Hindi ko alam kung paano ako gagalaw. Lahat ng mga mata ay laging nakasunod at nakaabang. Walang pinapalampas miski isang segundo. Bawat maling galaw mo ay masasakit na salita ang katumbas.
Lumaki akong hindi nakilala ang aking ama. Pinalaki akong mag-isa ng aking ina. Nagtratrabaho siya bilang taga-bigay ng aliw sa mga lalaking uhaw sa laman. Malaki ang kita dito at kinakailangan niya ng pera para may sakit niyang kapatid. Walang tumatanggap na matinong trabaho sa kanya dahil hindi naman siya nakapagtapos ng pag-aaral kaya ddito siya napadpad. Hindi pa din siya tumigil kahit na namatay na ang sinusustentuhan niya. Doon daw niya nakilala ang ama ko. Unang beses noon nito sa lugar na iyon at kinuha ang serbisyo ng aking ina.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabuntis nito ang aking ina. Nawalan siya ng trabaho dahil sa nangyari dahil wala daw kukuha sa isang buntis na babae. Nagtiis siya sa pagkuha ng labahin sa mga kapit bahay o sa pagtinda ng mga pagkain. Kahit kailan ay hindi niya naisipang ipalaglag ako. Isa daw ako sa mga magandang bagay na nangyari sa kanya noong mga panahon na iyon. Siya na lang mag-isa ang buhay sa pamilya nila at panahon na noon para magkaroon siya ng katuwang.
Mahal na mahal ko ang aking ina at ganoon din naman siya sa akin. Walong taon ako ng nakabalik siya sa trabahong iniwan niya noon. Hindi ko siya napigilan dahil wala pa akong muwang noon at hindi ko pa alam ang dilim ng kanyang trabaho. Hindi man niya gustong bumalik doon ay kailangan. Nakakaraos naman kami sa araw-araw at laking pasasalamat namin iyon pero hindi pa rin ito sapat. Nahihirapan na siya sa pagpapaaral sa akin at kinailangan niya ng mas malaking kita.
Pero nalaman kong hindi pala lahat ng tao ay maunawain. Marami pa lang mapangmata. Marami pala ang gagawing pang-aliw ang buhay mo. Walang habas na bulungan, masasamang tingin, at mapanirang pagturo ang madadaanan mo. Bawat hakbang at galaw mo inaabangan nila. Isang mali mo lang yun na ang ibabansag sa buo mong pagkatao.
Miski sa eskwelahan ganoon ang naging trato sa akin. Para akong may malubhang sakit dahil walang lumalapit sa akin. Pinapalayo sila ng mga magulang nila dahil hindi daw ako karapat dapat maging kaibigan. Lahat ng nagiging kagroupo ko ay ilag sa akin at laging nagrereklamo sa guro, kaya minsan ay mag-isa na lang ako sa gawaing pang-eskwela. Hindi ko na ito sinabi sa aking ina. Marami na siyang problemang kinakaharap at ayoko na iyong dagdagan pa sa pagsusumbong. Kaya ko pang tiisin at sinabi ko sa sarili ko na huwag na lang silang pansinin. Itinatak ko sa utak ko na hindi nila kami kilala at mali ang mga sinasabi nila sa amin.
Lalong lumala ito ng tumuntong ako sa sekondarya. Hindi na patalikod o pabulong ang mga salita nila. Bulgaran at isinisigaw na nila sa harapan ko ang panlalait. Madalas akong nasasabihan ng malandi, basura, madaling makuha, puta, bayaran at kung anu-ano pa. Ang mga salita nila ngayon ay nadagdagan na ng pananakit. Pananabunot, pagsampal, pagsipa, pagsuntok at kung ano pang magawa nila sa akin kapag ako'y naabutan. Minsan ay iniiyak ko na lang lahat ng iyon mag-isa sa banyo. Hindi nila ako makikitang iiyak sa harapan nila. Yuon na lang ang natitira sa akin at hinding hindi ko ibibigay ang kagustuhan nilang makita akong mahina.
Hindi ko pa din ito sinasabi sa aking ina. Pasalamat ako at hindi niya nakikita ang mga pasa at sugat ko. Tulog pa siya kapag umaalis ako ng bahay, wala na siya pag-uwi ko at tuloy tulog na lang siya pag-uwi dahil sa pagod.
Binalot ako ng takot ng harangin ako ng mga lalaking estudyante mula sa eskwelahan na pinapasukan ko. Malalim na ang gabi ng mga panahon na iyon. Mula ako sa silid aklatan at hindi namalayan ang oras. Kinilabutan ako sa mga ngiting ipinapakita nila at sa mga tingin nilang parang hinuhubaran ako. Pumilit akong dumaan papaikot sa kanila pero hindi nila ako hinayaan. Puno na ng takot ang loob ko at nagsisimula ng magluha ang mga mata ko.
Hinawakan ng dalawa ang magkabilang kamay ko at hinatak ako sa isang bakanteng lote. Ang pangatlo ay pinupunit na ang damit ko. Sinasabi nilang babayaran ako kapag binigyan ko sila ng aliw kagaya ng ginagawa ng ina ko. Hindi ako umiyak. Hindi ako makagalaw sa pagkakahawak nila sa akin. Nakatulala lang ako sa langit. Hindi ko kayang tignang ang ginagawa nila sa katawan ko. Binaboy nila ako, pinagpasapasahan at nilalapastangan. Mga halakhak at ungol nila ang naririnig ko.
Nang makunteto sila hinagisan nila ako ng limang daang piso. Pinasalamatan sa serbisyo ko.
Wala na. Binaon na ako ng marahas na mundo ng panghuhusga. Hindi na niya ako hinayaang ipagtanggol at ipaliwanag ang sarili ko. Itinulak na niya ako sa malalim kong hukay at binuhusang ng lupa upang patahimikin.
Ang halakhak ng mga lalaking nilapastangan ako ang huling narinig ko bago ako sumuko sa manhid. Hindi ako patay pero hindi rin nila ako hinayaang mabuhay.
BINABASA MO ANG
Marahas na Mundo
Teen FictionAlam mo ba kung gaano karahas ang mundo na ginagalawan mo?