Chapter 3

10 0 0
                                    

chapter 3 – The writer has Fallen

Someone catch me

“So we’re official?” tanong ni Werry sakin matapos niya akong halikan. This kissing monster! Nakakainis! Bakit ko ba siya hinahayaang gawin sakin kung tutuusin e may laban naman ako? Pwede ko siyang idemanda! Sexual harassment! Pero bakit hindi koi yon magawa? Bakit hindi nga ba?

Kumalas ako sa pagkakahawak niya sa braso ko, “Anoon--“

“Yuri?” Rinig kong sabi ng mama ko gamit ang kanyang nagbababalang tono ng pananatila. Nakalimutan ko malapit na nga pala to samin. Nahuli pa kami ni Mama! Teka, anong nahuli? Hindi naman ako nagtatago kay Mama ng kahit ano e! pwera lang tong tungkol sa kissing monster na to. 

“M-maa! Napalabas ata kayo!” nautal kong sabi. Ano nang mangyayyari?! Kinakabahaaan akooo! Yari ako kay Mama! Baka anong gawin sakin ni Mama! Kinakabahan talaga ako promise! Shet lang. kasalanan to ng kissing monster na to e!

Tinignan lang kami ni Mama ng masama, “Sa bahay ngayon na. at isama  mo na rin yang..” tinignan ni Mama si Werry ulo hanggang paa, pabalik, “kasama mo. Mag-uusap tayong tatlo.”  Saka tumalikod si Mama. Wala kaming choice kung hindi sundan si Mama. Si Werry? Nakita ko lang na nakasmirk. Bwisit talaga tong lalaking to! Kainis!

**

“Oh ano? Official na kayo?”tanong ni Lacie sakin matapos kong ikwento ang nangyari kahapon.

Binatukan ko lang siya, “nakwento ko na nga tinatanong mo pa.” saka ako napayuko. Hindi ko alam pero natutuwa ako na ewan! Siguro dahil first boyfriend ko siya? Ugh! Magtigil ka nga Yuri! Ang sabi lang e Official. Walang label na “Official Girlfriend” malay mo naman. Official best friend lang pala. O kaya official kalandian. Kasi naman… yung picture na nakita ko, may kahalikan siyang iba.

“omyghed giirrrl!” tili ni Lacie, napatingin tuloy sa kanya yung ibang mga kaklase namin. Parang timang kasi.

“Wag ka nga. Di pa yun alam ano ba. Yung nakita ko ngang picture diba? pano pala kung official kalandian lang ako? O kaya ganun..” sabi ko saka napatingin sa sahig saka ko naramdaman na medyo umiinit na yung mga mata ko. Nooo! Ayokong umiyak! Sa school pa. no way!

“oo nga Best. Kung hindi rin naman sunga’t kalahati yang si Werry! Ang gulo ng isip! Hindi mo alam kung ano ang totoo sa hindi sa kanya!” saka niya hinampas ang braso ko.

“leche ka. Ang sakit nun,” sabay hawak ko sa braso ko. Sadista talaga tong best friend ko. -_-

“Anong masakit?” rinig kong tinig niya sa likod. I froze. Si Lacie naman ay tila kinikilig pa. baliw talaga tong babaeng to!

“Yung puso daaw n—“ hindi ko na pinatapos ang pagsasalita ni Lacie. Tinakpan ko na kapag ng palad ko ang mga bibig niya. Kung ano-ano na naman lumalabas e.

“Hinampas niya lang ako. Huehuehue,”saka ako ngumiti ng nag-aalangan.

Hindi na siya nagsalita, umalis na kagad siya. Nagkatinginan tuloy kami ni Lacie.

“Anong ginagawa nun sa room? Pero infairnes! He cares for you!” kinikilig na saad ni Lacie. Napa-poker face na lang ako.

“Wag ka nga!” saway ko dito.

“Uy kiniliig!” asar pa nito. Hindi ko na lang pinansin kasi napaisip ako.

Does he really cares for me?

(posted)

------------------------------------------------------

------------------------------------------------------

The writer has fallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon