Prologue

37 1 0
                                    




Prologue

(JBrothers' List No. 4)

"Dude, isang shot pa. Kulang pa 'yan"

"Hoy! Ano na? Ganiyan ka ba mag-enjoy. Silent mode?"

"Oo, p're ganito ako mag-enjoy. Nanghuhusga lang ng tao. Kaya ka nilalayuan ng mga babae, wala kang substance."

"5 seconds drip nga diyan mga p're. Simulan natin sa'yo. Ikaw pinakamahina sa'tin, eh."

"Daming chickababes hirap pumili. Kanino mas malaki? Wait, ayun ang target natin toninght."

Sabay-sabay nilang itinaas ang mga hawak ang naghuhuling bote ng beer sa pang-apat na order nilang bucket. 

Nagulat nang bangon sa tulog ang isa nilang kaibigan nang tapikin siya ng waiter na naglilinis nang kalat ng isa niyang kasama. Nag-iba 'yung reaction ng mukha ng waiter nang makita yung pagkapungay ng mata kung sino man ang ginising niya. Kinusot-kusot niya ang mata niya at tinaas ang isang kamay sa taas ng noo para takpan yung sinag ng ilaw.

Lumingon siya nang may lumapit sa kaniya at hingal na hingal na sabi, "Si Jonas nawawala, Jonathan."

Tiningnan niya ito ng ilang segundo at bumalik ulit sa pagkatulog. Tinaas ng kasama niya yung ulo niya sa pagkakayuko. "Jonathan, gising. Wala akong mapapala dun sa dalawa pa. Mas may silbi pa yung basahan kesa sa kanila."

Matapos ng limang segundo? Ayun humihilik na ulit.

"Shit! Jonathan naman. Hindi ko alam kung saan naman pumili ng tulog si gago. Need na ng third leg." Paguulit nito at saka tinapik-tapik nang medyo malakas at niyugyog ang balikat nito para magising ulit. Nang magising, padabog siyang bumangon at inayos ang sarili na mas lalong ikinagulo lang nito.

"Gago, parang nabugbog mo na ng tatlong beses sa tingin mo pa lang Jonathan, ah."

"Natanggalan ka na nga ng dalawang ngipin sa isip ko, eh. Pinuputok ko na 'yung right eyebrow mo ngayon."

"Have mercy naman, Jonathan. Hindi ko kayo kayang magalaga ng apat. Wala na nga akong tatay hindi ko pa kaya maging isa kung si Johnny lang din ang magiging anak."

Ginising nila 'yung iba pa nilang kaibigan na tulog pa rin sa sa kabilang table ng bar dahil sa kalasingan. Hindi na nga umabot sa bucket 'yung nilabas na kalat ng isa nang magising habang nakatingin nang masama yung janitor sa kanila. Paanong hindi sasama ang tingin, kalilinis lang yung part na may produkto nang kalasingan.

"Ay pucha namang buhay 'to, oh. Friday the thirteenth ba ngayon at sobrang malas ng araw ko." Yan ang nasa isip ng janitor kanina.

Tinutulungan na rin sila ng mga ibang bouncer para mailabas ng bar. 

Pagewang-gewang silang naglalakad para maiupo yung dalawa nilang inaalalayan na kaibigan sa sidewalk. Apat pa lang silang nasa labas at wala pa 'yung nawawala nilang kaibigan. Kahit sinabi na nila na hanapin pero ni isa sa kanilang ang walang gumagawa. 

Nagtaas ng kamay ang isa nilang kaibigan na tinawag nilang Johnny na nagpaalam para mag-banyo sa loob ulit ng bar.

Puro masasamang tingin at mga bulong ang mga nakukuha ni Johnny habang naglalakad hanggang sa makapasok ng cr. Hindi naman niya napansin dahil sa kalasingan idagdag mo pa 'yung umiikot na paligid sa paningin niya. Ayon, sa loob ng cr ay nakita niya 'yung isa niyang tropa. Nilapitan niya 'to at winisikan ng tubig sa mukha kung magigising ba.

"Hoy, Jonas. Gising, tinatawag ka ni Ms. Olocra, kung papipiliin ka raw anong gusto mong position sa Wonder Pets? Ako na sumagot para sa'yo. Ikaw yung—"

Tattoo Embedder Series: The Hidden Tattoo WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon