Eleven

123 8 0
                                    

Chapter Eleven



Azaleah's POV

Late ako nagising. Kaya nagmamadali na akong maligo at magbihis. Hindi ko ata narinig ang alarm ko.

Bago ako lumabas ng kwarto ko, tinignan ko ang alarm clock ko. Haysss, hindi pala siya nakaset.

Nagmamadali akong pumunta sa announcement board. Ngayon ipopost ang results sa exam kahapon. Bago man ako makarating dun, marami ng bulong bulungan na may lima daw na nalaglag sa top 10 ng academy.

Pagdating ko sa board may limang na lalaki at isang babae ang naiwang nakatunganga sa board.
Hindi ko na lang sila pinansin at agad na tumingin sa board.

Peculiars Ranking

1. Kiara Levinne
2. Bryle Angeles
3. Azaleah Cy
4. Thenard Dimefrete
5. Hazel Seville
6. Mike Henderson
7. Shine Gene
8. Wendy Kyro
9. Derene Senire
10. Alphabet Gener
Then so on...

"Haysss, hindi na naman sineryoso ni Axel ang test." Napatamapal na lang ako sa mukha.

"Oh, ate. Anong nangyari sayo?" Tanong ni Mike ning nakarating siya sa tabi ko.

"Si kuya Axel kasi di na naman sineryoso ang exam," sagot ni Hazel sa tanong ni Mike.

"Hayaan niyo na si kuya. Matanda na yun alam na niya ginagawa niya. Hahaha." Ang saya-saya ng umaga niya ahhh.

"Tsk." Napalingon kami sa likod dahil sa asik. Nang makita kung sino, tinignan ko naman si Mike.

Hahaha! Namumutla ang buang! Ayan di kasi nag-iingat.

"K-kanina ka pa ba dyan k-kuya?" Namumutlang tanong ni Mike. Hahaha.

Hindi na siya sinagot ni kuya at naglakad na paalis. Sumunod naman kami agad sa kaniya.

Pero hindi pa man kami nakakalayo, napalingon ako sa anim na taong nasa harap pa rin ng board. Hindi ba sila makamove-on? Pamilyar din ang mga mukha nila. Hindi ko lang maalala kung saan ko sila nakita.

"Saan tayo pupunta?" rinig kong tanong ni Mike nang makaabot ma ako sa kanila.

"Cafeteria tayo," aya ko sa kanila.

"I'll be in the library," napalingom naman ako sa sinabi ni Axel. Haysss, mag-aaral na naman ba to?

"Sige kuya."

Lumiko na siya agad kaya nagpunta na kaming cafeteria. Malayo pa kami sa cafeteria ay rinig na namin ang ingay. Napailing na lang ako.

Pero ang nakakagulat ay iba ang inaasahan kong scene sa cafeteria sa nakikita ko ngayon. Akala ko mga maiingay lang na estudyante pero hindi. Bukod sa may nag-aaway, magulong cafeteria, maraming sirang gamit, basang sahig, at higit sa lahat, mga lumilipad na gamit ng cafeteria.

"Sh*t! Am I dreaming?!" Yun lang ang nasabi ko at nabato na ako sa kinatatayuan ko.

"Ano ang nangyayari?" reaction ni Hazel na hindi rin makagalaw.

"Wew! Magic!" Masayang puri naman ni Mike.

*prrrrttt!

Isang pito ang nagpatigil sa kanila ay sa lahat ng mga taong nagpupustahan sa loob ng cafeteria. Doon lang rin kami ng nakagalaw ng maayos.

Napagilid kami ng dumaan amg tatlong estudyante na naiiba ang uniform. Unti-unting nagiging black ang white polo ng mga lalaki at ganun din kay Kiara na nagkaroon na rin ng coat na navy blue.

Ang kaninang ingay ay napalitan ng mga bulungan. Pero rinig na rinig pa rin naman. Haysss.

*gasp...

Napalingon kaming tatlo sa mga tao sa likod namin. Nakatingin sila sa amin tatlo. Unti-unting nagiging parehas na rin ang uniform namin sa tatlong kakapasok lang.

Mas lalong lumakas ang bulungan dahil doon. Bat nagkakaganito ang uniform namin? Nagpapanick na ako sa isip ko nang hinawakan ako sa bewang ni Mike at tinapik ni Hazel.

Napakalma agad ako nun. Dahil sa bulungan, napunta sa amin ang atensiyon nina Kiara, ang Peculiars. Lumapit sila sa amin.

"Hmmm. Since you're one of the Peculiars, may I ask what happened in here my lady?" tanong sa akin ni Thenard.

Mabilis na humarang naman sa harap ko si Mike ng hinawakan ni Thenard ang kamay ko. Nagulat naman silang tatlo dahil dun. Napatawa nama si Kiara pero nanatiling nakablank face si Bryle.

Oo, kilala ko silang tatlo. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa 3 Star Peculiars ng academy na ito? Well, may kilala pala akong isa.

"Sorry pero wala kaming alam. Kakarating lang rin namin," sagot ni Mike sa tanong ni Thenard. Tumawa lang si Thenard at umatras na rin.

"Tsk tsk tsk. Thenard, you're asking someone not worthy of your attention." Sabat ng isang babae sa kabilang dulo ng cafeteria.

Kasama ng babae ang tatlo niya pang kasama. Parehas kami ng uniform. Ibig sabihin kasama rin sila sa Peculiars. Kilala ko rin sila. Sila ang rumored most bully sa academy, ang Sisters.

"Hindi nila nakita ang nangyari pero alam namin kasi kanina pa kami nandito." Pagmalaki ni Wendy.

"Tsk. Kanina pa pala kayo nandito pero hindi niyo man lang pinigilan?" Bat parang galit na ngayon si Thenard. Bipolar?

"Ano magagawa namin ehhh, ang sarap nilang panuorin ehhh," stupid answer ni Derene.

"You know what you can do yet you did nothing. You will be despised by our class." Napairap naman ang babae.

Napagasp ang mga tao sa paligid ng biglang nawala ang mga kasama ko ganun din ang kasama ni Kiara at ni Shine ang leader ng Sisters. Tss. Ngayon lang ba sila nakakita ng ganyan?

"Hinding-hindi kayo makakatakas samin," sabi ni Thenard sa dalawang lalaki na nag-aaway kanina.

"Yeah right," sabat naman ni Derene.

Nanahimik na lang si Mike at Hazel. Bumalik na lang rin sila sa tabi ko ng tahimik.

"Aba!/Walang hiya!/Kuya!" Reakyon namin ni Kiara at Shine.


Kiara's POV

Patuloy lang sa paglakad ang lalaki sa gitna ng cafeteria. Kahit na may nangyayaring pagbabangauan ay hindi niya pinansin, kahit na ang sita namin sa kaniya.

Nahawi ang mga nakikiusyoso ng dahil sa patuloy lang siya sa pagmamahal. Hahaha! Meron palang nobody ang makakapaghawi ng crowd. Now that's interesting.

Nagkibit-balikat lang ako at binaliwa lang yun. Nagpokus na lang ako sa mga nanggulo kanina.

*clap! clap!

"Okay, the show is over. You may now go back to your own business." Tinignan ko relo ko. "O sa classroom niyo."

"Kami na ang bahala sa mga 'to. Mag meeting na lang tayo mamaya sa Peculiar Room," sabi ko sa Sisters tsaka sa bagong miyembro ng Peculiar.

What a day!



→→→→→→→→→→

A/N

I think it's a lame update tho I hope you loved it.

Haysss...

~BlackSute


Peculiaris Academia (Slow Update)Where stories live. Discover now