ang saya saya!! Nakaka-tuwa. 

Sana magtuloy-tuloy na to pls Lord.

--

Mary-- Wow naman binasa niya hahaha!! Salamat po! Pa-vote na rin please? Hihi salamat ulet <33

SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon