Chapter 4: Her Roommates

1 0 0
                                    

Rain's P.O.V

After 987654321 years, at syempre joke lang yun. Nakarating na rin kami sa dorm ko.. Hinatid ako ng butler-- err, ni Renz kasi nga di ko pa kabisado tong lugar na to. So pag dating namin, pri-ness lang ni Renz yung parang doorbell. Ayos! Parang sa condo lang talaga!

Tapos ay pinag buksan kami ng isang babae, well, maganda, maputi, she has this long pink hair na hanggang bewang at meron siyang pink din na eyes.. Wow! Ang ganda bagay na bagay sa kanya!! *o*

"Oh? Hello! I'm Samantha Therese Flesh. Come in!" Ang jolly ata ni Therese,, pumasok na ako at .... WOW... Ang gondo!! Ang laki laki ng room! Parang bahay na nga eh!!! *o*

"Dito niyo nalang po ilagay yung gamit ko..." Sabi ko kay Renz. Nilagay naman niya yun sa bakanteng kama na nandun tapos ay umalis na siya..

"Ther! Luto na yung pagkain mag handa ka na nang ----- oh, sino siya?" Bigla naman may sumulpot galing sa kusina ata.. Maganda din siya, maputi, makinis ang balat tapos meron siyang mata na color skyblue pati narin buhok nya... Hmm, I wonder kung ano ang mga legends nila...

"Oh, Faith, bagong roommate natin. Miss ano nga pala pangalan mo?" Tanong naman sakin ni Therese.

"Ah, ako nga pala si Kimberly Sophia Lorraine Gwennyth Mystica." I answered with a bit of smile on my face. Naks! English!

"Oh, okay.. Ang haba naman! Pwede bang Lorri nalang??? By the way, Zerina Faith Frosta is the name.." Singit naman nung babaeng may color skyblue na buhok.

"Oo naman Faith.." Sagot ko naman sa kanya.

"Magpapakilala ulit ako, I'm Samantha Therese Flesh. And my legend is Floral Manipulator. I can manipulate flowers and plants.And I'm also the Princess of Florista Kingdom" Agad naman niyang pinakita ang legend niya at nagka roon siya ng flower crown. Wow!! Enggeleng!!!! Prinsesa pala siya!

"Uhm,ikaw Faith? Anong legend mo?"

"My legend is Ice. Well I can create ice and I can froze anything.. And I'm the Princess of Frosta Kingdom." Wow! Frozen ang peg? Galing! Nakita ko naman na may crown din siya katulad ng kay Therese. Ang kaibahan, ice lang yung sa kanya. Ang ganda! Parang siya na si Elsa! Kaya lang skyblue yung buhok niya!!

"Eh ikaw? Anong legend mo?" Sabay pa na tanong nila.. Natigilan naman ako.. Di pala nila alam na prinsesa ako ng Encaworld..

"Hin--di ko pa alam eh .." Nalungkot naman sila katulad ko..

"Okay lang yan Lorri. Matutuklasan mo rin naman yan in the right time and in the right place." Ang lakas naman makapatatag nang loob etong si Faith.. Akala ko silent type eh. Haha! Napangiti nalang ako sa kanila at biglang napatakip ng ilong dahil may naaamoy ako.. Amoy,,,

"NASUSUNOG!" Sabay na sigaw naming tatlo. Dali dali naman kaming pumunta sa kusina para maagapan yung pangyayari. At sa awa naman ng maykapal ay naapula din ito.

Haay! Jusko naman! Buti nalang talaga!

"Nakoooo! Nakalimutan ko palang may niluluto ako, sorry guys ah? Sorry talaga.. Muntik pang masunog yung dorm natin.."

"It's okay Faith. Actually ako yung may kasalanan eh.. Nadistract kita sorry talaga sorr--"

"No wag mo sisihin ang sarili mo.. Di bali. Punta nalang tayo sa cafeteria. Treat ko." *o* omigosh!! Libreeee!!!

"Game!" At pumunta na kami sa cafeteria.

Habang naglalakad kaming tatlo, pinagtitinginan nila kami, or should I say, pinagtitinginan nila ako. What? May dumi ba ako sa mukha?

Nakarinig naman ako ng mga bulungan.

"Sino siya?"

"Siya ba yung transferee?"

"Bakit niya kasama sina Princess Zerina at Princess Samantha?"

"Eww kabago-bago palang niya dito nakadikit na siya agad sa mga prinsesa."

"Akala mo naman kagandahan."

"Napaka social climber."

Hindi ko nalang sila pinansin. Kung alam niyo lang..

"Huwag mo nalang silang pansinin Lori. Inggit lang sila. Wala pa kasing nakakalapit saming dalawa at kami lang din dalawa ang magkasama sa dorm until you came."

"It's okay Therese. Hindi nila alam kung sino ba talaga ako.."

"May sinasabi ka Lori?" Tanong ni Faith

"Ang sabi ko, tara na, gutom na din kasi ako.. Hehehe" sabi ko nalang para di sila makahalata..

The Lost Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon