Chapter 3: The Elemental World

0 0 0
                                    

Rain's P.O.V

Kasalukuyan akong nakasakay sa mahaaaabang sasakyan na to, sa sobrang haba di ko na makita yung driver's seat. Alam mo yun? Yung pang royal family na sasakyan? Basta yun! So yun nga naka sakay ako dito, at nagmamasid lang sa paligid. Sa'n ba papunta to? Kanina pa nag bya-byahe tong sasakyan na to ah?

(Paulit-ulit lang Rain? Sa Elemental Academy nga diba?)

Oo na author. Tss. So since mukhang mahaba-habang byahe pa to, matutulog muna ako...

---------------------------------------

"Your highness gising na po , nandito na po tayo.." Huh? Saan?

*poink"

"Aray! Sino ba to----"

"Ay sorry po your highness hindi ko po sinasadya." Huh?????

"Your highness?"

"Opo.. Simula po ngayon yun na ang tawag namin sa'yo dahil ikaw ang prinsesa ng Encaworld."

Oo nga pala... Napa 'ahh' nalang ako.. Hindi parin kasi ako makapaniwala na isa akong immortal, at prinsesa pa.. Kahit sa panaghinip ko hindi nasagi ang ganun... Haaay,, dito na nga siguro mababago ang buhay ko..
Nang maka pasok na kami sa Academy ay sobrang namangha ako.. Grabe! Ang laki laki! Parang isang condo na mall na pinag sama sama!

(Condo na mall? Okay ka lang?)

La kang pake author. Eh sa hindi ko na alam ang ide-describe ko eh. Bakit ba?

Habang naglalakad ako may nakikita akong nag te-training sa field, grabe! Ang gagaling nila!!
Nakarating na kami sa principal's office..

"Maligayang pagdating sa Elemental World, Ms. Mystica."

Nagulat naman ako nung nagsalita yung babae na sa tingin ko ay nasa 20+ palang ang edad. Ang bata naman ata nya?

"Ang anyo ko lang ang bata kung tingnan, ngunit ako ay 234 years old na. At oo, nababasa ko ang isip mo dahil sa may kakayahan akong gawin ito. Mayroon akong Telepathy. Isa itong kakayahan na makabasa ng isip ng tao."

"Ah okay po.. Hehe."

Nawe-weirduhan parin talaga ako!

"So eto na ang dorm key mo, ang sched at ang room at section mo. Kung may tanong ka pa kay Renz ka nalang lumapit." Sabay turo niya kay Renz daw. Oh, siya pala yung gumising sa'kin kanina ,or should I say, sya yung butler dito...okay...

"Sige po maraming salamat..."

The Lost Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon