chapter 31

1.3K 40 0
                                    

Kurt's POV

Umaga na pero hindi parin ako bumabangon.Nakatitig lang ako sa kisame at nag mumuni-muni.

Tinatanong ko ang  sarili ko kung totoo ba lahat ng nangyari?hindi ba ako nananaginip?

Nakakabakla man, pero aaminin kong kinikilig ako

Totoo nga pala talaga yung kasabihang "the more you hate, the more you love"

Who would have thought na magkakagusto ako sakanya, samantalang lagi ko siyang inaaway simula pa nung una

***

Nang magutom ako agad akong tumayo at nagtungo sa dining area.

"Manang gising na po ba si ashley?" Tanong ko kay manang na ngayon ay nangluluto ng egg,hotdog at fride rice.

"Bakit mo natanong anak?Ang alam ko mahimbing pa ang tulog ng kapatid mo " Sagot ni manang.

Si manang nga pala, siya ang nag alaga saamin simula pa noong bata pa kami at naging Yaya din siya ni mama dati kaya pamilya na din ang Turing namin sakanya

"Ahh ganon po ba.Wala po" agad namang sagot ko .

"Oh anak,kumain ka na tirhan mo nalang si ashley" bilin ni manang bago pumunta sa garden para mag dilig ng mga halaman.

*****

Nang matapos akong kumain agad akong bumalik sa kwarto ko at naligo .After less than 15 min. Nagpalit na din ako ng damit. Tapos pumunta ako sa kwarto ni ashley.

"Ash..?" Tawag ko kay ashley

"Hmmmm.."sagot niya naman.Pshh tulog mantika talaga tong kapatid ko

"Huy!ashley gumising ka na nga!tanghali na!"sigaw ko

"Hmm.ano ba natutulog yung tao eh!" Pasigaw din niyang sagot.

Dahil sa inis tumayo ako sa pagkakaupo sa kama niya at hinila yung kumot niya pero hindi parin siya nagigising..

"Ayaw mong magising ah!" Bulong ko tapos hinila ko yung paa niya

"KUYA!!!!!Bakit ba?!" Inis na sigaw niya tapos bumangon na siya.

"Ashley! Please turuan mo naman ako kung paano manligaw, Mababaliw na ako sa kakaisip!" Sagot ko pero nakatulala lang si ashley

"HAHAHAHAHAHHA! Torpe ka na nga di ka pa marunong manligaw HAHAHA" malakas na tawa at pasigaw na sabi niya.

"Isa ashley! Gusto mo bang sabihin ko sa crush mo na tulo laway ka kapag natutulog" pananakot ko

"E paano ko malalaman? pag may nanliligaw naman kasi sakin lagi mong tinatakot. Pero buti nalang nanunuod ako ng mga K-drama at nagbabasa ng wattpad kung hindi... Hay nako, kawawa ka" sagot niya  tapos kumuha siya ng papel at ballpen.

"Oh ayan na! Subukan mo lang na ipahiya ako sa crush ko! Sisiraan kita kay ate sab." Sagot niya tapos bumalik na siya sa pagtulog

  binasa ko naman agad yung sinulat niya.

*Paano manligaw*

: simple /fancy date
:be gentleman
:Sunduin mo siya
:Flowers & Chocolates
Bluh bluh bluh!

Ang dami naman.

*********A/N:*********

This is an edited chapter !
vote if you liked this chapter!
Thank you!

To Love A GangsterWhere stories live. Discover now