Chapter 2

15 0 0
                                    

W/n: Hello! Sorry kuung mabilis yung spacing. Hanggang chapter 10 lang kasi to kaya kailangan kong bilisan yung pacing ko sa dalawang storya. Sana maintindihan niya. :))

Advance merry Christmas guise! :) ingat sa lahat! Have a happy Christmas! :))

Sana may nagbabasa nito at parant na rin para malaman ko yung mga mali ko. Thank you. :)) Thank you for reading this update kung meron man, paramdam kayo. I want to know your thoughts eh.

----

Chapter 2

Weekly ako ang-uudpate. Nakakatuwa nga e. medyo madami na yung readers ko! Anyhoo! Future ko na nga itoo! Hindi naman ako magaling na writer pero bakit ganito? Na-ooverwhelm ako! First story ko pa lang yun tas andami na kaagad na reads. Imagine that? Dati pangarap ko pa lang yun. Na magiging katulad ako ng ibang writers na may 800k+ na reads tas sakin ay pabloom na? shet lang. pakshet nakakakilig lang siya!

As I was saying, dumadami-dami na yung read nung story ko. Wow lang! Yung Someone Catch Me na inumpisahan ko lang dahil  nainspired ako sa mga stories na nababasa ko sa wattpad, pinag-halo-halo ko lang sila tas wow lang!

Dumami-dami yung reads, binabasa ko lang yung comments. Nakakatuwa sila. Todo soporta. Yung iba naman ay sobrang inis na inis. Haaay! <3 kinikilig ako sa kanila.

Aqcqt: Author… bkit ganun c Werry...?... Eeek…!... Kissing monster…!...

(nakakatuwa tong comment na to! Ang ikli pero ganto karamihan ng nababasa kong comment sa ibang stories kapag nagbobrowse ako!)

Anonymosity: Wow! Kissing monster? I wonder kung anong mangyayari sa ending!

(Ganitong mga readers ay masyadong egzited sa ending! Wala pa nga sa kalahati eh!)

Whateveryousay: Masyadong simple minded si Werry. Picture lang kinakagalit na niya? Sabagay, kung pasikreto nga naman yun sinong matutuwa? Oh well, nice update.

(Pa-matalino tong gantong comment! Oo alam ko simple minded si Werry! Ganon din kasi yung nagsususulat! Haha!)

Hindiakoseryoso: hahahahahahaha!!!! Ang cuteee!!!! Hahahahaa!! Kissing monster!!! Go WeYu!!!! Hahahahah!!!

(Hindi nga halata sa username niya na hindi siya seryoso! Ayaw niya sa tawa at exclamation point!)

Wtfheel: feel ko may problema yang si Werry. Hindi naman siya siguro magkakaganyan kung wala diba? may deeper reasons yan. Hintayin na lang natin. For sure may pasabog dyan si Author. Everything happens for a reason nga diba?

(Nakakatuwa tong comment na to pero sorry. Wala akong maisip na deeper reasons. Nakakapressure dahil sa sinabi mo.)

Nagbrowse pa ako ng iba pang mga comment, tawa lang ako ng tawa para akong baliw. Buti na lang wala mama ko dito kung hindi sasabihan akong baliw nun. Pero kasi naman diba? sinong hindi matutuwa sa ganitong blessing?

------

Someone Catch Me

Days passed, lagi pa rin akong hinihila ni Werry para halikan siya. Ni hindi ko nga alam kung bakit. Baka nakatira yun ng isang daang katol kaya ganon.  Naah. Nevermind.

Ang nakakatuwa lang ay parang nasanay na ako sa mga halik ni Werry. Tyanggala! Ang landi ko pakinggan! Huhuhu! <//3 Yuri magtigil ka nga! Kapag narinig ka ng best friend mo malamang sa malamang kakalbuhin ka nun!

Nasa mall lang ako, naggala mag-isa. Ayokong isama si Lacie. Kasi wala lang. gusto ko lang mapag-isa. Malay mo Makita ko ulit si Werry tas bigla niya akong halika—

Putspa! Ano ka ba naman Yuri! Tama na yang ganyang pag-iisip! Hello! Halik lang yun! Tsaka dapat magalit ka diba? bakit parang natutuwa ka pa ata?

Napabugtong-hininga na lang ako. Shet lang kasi. Ano na bang nangyayari sakin? Lagi na akong pre-occupied! At si Werry ang laging nasa isip ko. Nawawala na yung tamang pag-iisip ko. Dahil sa’yo to e! dahil kay Werry.

Pumasok ako sa isang boutique kung saan ako palaging bumibili ng damit. Regular customer na ako ditto kaya kilala na ako nila ateng saleslady.

“Hi Ma’am Yuri, ano pong hanap natin ngayon?” nakangiting bati sakin ng isang saleslady.

“Titingin lang ako ng bago.” Tugon ko at saka pumunta sa new arrivals nila. Wala namang maganda.

Lumabas ako ng store. Ugh! Nakakainis! Hindi ko alam gagawin ko! Bakit nga ba ako nasa mall? Para magnilay-nilay?

Bumili ako ng frappe sa isang sikat na coffee shop, wala na talaga akong magawa! Umuwi na kaya ako? Wala namang gagawin sa bahay. Wala rin naman akong gagawin dito.  Hay.

Palabas na ako ng mall ng bigla na namang may humatak sa akin. Well kilala ko na kung sino to. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o hindi. Shet lang. <3 <3

Napaligon ako sa kanya.

Napakunot ang noo ko, “Uno? Anong kailangan mo sa akin Uno?”

----

“Jane! Nice update!” sabi sakin ni Assie sabay kindat.

Shet tong babaeng to! Kinakalabutan ako. Nagpupulbo alng ako tas bigla siyang maggaganyan. Shiiiz! Ano bang trip niya? </3

 Ang hirap pala ng ganto. Yung may nakakaalam ng totoong identity mo bilang writer. Pagkatapos kaklase mo pa. shet lang.

“Thanks Assie.” Tugon ko na lang.

Bigla talaga akong kinabahan sa kanya! Ewan ko kung bakit!

 Pagkatapos kong magpulbo ay pumunta na ako sa pwesto ng mga kaibigan ko. Sila Cheryl.

“Bhe, basahin niyo yung Someone Catch Me,” sabi ni Cheryl pagka-upong pagkaupo ko sa armchair ng isa naming kaklase.

I froze for a second.

“maganda yun bhe?” tanong naman ni Rhoda.

Shet. Mga kaibigan ko na ang nakakakaalam ng tungkol sa story ko. Mas lalo akong kinakabahan.

“oo bhe. Nakakatuwa siya bhe,” dagdag pa ni Cheryl saka kinuha ang kanyang cellphone. Tila may hinanap siya sa kanyang cellphone ngunit hindi ko mawari kung ano iyon.

“Che, parang nakita ko nay un sa what’s hot,” komento ni Rhian habang hawak ang kanyang cellphone na may case na pink.

“bhe ito yun oh.” Sabay pakita ni Cheryl ng kanyang cellphone kung saan nagdoon sa library niya yung story ko. Nasa lastest update. Sht.

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Dapat ba akong matuwa o ano? Pinupuri ng mga kaibigan ko yung story ko. Hindi ako makasingit sa usapan dahil ayokong ijudge ang sarili kong story. Ni hindi ko nga alam kung anong tingin ng ibang tao sa storya ko tas sasabihin ko ng negative. Baka gerahin ako nito ni Cheryl.

“Ah. Nakita ko na yan dati!” singit ni Kookie, “kaya lang hindi ko pa nababasa.”

“Anong tingin mo sa story Che?” bigla kong tanong.

Lahat sila napatingin sakin. “O, nandyan ka pala Jane?” nagpoker face ako kay Rhoda.

“tingin ko? Ewan ko!” sabay tawang sagot ni Cheryl.

“Yung seryoso?” tinignan ko siya, tila ba nag-iisip. Shet. Kinakabahan ako sa isasagot niya!

“hmm.. ewan ko nga bhe. Pero gusto ko yung plot niya. Parang may pasabog siya sa kalagitnaan kaya inaabangan ko.  Basta ganun!”

Napangiti ako. Hindi ko talaga to ineexpect. At pasabog? Pangalawang tao na tong nagsabi sakin. Nakakapressure pala maging writer. Maraming demand.

----------

The writer has fallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon