Note:
Please po. Kung satisfied na kayo sa previous chapters, STOP na. TIGIL na. DO NOT ENTER!
Kung ayaw niyo po sa ma-feeling, STOP na. TIGIL na. DO NOT ENTER!
Kung gusto niyo sa inyo si Kevin, gawa ka ng iyo. Hahaha.
Ginawa ko po ito para lamang mapag-bigyan ang aking sarili at ilang sumuporta sa akin. haha. gusto daw nila si Misty at Kevin eh...
Kurusoji... this is for you! haha.
yung sinabi mo ah?? reresbakan natin yung papatay sa'kin dahil dito!!!
So here goes nothing...
10th chance --- Ka-FEEL-ingan ♪
"Huy!"
Napamulat ng mata si Kevin nang tapikin ko siya.
"Kung saan saan ka nagpupupunta. Ano bang meron dito?" tumingin-tingin ako sa paligid para tingnan kung ano bang pinuntahan niya dito.
"H-ha? Anong dito?" nagtatakang tanong niya. "Teka, nasaan ba ako?" dumiretso siya ng upo sa bench at pinagmasdan din ang paligid.
"Anong nasaan ka? Dali-dali kang lumabas ng kotse kanina tapos maglilitanya ka ng ganyan?" Hindi kaya nababaliw na ito? Kinakausap din niya ang sarili niya kanina eh.
Umupo na lang ako sa tabi ng niya.
*crack*
"Ay! Ano yun?" napatayo ako ulit at tiningnan ang bagay na naupuan ko. "Bakit meron lollipop dito? Sa'yo ba to?" pinulot ko yung lasog ng blue na lollipop. Agad naman niyang inagaw yon.
"Naaalala ko na! Si Misty? Nasaan si Misty?"
"Nagka-amnesia lang? Hay nako, Kevin. Saka sinong Misty?" wala naman akong kilalang Misty eh. "Bagong chick mo?" Baka naman nakakilala agad ng babae ito dito. Hanep! Habulin talaga.
Napalingon naman siya sa sinabi ko.
"Yun din ang sinabi mo nun!"
"Ha?"
♪♫ If you change your mind (take a chance, take a chance...) ♪♫
Sasagot sana si Kevin ng mapahinto ito ng may marinig silang kanta sa di kalayuan.
♪♫ I'm the first in line
Honey I'm still free
Take a chance on me ♪♫
Mukhang babae yung kumakanta. Ang soft ng boses eh. Medyo... wala lang sa tono.
♪♫ If you need me, let me know, gonna be around
If you've got no place to go, if you're feeling down ♪♫
Napatayo na si Kevin sa kinauupuan niya.
"Parang pamilyar yung kanta..."
Nagsimula na siyang maglakad papalapit sa kinaroroonan ng boses na yun.
BINABASA MO ANG
♪ Take A Chance ♫ (Voiceless FanFic)
Fanfic"I'll give you a chance, Kevin, na baguhin ang naging desisyon mo, Na baguhin ang takbo ng storya niyo ni Momo. Would you, take a chance?" [The original story is not mine... Fan Fiction lang po ito ng Voiceless♪ ni HaveYouSeenThisGirL/Ate Denny ♥]