Kurt's POV
Finally, I arrived the airport
Madaming security guards ang pilit na pumipigil saakin pero mabuti nalang at Nakilala ako ng isa sa mga staffs ng Airport dahil madalas na umaalis si dad at lagi namin siyang inihahatid dito kaya hinayaan na nila ako since I honestly don't mean no harm.
Hindi ko na mabilang kung ilang Tao na ang nabangga ko dahil sa labis na pagmamadali, mabuti nalang at hindi mahaba ang pila sa front desk Kaya hindi ako nagka problema
"Miss, Anong oras yung flight Papuntang US? " hinihingal na tanong ko dun sa babae
Agad naman niyang Tinignan ang monitor na nasa harap niya bago siya tumingin saakin
Tahimik kong hinintay ang sagot niya. Parehong kaba at pagod ang nararamdamam ko ngayon. Hindi ko alam kung Anong Dapat kong gawin sa mga oras na ito
"Sir, you have missed it. Umalis na po ang eroplanong papunta sa US 15 minutes ago" sagot niya with a sad expression
"Thanks" malungkot na sagot ko at nanlulumong umalis at walang ganang naglakad palabas. Iniisip kong bilhin ang ticket para sa next flight going to US... Pero mas nanlumo ako ng makita kong hindi sapat ang perang dala ko
Naramdaman ko nalang ang pagpatak ng luha mula sa mata ko. Agad ko naman itong pinunasan pero mas bumibigat lang ang loob ko. Pinagtitinginan na din ako ng mga Tao dahil sa ka dramahan ko
"Sabrina!! " I shouted sadly. Mas maraming Tao pa ang napatingin saakin. Hindi ko na din pinansin ang Ilan sa mga taong kinuhanan ako ng litrato at video dahil nakatuon ang atensyon ko sa bigat at sakit ng puso ko.
"Sabrina!!! Please come back to me! I love you,I-i will and always do love you!Im sorry for being a coward! Please... Forgive me! Hihintayin kita Kahit gaano pa katagal " sigaw ko habang hinihiling na sana magpakita siya Kahit alam kong imposible.
Napansin kong naaagaw ko na ang atensyon ng madami at doon na ako tinamaan ng hiya. Tumayo ako at Inayos ang damit ko at nag sorry sa mga nagambala ko at sunod kong tinungo exit...
Naisip ko na siguro ito yata talaga ang gusto ng tadhana. I followed what Lucy said dahil sinabi niyang sisirain niya ang gang na pinaghirapang buoin ni sab . Ayoko naman ng Ganon, inisip ko na Mas okay na kung ang relasyon namin ang masira kesa sa grupong pinagpaguran niya, pero hindi ko naisip na bukod pala sa relasyon... Nasira ko din ang ibinigay Nila saaking tiwala. Nasira ko din ang Mundo naming dalawa, at nasaktan ko siya ng sobra.
Kung pangungulila sakanya ang magiging kapalit ng ginawa ko... Masasabi kong, ngayon palang ay nahihirapan na ako. Hindi ako Sanay na walang sab na nag ko-contradict sa mga sinasabi ko. Hindi ako Sanay na walang sab na manghahampas, mangungurot o mangbabatok kapag nagbibiro ako. Hindi ako sanay na walang sab na magpaparamdam saakin na importante ako.
Ayokong tuluyan siyang mawala saakin dahil siya ang Mundo ko. Inayos niya ang walang patutunguhang buhay ko.
Sa maikling panahon I loved her so damn much, at Mas Lalo ko pa siyang mamahalin for years, decades and centuries.
--------------------
A/N:Edited chapter,if you liked it...click vote
Thanks!
YOU ARE READING
To Love A Gangster
Teen FictionWe live in a world where destiny can be playful... Destiny would make you crash and fall, be broken to pieces and will make you give up But what if destiny also helped you stand firm and look for the right man? Will you still hate destiny, or will...