Nang makarating kami sa harap ng room hindi na namin napigilang tumawa..
"Pffft! Yung itsura ng buhok mo Hell, mukha kang bruha! Hahahah," tawa ni Achi sabay turo pa saken
Agad ko namang tinignan ang reflection ko sa phone ko.. nang mapansing gumulo nga, inayos ko ito.
Matapos kong ayusin ito, seryoso naman ang mukha nya ngayon.
Creepy
"O-oy achi, wag kang ganyan tumingin!," sabi ko sabay takip ng palad ko sa mukha nya
Nagtaka naman ako ng tanggalin nya ang kamay ko at ibaba ito ng dahan-dahan.
Napansin kong hindi pala sakin nakatingin ang mokong, sa bandang likod ko pala.. tinignan ko ito ng nakakunot ang noo...
May 7 istudyante na naglalakad patungo sa direksyon namin, at sigurado ako dun dahil kami lang naman ang naiwan sa hallway.
Nangunguna ang isang lalaki na maputi, matangkad, seryoso ang pagmumukha ngunit kunot ang noo na nakatingin samin..sinusundan ito ng dalawang babae sa likod nya. Ang isang babae ay ngumunguya pa ng bubblegum, (alam kong yun ang ginagawa nya dahil ganun yung nakikita ko sa mga koreanovelas na napapanood ko) ito ay may hawak pang skateboard sa kaliwang kamay, samantalang sa kanyang paglalakad ay mapapansin mong mukhang maangas siya. Katabi nito sa kanan ang isang babae na kikay ang dating, base palang sa ayos nyang kinareer si Sandara Park eh. Sa likod ng dalawang babae ay isang lalake na mahahalata mong masayahin dahil halata ito sa mga mata nya, kumikinang kasi. Katabi nito ang isang babae na naka-nerdy glasses at may dala sa kanang kamay na parang yung sinusulatan ng mga nurse's about sa mga pasyente, ganun. Sa likod naman ng ay dalawang lalaki na magkaakbay na kumakanta-kanta pa ng My Heart Will Go On na siyang kanta sa Titanic..
Ewan ko ba pero, bakit parang nabato ata ako sa kinatatayuan ko... o sadyang kapag tiningnan mo sila mahahalata mong..... may iba... parang may authority....
Tinignan kong mabuti ang bawat isa, at dun ko nasuri na may pinagkapare-parehas parin pala sila.... which is ang pagkakaroon nila ng parang wristband na kulay pula na nakalagay sa right arm nila (bicep) ngunit hindi ito gawa sa rubber kundi sa tela... at nang malapitan saka ko lang napansin ang logo doon.
Hindi kaya sila ay ang....
"Sht. Ang student council.," bulong ni Achi
Nang nasa harap na nila ako ay agad naman akong hinarap nung lalaking seryoso at mukhang palaban. Paktay ka.
"Miss, didn't you know that using of cellphone in ANY way in this school is prohibited? So, please surrender it already," sabi nya
Agad ko namang kinunutan ng noo ang sinabi nya... sheez? In any way? Seriously?
"DI NGA?!,"gulat na hayag ko
Agad na nagdilim ang mukha nung lalaki... ginalit ko ata..
Pero nagulat lang naman ako eh! Ang OA naman kasi kung ganun!Tumango sya at ngumisi
"Yes, got a problem with that?,"
Umiling-iling naman ako at isinurrender ang phone. Mahirap na, student council pala ito. Ayokong makipaglaban sa ganito noh.
Binalingan nya naman ng atensyon si Achi na ngayon ay hinawakan ang wrist ko.. I smell something~~~
"Mr. Wenchez, you should go inside the classroom now, together with this transferee," sabi nya
Inakay naman ako ni Achi papasok ng room matapos kumatok ng 3 beses nung lalaki.
Lupet, kilala nya si Achi? Tapos ano pa? Alam nya agad na transferee ako?
Woah. Yung student council sa school na pinapasukan ko dati ay hindi naman ganito. Hindi mo ngang mahahalata na student council sila. Sila kasi yun ang mga nangunguna sa kalokohan.

BINABASA MO ANG
The Protagonist and the Antagonist
Teen FictionIn every story, the Protagonist is the one who always win over the antagonist.. And also they say that "The one who fall inlove first, is the loser" Then who will lose? Is it the Protagonist? Or the Antagonist? Let's find it out!