Puno ng pagmamahal ang paligid na kinalakihan ko. Mahal na mahal ako ng mga magulang ko. Lahat ng kailangan ko ay mabilis na naibibigay sa akin. Miski ang lamok ay hindi makadapo sa akin dahil sobrang protektado nila ako.
Nag-iisa akong anak kaya hindi nila ako pinababayan. Ako daw ang biyayang binigay sa kanila ng Diyos makalipas ang walong taon nilang paghiling na magkaroon ng anak. Tuwang tuwa sila ng ipinanganak ako kasama ng iba pa naming kamag-anak. Isa daw akong napakagandang anghel ng ako ay iluwal.
Nang ako ay lumalaki ay hindi ako masyadong palalabas ng bahay. Hatid sundo ako ng aking mga magulang mula eskwelahan hanggang sa bahay. Hindi ako lumalabas ng hindi ko sila kasama.
Bata ako na naniwala sa mga prinsipe at mga palasyo. Yoon ang kinalakihan kong mga babasahin. Sila Cinderella, Snow White, Belle, Ariel at marami pang iba. Natutuwa akong basahing ang mga magaganda at makukulay nilang pagmamahalan kasama ang kanya-kanya nilang prinsipe. Ang pagmamahalan nilang nalalagpasan ang lahat at magsasama ng masaya habang buhay.
Pinapangarap ko noon pa lamang na makakilala ako ng prinsipe na mamahalin din ako tulad ng pagmamahal ng mga prinsipe sa mga babasahin ko. Yung ipaparamdam sa akin na mahalaga ako, na itratrato akong prinsesa, na proprotektahan ako sa kahit ano, at hinding hindi ako pababayaan kagaya ng ipinaramdam sa akin ng mga magulang ko.
Lambing apat na taon ako ng magkaroon ako ng unang manliligaw. Gwapo siya, kulay kape ang buhok niya at itim na parang uwak naman ang mga mata niya. Kapag ngumiti siya ay masisilaw ka sa puti ng mga ngipin niya. Mabait siya at madaling pakisamahan, halos lahat ata ng estudyante pati na ng mga guro ay kasundo niya. Nagulat ako noon ng lapitan niya ako at kausapin. Hindi ako kasing sikat niya pero kinausap niya ako at sinamahang kumain ng tanghalian. Naging mabuti kaming magkaibigan at lalong naging malapit. Ang totoo ay nagkaroon ako ng pagtingin sa kanya pero nahihiya akong umamin dahil baka hindi niya ito masuklian. Hindi ko inaasahan na may nararamdaman na din siya sa akin at nais akong ligawan. Dahil bata pa kami noon at hindi pa din pabor ang magulang ko na magkaroon ako ng karelasyon ay sinabi ko sa kanya na kailangan niya pang maghintay.
Labim pitong taon ako ng maging kami. Hinintay niya ako hanggang sa payagan na ako ng mga magulang ko at humanga ako sa tiyaga at pagpupursigido niya. Sa loob ng tatlong taon niyang pag-amo sa akin at sa mga magulang ko ay hindi siya napagod. Araw-araw niyang ipinapaalam at ipinararamdam sa akin na mahal na mahal niya ako. Mga bulaklak, tsokolate, at marami pang regalo ang ibinibigay niya.
Alam ko na siya na ang prinsipeng inaantay ko simula nung bata ako. Pinangako ko noon sa sarili ko na ang una kong karelasyon na din ang magiging huli katulad ng mga nabasa ko. Inilagay ko na sa isip at puso ko na siya na ang pakakasalan ko pagdating ng araw. Mahal na mahal namin ang isa't isa at alam kong panghabang buhay na iyon.
Kaarawan niya ng naisipan ko siyang isurpresa. Gabi dapat ng araw na iyon kami magkikita pero hindi niya alam na pupuntahan ko siya sa bahay nila para ipagluto siya. May susi ako kaya nakapasok ako ng hindi niya alam. Dahan-dahan ako sa pagpasok at sinikap kong hindi makagawa ng ingay. Tagumpay akong nakapasok ng hindi niya nalalaman. Alas nueve pa lang ng umaga noon kaya alam kong tulog pa siyadahil tanghali na kadalasan siyanggumising.
Nagluto ako ng espesyal na agahan para sa kanya. Inabot din ako ng isang oras sa pagluluto at pag-aayos. Umakyat ako papunta sa kwarto niya para gisingin na siya. Nagtaka ako sa pailan-ilan na damit na nakita ko sa lapag. May mga damit din na pambabae. Binaliwala ko iyon dahil baka damit ito ng nakakatandang kapatid niyang babae. Papalapit ako ng papalapit sa kwarto niya at nakarinig ako ng parang nag-uusap na may kasamang ungol. Dahan dahan kong binuksan yung pintuan ng kwarto niya at tumambad ang hubong katawan ng prinsipe ko at ng isang babae sa ilalim niya.
Tuloy tuloy na dumaloy ang mga luha mula sa mga mata ko. Kita ko ang sarap sa mga mukha nila at rinig sa mga ungol. Hindi nila ako napansin dahil napapaloob sila sa sarili nilang mundo. Narinig kong nagtanong yung babae kung paano daw ako na karelasyon niya. Tumatak sa isip ko ang katagang isinagot ng inaakala kong prinsipe. "Wag mo na siyang intindihin. Wala lang siya para sa akin. Pinilit lang ako ng mga magulang ko sa kanya dahil maisasalba daw nila ang negosyo namin."
Dahil sa mga salita na yun ay tuluyan ng nadurog ang puso ko. Maingat kong isinara ang pintuan ng kwarto niya. Hindi ko kaya. Humahagulgol akong umuwi sa amin. Pasalamat ako at wala ang mga magulang ko para makita akong miserable.
Bumigay na ang tuhod ko ng makarating ako sa aking kwarto. Halos hindi na ako makahinga sa kakaiyak at paghikbi. Ang sakit ng nararamdaman ko. Hindi sinabi sa akin ng mga nabasa ko na ganito pala kasakit ang pagtaksilan, parang pinupunit sa maliliit na piraso ang puso ko at inaapak-apakan. Wala silang awa.
Dapat ay hindi na lang ako kumawala sa yakap ng mga magulang ko at ng sa gayon ay ligtas pa din ako sa sakit na nararamdaman ko. Sana nasabi nila sa akin na ganito pala ito ng sa una pa lang ay hindi na ako sumubok.
Nakakita ako ng isang matulis na bagay na nakapatong sa lamiseta ko. Ang pangbukas ko ng mga sulat. Kinuha ko ito at tinitigan. Nagtatalo ang isip ko kung tama ba ang gagawin ko. Sa dulo ay nanalo ang sakit.
Unti-unti ko itong inilapit sa pulsuhan ko. Patuloy sa pagdaloy ang luha ko. Ayoko ng maramdaman ang sakit at hinagpis sa marahas na mundo ng pag-ibig. Idiniin ko ito at nakaramdam ako ng hapdi pero wala itong binatbat sa nararamdaman ko. Nakita ko na ang pulang dugo na dumadaloy mula sa sugat pababa sa braso ko. Lalo na akong nahihirapan huminga. Nakakakita na ako ng mga itim na tuldok sa mga mata ko. Wala na akong maisip kundi ang sakit. Naglabas ako ng isang malakas na palahaw bago ako napangiti at lamunin ng dilim.
BINABASA MO ANG
Marahas na Mundo
Teen FictionAlam mo ba kung gaano karahas ang mundo na ginagalawan mo?