Louie's POV
Balik sa dating routine nanaman kami pagkatapos nung party. Ako naman, hindi pa din pinapansin ni Lorrie. Hayst. May nagawa ba ako? Wala naman diba. Tsk. Minsan sabi ng kapatid ko sa akin, Mukha na raw akong baliw. Dahil nakatingin lang ako sa cellphone ko all day o kaya nakatunganga sa harap ng TV.
Sa ngayon, naglalakad ako sa hallway papunta sa classroom. Nakakabadtrip talaga.
"Shit. Ano ba! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Sigaw ko. Tsk. Nagtinginan naman lahat ng tao sa hallway. Ah bwiset.
Tumingin naman siya sa akin. Si Princess?
"Sorry ah. Ano ba kelangan mo Cess?" Tanong ko.
"Kasi Louie may pinapabigay po si Lorraine."
What? Ano daw?
"Ano yun?"
"Eto oh." Sabi niya ng mahinhin na boses. Hindi ko nga alam kung paano naging kapatid ni Elen to eh. Mabait din to. Napasama lang talaga sa mali.
Inabot niya sa akin ang isang dilaw na papel na parang sticky note. Kinuha ko naman agad.
"Sige, salamat." Sabi ko sa kanya.
"Walang problema." Sabi niya ng nakangiti.
Tinignan ko ang binigay sa akin na papel.
I miss you.
xoxo -L
Yun lang. Nakaramdam ako ng tuwa!! Pero mas lalo naman akong naguluhan. Kung namiss niya ako. Ba't niya ko iniiwasan? Hindi ko siya maintindihan.
*Kriiiinggg!!!
Ay shoot! Klase na! Tumakbo na ako papunta ng classroom.
Pagdating ko doon:
"Ang aga mo ah!" Sarcastic na sabi ni Lester.
"Hey dude!" Ika Raffy sabay apir.
Si Jomar, tumango lang.
Buti nalang wala pa yung teacher.
Umupo ako sa upuan ko. Ay shoot! History pala tong subject na to! Nakakaantok. Sino kaya katabi ko ngayon? Kasi halos everyday nagpapalit kami ng upuan. Sabi kasi nung kalbo naming teacher, para daw makainteract namin yung mga kaklase namin. Weird diba?
Impossible namang si Lorraine yun dahil magkaiba kami ng section. Pero same bracket lang kami kumbaga, hinati yung klase namin dahil sa sobrang dami ng nag eenroll tsaka hindi kami section 2 ah. Lahat kasi kami section 1. Hinati yung section 1 kasi sobrang dami ng qualified for that section and hinati siya randomly kaya unfortunately hindi ko siya naging classmate.
Anyway dumating na yung teacher naming kalbo at nagsimula na siyang mag discuss. Ako. Kunyari nakikinig pero wala talagang pumapasok sa utak ko.
Tinignan ko ang orasan ko at naknang! 5 minutes pa lang siya nagsasalita. Grabe! Nakakapagod makinig!
"Sorry sir. Were late."
Napatingin naman kami sa dalawang babae na nagsabi nun.
"Indeed you are." Sabi ng teacher naming kalbo.
Parehas lang silang nakayuko.
"Sige. Maupo na kayo. Miss Limario dun ka sa tabi ni Miss Reyes."
Si Keisha Reyes yung class president namin.
"And Miss Mariano beside Mr. Añano."
Pumunta naman si Tricia sa tabi nung Class Pres namin at umupo naman si Gela sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Quadrilateral Love (On Going)
Romance4 bestfriends 4 lovers 4 different types of egos 2 fragile persons 1 destiny that played the word ' love' with them Because of an uncertain choice, everyone gets hurt. Nobody wants to step down their ego, nobody wants to forgive. Can they surpass...