chapter12:

1.5K 55 0
                                    

[Sab's POV ]

Nang matapos ang intramurals, Nag set sila ng isang party, dahil nakakapagod din ang mga practice nung mga nakaraang araw

Inihahanda ko na ang damit na isusuot ko ng makita ko ang isang pulang box sa loob ng closet ko.

Just seeing that box makes my heart break. It was from nate.

Flashback

Kasalukuyan akong nakatambay sa hideout ng grupo namin at naghahanda para sa isang gang fight ng biglang mag ring yung phone ko, kaya agad ko iyong kinuha sa bulsa ko, at nakita ang pangalan ni nate sa screen

"Hello" Masayang sabi niya, nasa Australia siya ngayon para ayusin ang business nila...

" Hello, bakit napatawag ka? May problema ba?" tanong ko.

"Yan talaga ang una mong sasabihin? Nakakatampo naman, hindi mo ba ako na miss?" sagot niya Kaya naman natawa ako

"para ka nanamang bata, oo na, namiss kita" sagot ko at alam kong nakangiti siya ngayon

"I miss you too... May iniwan nga pala akong regalo para sayo, buksan mo ang closet mo at makikita mo iyon " Masayang sagot niya...

"Sige, salamat... Mag iingat ka jan ha?" paalam ko

" ikaw ang mag iingat, wag kang Mag alala, I'm doing well here, bye, I gotta go" sagot niya bago niya ibinaba ang telepono

----
Ng makauwi ako sa bahay, agad kong Tinignan ang closet ko at nakita ang pulang box sa loob 

Maingat ko iyong binuksan at nakita ang litrato namin ni nate. It was our picture when we were 6 years old. Isang investor ang daddy ko sa company ng mga magulang ni nate. At lagi akong isinasama ni daddy sa lahat ng pupuntahan niya kaya naman nakilala ko si nate.

Nakalagay sa Ilalim ng picture namin ang isang notebook kaya naman binuklat ko iyon. I automatically smiled ng mabasa ko ang nakasulat sa unang page

I want you to write everything you want in this notebook. Pain, happiness, excitement, anger etc. This notebook is not alive, but the things you will write in it will live and will be part of your memories. And soon, I want to be the one to read it with you :)

*end of flashback.*

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko, dahil naalala ko nanaman siya.

Hanggang ngayon ay wala parin akong naisusulat sa notebook na ibinigay niya, siguro dahil natatakot akong balikan ang mga isusulat ko na hindi siya kasama.

Dalawang taon na simula ng mawala siya, pero yung sakit na iniwan niya... Nandito parin. Hayy

Nagpalit na ako ng damit at nag lagay ng konting make up bago lumabas ng kwarto

----------
A/N: this is an edited chapter
Please vote if you liked this chapter, thank you!


To Love A GangsterWhere stories live. Discover now