Lorraine's P.O.V.
Hi guyz! Ako nga pala si Lorraine Angela Diaz, 16 years of age, 4th year high school sa Floordoor University, may isa akong kapatid na babae na si Cindy at ang cute niya!!!
Ok, enough of me, Let's go back to the topic. Hay, excited ako ngayon kasi nagyaya si Louie na mag date kami ngayon, susunduin daw nya ako mamayang 6pm. Kasama ko rin ngayon si Tricia para sunduin ang barkada upang tulungan ako sa aking date. ^____________^
Hmmmm Kinikilig talaga ako pag-naaalala ko yung pangyayaring yun, 'di ako makapaniwala na it's already been 2 months noong nag-start si Louie na manligaw sa akin.
FLASHBACK
" Gela, ano gusto mo, vanilla o strawberry?"
" Kahit ano lang gurl, ikaw naman ang manlilibre eh."
Nandito nga pala kami ngayon ni Gela sa Ice Cream Mo Ice Cream Ko Parlor kasi nanalo nanaman ako sa aming Math Olympics for the 2nd time. 'Di na nakasama ang barkada dahil naging busy daw sila kaya kami lang dalawa ni Gela ang pumunta.
Papasok na sana kami ni Gela sa loob ng biglang may humatak sa akin palayo at naiwan si Gela na nakatayo, with her mouth hanging open at biglang ngumiti at nag-wink sa akin. May ganoong ba na bestfriend? ngingitian ka lang pag hinihilia ka ng taong di mo kilala? Itatakwil ko talaga yung babaeng yun pag di sya tumawag ng pulis!!! Kinidnap ako, naiiyak na tuloy ako. Huhuhuhu.....
" Bitawan mo nga ako!!! sino ka?! Saan mo ako dadalhin?!! Kung pera ang hinahanap mo, oh eto!!! sayo na! please 'wag mo akong kidnapin maawa po kayo!" nagpupumiglas ako sa kanyang hawak pero sadyang malakas lang talaga sya kaya 'di nya ako mapkawalan. T______________T
Napaka misteryoso naman ng kidnapper na ito, nakahoodie <umuuso na pala ngayon ang mga kidnapper> at parang walang balak bitawan ang braso ko, sumasakit nga dahil sa kakahatak nya eh, wala rin syang van na dala.. Hmmm sino kaya 'to??? 'Di ko parin sya tinatantanan sa pagsisigaw ko sa kanya at sumigaw pa ng mas malakas.
" HOY!!!! Bitiwan mo na ako!!!! Sumasakit na ang braso ko sa kakaladkad mo sa akin!!! Saan mo ba talaga ako dadalhin?!?! At SINO KA????!!!!!!!!!!!!!!!!!"
" Sorry na." sabi nya sabay tanggal ng kanyang hoodie at nagulat ako dahil nakita ko ang taong akala ko 'di na ako mapapansin. Mas nagulat ako ng mapansin kong nasa park kami at biglang nagsiliparan ang mga butterflies at sinabi nyang, " Lorraine Angela Diaz, can I court you?"
" L-louie?!!!!?!!!?"
" Yup, so ano na???"
Ano daw? ano gusto nya? C-court? Ohmheghed!!!!!
"Ahh o-okay, sure f-friends naman tayo d-dib-ba?" sabi ko sa kanya nang nanginginig.
" I want to be more than friends with you."
mainit ba? magha-hyperventilate na siguro ako dito.
Hinila naman ako ni Louie bigla at niyakap ako ng mahigpit.
Pinagplanuhan nya lahat ito? pati si Gela kasabwat nya?! Bakit 'di sinabi sa akin ng babaeng yun?!!!! Patay yun sa akin!!!!
Hinatid naman ako ni Louie sa bahay gamit ang kanyang car at bago pa man siyang umalis,
" I'll start right now." sabay wink nya sa akin.
Pumasok na ako sa bahay na nagtatalon-talon at abot tenga ang aking ngiti.
END OF FLASHBACK
BINABASA MO ANG
Quadrilateral Love (On Going)
Romance4 bestfriends 4 lovers 4 different types of egos 2 fragile persons 1 destiny that played the word ' love' with them Because of an uncertain choice, everyone gets hurt. Nobody wants to step down their ego, nobody wants to forgive. Can they surpass...