Attorney Crush

29 2 0
                                    

Dali-dali siyang pumasok sa kwarto dahil alam niyang late na siya.  Supposedly ay 5:30pm ang simula ng klase niya sa sa law subject niyang iyon pero mag-a-ala-sais na ng hapon. Ang hirap naman kasi ng working student. Kahit gusto niyang pumasok on time ay hindi siya makakaalis sa opisina hanggang may utos pa ang boss niya. And to think na final examination nila ngayon.

Nahihiya man ay agad siyang lumapit sa professor niya na nasa harapan para makakuha na siya ng booklet at questionnaire.

"Attorney, sorry po kung na-late ako," ang mahina niyang saad.

Tumango lamang ito, kasabay ng tipid na ngiti at pag-aabot sa kaniya ng booklet, questionnaire at exam slip. Sa maliit na papel na iyon inilalagay ng mga mag-eexam ang kanilang pangalan, pirma at student number. Bawal kasing ilagay ang pangalan sa mismong booklet kung saan isinusulat ang sagot. Tanging student number lang ang pwedeng ilagay dito para magsilbi silang incognito at hindi maging bias ang mga professor sa pagbibigay ng marka sa exam.

Pagkakuha ng papel ay nagmamadali na siyang umupo sa likuran. Gusto na niyang makalayo sa kanilang professor. Una, nahihiya kasi siya dito dahil late na naman siya (for the nth time! Magtatapos na lang ang klase ay na-late pa siya). At pangalawa, hindi niya kasi kayang makipagtitigan dito ng matagal. Para siyang natutunaw sa mga titig nito.

Yes! May gusto siya sa attorney niyang professor. Bukod kasi sa matalino at gwapo, napaka-solemn din nitong magsalita. Walang kahalo-halong yabang. Hindi katulad ng iba niyang nakasalamuhang abogado na parang may sariling dalang aircon at talagang lalamigin ka o kaya ay tatangayin ka dahil animo signal number 5 na ang dalang hangin sa katawan.

Para sa kaniya, iba si Attorney C... Attorney Crush niya. Hindi ito namamahiya sa klase nor nagpapakita ng pagkapikon sa kanila kahit minsan sablay sila dahil sa mga hindi makasagot.

And truth to be told, pati nga ang facebook ni Attorney, in-i-stalk na niya. Doon niya nalaman na active pala itong officer ng IBP, na mukha naman itong sociable dahil sa dami ng mga kaibigan nito at sinasamahang gigs.

Nagsimula na siyang mag-fill up ng exam slip at magsagot. She decided na mamaya na lang niya iaabot ang exam slip kay attorney. Sayang ang oras. Late na nga siya sa exam, maglalakad pa siya.

Matimtiman niyang sinasagutan ang booklet niya ng maramdaman niya ang presensiya ng isang tao sa kaniyang harapan. At nang mag-angat siya ng paningin ay nakita niya ang nakangiting mukha ni crush.

"Kunin ko lang 'yung exam slip mo," aniya.

Kumabog ng malakas ang dibdib niya habang inaabot ito kay Crush. Ano ba 'yan. Paano siya makakasagot ng maayos e kinikilig siya. Pwede naman kasing mamaya na lang kunin 'yun e, lumapit-lapit pa.

Pero dahil sa late, isa siya sa mga huling nagpasa ng booklet. Napabuntunghininga na lang siya ng malalim. Ano ba 'yan. Naiirita niyang bulong sa sarili. Baka akalain ni Attorney, bobita ako.

Pero pagkaabot niya rito ay nagulat pa siya nang magsalita ito.

"Kelan uli ang susunod na exam ninyo?"

Dahil nagulat ay nabubulol-bulol pa siyang tumugon. "Bukas po, Consti."

Tumango lamang ito at saka ngumiti, ngiting sapat para muling magregodon ang puso niya. Feeling niya, ang lakas talaga ng pagtibok nito hanggang sa makabalik siya sa kaniyang kinauupuan.

Habang palabas na ng kwarto si Attorney ay hindi niya napigilang magsalita.

"Thank you po, Attorney -" lakas-loob niyang wika.

Isang ngiti ang naging tugon nito sa kaniyang sinabi bago ito tuluyang lumabas.

Habang siya'y naiwan sa classroom na nakangiting parang tanga.

Maantay kaya siya ni Attorney after 4 years?  Tatapusin lang naman niya itong pangarap niya na maging abogado e. Tapos...

Hayz, ang tagal pa ng 4 years. Di bale, may facebook naman. Baka next year, may lakas na siya ng loob na i-invite siya as friend.

Pero sa ngayon, focus muna sa pag-aaral. May finals pa siya sa consti bukas.

Hidden WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon