Chapter 5: The Princes

2 0 0
                                    

Habang umo-order si Faith, nagkwe-kwentuhan kami ni Therese. Ng bigla nalang may nag sisigawan.

"Oh my gosh! Ang mga Prince!"

"Ahhh! Nginiti-an ako ni Prince Josh!"

"Oh my gosh, oh my gosh pupuntahan ako ni Prince Joem!"

"Hey bitch ako pinunta nyan dito!"

"No! Ako! Akin si Prince Joem!"

"Oh my Gosh! Ang gwapo ni Prince Rexairus! Kyaaaaahhh!!!"

Yan lang naman yung mga pinaglalaban nila. And one word? NAKAKARINDI! Psh! Sino ba kasi yung mga prinsipe na yan at ginawa nilang megaphone yung mga boses ng mga babae dito?!

"Oh my gosh Prince Josh!" pati ba naman ikaw Therese? Ugh!

"Hoy Therese," pagtawag ko sa kanya. Aba! Dinedma ako!

"Therese? Yuho?" Sabi ko with matching pa kaway-kaway pa sa harapan nya. Pano ba naman kasi?! Na stuck yata yung isip at mata niya kay prince Josh ek-ek nayun!

"SAMANTHA THERESE FLESH!"

"Ay prince Josh! Eeeehh!! Lorri naman ey! Yun na yun ey! Ikakasal na kami ni prince Josh ey!" sabi na nga ba.

"Sino ba kasi sila?" Tapos nilingon ko yung mga prinsipe ek-ek na yun. Nandun na sila sa private table ba yun, kasi nakita ko kanina wala ni isang umuupo dun eh. Wow ah? Ang sosyal naman! Sabagay mga prinsipe eh.

"Ah? Ah. Okay, so una kong ipapakilala sa'yo ay si Prince Josh ko. Hahah. Okay, He is Prince Warren Josh Bricks. Weird ng surname nya nuh? Pero kasi it suits him well kasi he's an Earth manipulator. He can control animals and plants. And bagay talaga kami because I can control plants too! Kyaaahh!" At nag ningning na naman ang mga mata niya. Pero totoo naman, bagay talaga sila.

"Then yung the one with red hair, he is Prince Rexairus Jade Flame. Halata naman na siguro sa surname diba? He is a Fire manipulator. He is a serious type and a SNOB. Pero, deep inside mabait yan. Lalo na sa sister nya. Ganun kasi sila ka close na ultimo bawat galaw ng isa't isa alam nila pareho. And he is the leader of them." Ah, okay. So sya pala yung leader. Kaso halata ngang snob siya.

"So yung isa pa ay si Prince Chris Joem Solomon. A lightning manipulator. He can ruin our eardrums, charot! Pero totoo pwede siyang magpakulog at magpakidlat kahit kelan niya gusto. And taliwas sa ugali ni Prince Rexairus, he is a jolly, happy go lucky and a playful one. NGSB. Ayaw pa niya eh. Haha."
Oh yun pala. Haha pero infairness ang gwa-gwapo nila ah? Lalo na si Prince Rexairus.

Wait, what the hell did I just said?Teka,asan na ba yang si Faith?

"Oy Therese, si Faith? Gutom na meh!" Pagrereklamo ko. Kanina pa kami nag hihintay dito. At gutom na talaga ako.

"Oo nga noh? San na ba yun? Teka matawagan nga," at yun medyo lumayo. Ba't kailangan pang lumayo?

Nag hintay lang ulit ako and after a minute nandito na ulit sya.

"Oh ano daw?" I said.

"Eh, nakikipag siksikan parin, andami daw diwata eh." Seriously?

"Ano ba 'yan, gutom na ako eh." Wala naman akong dalang pera.

"Here."

"Ay kalabaw!" Nagulat kasi ako dahil biglang may pagkain na sa lamesa namin. Pag tingin ko naman kay Therese, naks men, kilig na kilig siya ah? Wonder kung sino nag abot? si prince Rexairus.

"Tss." Then umalis na siya. Ang kapaaaaalll! Hmp!

"Thank you ha?!" Sarcastic kong sabi sa kanya.

At dahil nga SNOB siya. Ayun. Di ako pinansin. Tsk. Bahala siya. Siya na nga tong pinasalamatan.

"Ang swerte naman nya, inabutan siya ng pagkain ni prince Rexairus!"

"Oo nga!"

"Tss. Napaka social climber talaga. Swerte niya nga inabutan pa siya ng food ni prince Rexairus. Siya pa may gana maging sarcastic. Eh ngawa siya ng ngawa. Kawawa naman. Tsk."

Wth?! Ako pa ngayon yung social climber?! Baket?! Sinabi ko ba na bigyan niya ako nang pagkain?! Sinabi ko bang lapitan niya ako?! Yan hirap sa ngayon eh! Konting galaw mo lang iju-judge ka agad nila. Di pa nga nila alam yung buong nangyari or yung buong kwento, may sasabihin na agad sila sa'yo. Hindi kasi mga open minded.

"Lorri okay ka lang?" Tanong ni Therese.

"Yah. Nasaan na ba si Faith?" Kanina pa yun ah?

"Padating na daw. Speaking of, nadito na siya. PEEEYYYYTTT!!! san ka ba galing ha?"

"Eh, sorry na. Eh super daming diwata talaga kanina. Tas may sumisingit pa sa line. Tsk. Natagalan tuloy. Oy Lorri, sorry ah? Alam ko sobrang hungry mo na talaga. Tapos muntik pa masunog yung dorm natin at ngayon, late na naman ako."

"It's okay Faith. Kumain na tayo?"

"Pero alam mo Faith, adxkdndlqmxjrn!!!" Naman! Ayaw ko malaman nya na nilapitan ako ni Prince Rexairus eh. Err! Rexairus na nga lang! Tutal ano naman eh. Alam mo na.

Eh. Nahihiya kasi ako na malaman nila eh. Sabihin pa ang ambisyosa ko kasi nilapitan ako ng isang prinsipe.

Inalis ko na yung kamay ko sa bibig ni Therese at binigyan siya ng "sabihin-mo-lang-at-mapepektusan-kita-" look.

"Am I missing something here?"

"Hmm, w-wala naman. Diba Ther?"

"A-ah! Oo nga. Hehe,"

"May dapat ba kayong i kwento sakin? I can sense your emotions guys. One of my special ability." Hay. Wala nang kawala. Well, wala naman talagang mawawala kung sasabihin namin eh.

"K-kasi Faith---" di ko na natapos ang sinasabi ko ng sumungit na si Therese.

"Kasi Faith, dumating yung mga prince dito kanina. Eh yun nga nag tanong si Lorri kung sino ba daw sila kasi pinagkakaguluhan ng mga girls dito. Tapos ayun pinakilala ko sila isa-isa. Eh sa tagal mo dumating, nainip ata si Lorri. Tapos nagulat nalang siya ng may pagkain na sa lamesa niya.. At guess who? Si Prince Rexairus err-- Rexairus yung nag bigay! As in O to the M to the G talaga! Kinikilig akoooo!!"

"Salamat Therese ah? Sobrang thank you talaga. " sarcastic na sagot ko.

"Hihihi you're welcome bebe Lorri!"

Slow.

"Oh. My. Gosh! You know what Lorri, bihrang bihira lang talaga si Rexairus na makihalubilo sa ibang mga nilalang dito sa encaworld. So ang dating talaga, is ang SWERTE SWERTE mo. Kasi ngayon ka palang nakarating dito, nakahalubilo mo pa si Rex. Nabigyan ka pa nga ng food. Omygosh talaga. Pero dahil sa may food ka na rin, amin nalang to. So, tara kumain na tayo."

"Luh! Ang daya! Grabe naman kayo! Kulang sandwich para sa'kin noh! Gutom na kaya ako. Hindi pa ako kumain ng lunch pag alis ko sa mortal world." Pag papaawa ko.

Napatawa nalang sila Therese at Faith sa inasal ko at hinayaan nalang nila akong maki share ng pag kain kahit na meron na ako. Bait nila.

Kumakain na kami ng biglang may nag bukas ng pinto ng cafeteria. Padabog. At, oh my gosh!

---------------------------------
Pabitin muna guys..

The Lost Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon