Square 3: First Love

105 10 4
                                    

A/N: Guys get ready, dahil ang raming changing of P.O.V. 's dito sa chapter na ito. btw, tnx for readin'!!!!

CLYDE'S P.O.V.

'Low guys!!! ay hindi pala, **hindi-makapaniwala-mode**  ako ngayon. Ako nga pala ang gwapong si Clyde Darryl Lorruze, ang pinakagwapong lalaki sa Windowwall University, yes you read it right, Windowwall University kami lang kasi ni Danny ang iba ng school, the rest of the boys sa Floordoor University na 'yun. O tama na about myself. Ayoko mag-selfie no!!! nakakabading kaya!!!

Ok, siguro 'di nyo ko maiintindahan kung bakit  **hindi-makapaniwala-mode**  ako ngayon. O sige na nga! magkwe-kwento na ako.

*FLASHBACK*

It's been 3 years since the incident, pero bakit kailanman hinding-hindi ko sya kayang makalimutan?

Her eyes, her smile, her laugh, her face, everything about her. Nakamoveon na ako sa kanya, pero di ko pa rin alam kung sino ang papalit sa pwesto nya sa puso ko.

" Gurl! dun na tayo sa dance floor! sige na!"

Pamilyar yung boses kaya naptingin ako sa kaliwa ko at halos lumuwa na ang mga mata ko. Hindi kalayuan, nakita ko ang babaeng naka blue bubble top at naka-skinny jeans, hinihila sya ng isang babae. Si Marreine, ang first love ko, kasama nya si Tricia. 

" Ayoko nga! maraming adik oh!" sabay turo nya sa dancefloor " Atsaka hintayin muna kaya natin sina Lorraine, bumili muna kasi sy sa convenience store. Bakit ba kasi pinauna nya tayo dito."

" Margo, ikaw nagyaya kanina mag-bar tapos ngayon aayaw ka. Sige na!" hila naman ni Tricia sa kanya.

Gusto ko syang lapitan, kaso lang natatakot ako na baka bumalik ang hinanakit nya sa akin. Siguro naka-moveon na sya, ayoko ng guluhin ang buhay nya. Baka masaktan pa sya ulit.

Napasinghap nalang ako sabay sabi sa sarili ko " Makaka-moveon rin sya sa akin."

Patuloy pa rin sa paghila si Tricia sa kanya ng may tumawag.

" Gurl wait lang may tumawag." sagot ni Marreine. Agad namng binitawan ni Tricia yung braso nya na kanina nya pang hinihila. " Uy Lorie! asan na ba kayo?.... What??!!!.... Bahala ka dyan.... Sama kami!!.....Ayoko nga!! Maraming adik!.... Hanggang 9pm?!... 6pm pa lang ngayon!.... Sino ba sya?.... Ok, lalaki na nakabrown ang t-shirt.... Sige na nga! buti nalang kasama ko si Tricia!... O sige, sige. Bye Gurl!...."

"Oh, ano daw sabi?" intrigang tanong ni Tricia

" Hihintayin daw natin yung friend ng cousin ni Lorrainne dito kasi dala-dala daw nya yung proposal para sa cousin ni Lorry." sagot naman ni Marreine

" Ahhh, ohhh sige na Margo dun na tayo sa dancefloor!"

" Ayoko nga! Inom nalang tayo kesa sumayaw tayo dun."

" Sige na nga!"

Mga halos dalawang oras na silang umiinom doon, nakatulog na nga si Tricia doon pero si Marreine tuloy-tuloy pa rin. 

Aalis na sana ako ng bigla kong makita si Marreine pumunta sa dance floor at sumayaw. 

She dances.... well uhmm... funny. ganoon pa rin sya sumayaw after 3 years? hahaha para syang sira, tumatawa na ako dito sa malayo habang tinitignan sya.. Hay, I miss those old times. Bigla nalang sumeryoso ang mukha ko ng makita ko syang may kasayaw na lalaki. Hinahawakan ng lalaki yung bewang nya at pinapabayaan nya pa rin! Alam kong nakamoveon na ako sa kanya, pero 'di ko maiwasang magalit, mahalaga sya sa akin at ayokong mapahamak sya! Nako!!! stubborn parin yang babaeng yan hanggang ngayon!

Quadrilateral Love (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon