chapter 21:

1.4K 47 0
                                    

SAB'S POV

 Maaga nanaman akong umalis ng bahay at Hindi pa masyadong mainit kaya naisipan kong magalakad nalng ulit papasok ng K.E.A. 

Exercise din yun! 

Habang naglalakad ako hindi ko inaasahan na may biglang susulpot na naghahabulang aso at pusa kaya na out balance ako...

Hinihintay kong bumagsak ako pero 3 seconds na ang lumipas, hindi parin ako nakakaramdam ng sakit kaya napadilat ako 

Pagdilat ko isang gwapong mukha ang tumambad sakin ,and take note! ,ilang metro nalang ang pagitan ng mga mukha namin.

Agad akong tumayo ng maayos at lumayo sakanya.

"S-Salamat!" Yan nalamang ang nasabi ko pero hindi niya ako narinig kasi naka earphone siya.
Pero ngumiti siya kaya ...siguro narinig naman niya ang sinabi ko .Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil malapit na akong malate kaya umalis na ako

"okay na siguro yun...nagpasalamat naman ako e" bulong ko at binilisan na ang paglalakad 

*******

Papunta kami ngayon sa cafeteria kasama si yuna kasi kanina pa ako nagugutom, at kanina pa nag rereklamo ang tyan ko

Pero mahabang pila ang nadatnan namin kaya naihilamos ko nalamang ang palad ko sa mukha ko dahil sa inis.

" Sab ang haba ng pila" Sabi ni yuna 

" Kita ko nga" Sagot ko 

Mahigit 20 minutes na kaming nakapila ni yuna at sa wakas ako na rin ang susunod sakanya,

Pagkatapos ni yuna, oorder na sana ako ng pagkain ng biglang my sumingit sa harap ko.

"Hoy!mahigit 20 minuto na kaming nakapila dito tapos sisingit ka lang?" sigaw ko dun sa lalaking sumingit  kaya napaharap siya

"I-ikaw? " Utal na tanong ko ng makita ko ang mukha niya

"Oh,ikaw yung babae kanina diba?" tanong niya tapos humarap na ulit sa counter at omorder ng pagkain

Aba't ,Tinalikuran niya ba ako? Tinulungan niya ako kanina pero, Hindi tama to!

"Hoy lalaki, Alam mo naman siguro kung ano ang pila hindi ba?" Naka kunot noong tanong ko 

" Yes" sagot niya bago nagtungo sa isang table

nako nako! pigilan niyo ako! Paduduguin ko ang ilong ng lalakeng to!!!

umorder nalang din ako ng pagkain ko ng makaalis siya at naghanap ng table.

Tinititigan ko siya ng masama habang kumakain. Nakakainis siya. Tsk

*******

Naglalakad ako ngayon pababa ng building namin ng makita ko ang Mukhang ayokong makita sa hindi kalayuan.

Tumayo ako ng tuwid, tumingin ng diretso at hindi siya pinansin ng magkasalubong kami at nagpanggap na hindi siya nakita

Akala ko, hindi niya ako papansinin pero bigla niya akong tinawag kaya naman napahinga nalang ako ng malalim bago lumingon sakanya

"Uuwi ka na?" tanong niya

"obvious ba?" sarcastic na sagot ko

"obvious nga, Tara sabay na tayo?" sagot niya Kaya naman napahinga muli ako ng malim at hinayaan siyang sabayan ako sa paglalakad

"BTW I'm khenji, nice to meet you" pagpapakilala niya habang nag lalakad kami

" yeah, nice to meet you too" nakangiting sagot ko

"hindi mo ba sasabihin kung ano ang pangalan mo?" tanong niya

" Pangalan ko? Bakit ko naman sasabihin ang pangalan ko sa taong siningitan ako sa pila?" sagot ko kaya naman lalo pa akong nainis ng tumawa siya kaya naman binilisan ko na ang pag lalakad at iniwan siya

Nang makarating  ako sa bahay agad akong nag kulong sa kwarto at pinagsusuntok ang mga unan hanggang sa napagod ako kaya humiga na ako at natulog

---------------

A/N:This is an edited chapter
Thanks for reading, vote if you liked it.





To Love A GangsterWhere stories live. Discover now