Seven

135 8 0
                                    



Chapter Seven

Axel's POV

"Who's doing this?" Our teacher seriously asked. She held out her laptop at iniharap iyon sa amin.

Kita dito ang logo ng school. May mga letra din duon na nakasulat sa latin. Nagsaslide pa ang mga ito papunta sa iba't-ibang direksiyon.

Lumapit siya sa mga estudyanteng nasa harap at may iginalaw na kung ano man sa laptop ng mga ito. Matapos, tumayo ulit siya at pumunta sa harap. Mukhang nadismaya siya sa nakita.

"Kaninong mga laptop ang hindi na hack? Please raise your hands," she asked.

The four of us raised our hands. She nodded a little. At nagtanong ulit, "Sino sa inyong apat ang nakagawang ihack ang system ko?"

I was about to stand when someone yelled, "Ako po!" Napatingin ako sa nagsalita. Isa siya sa mga hindi makagalaw kanina at walang ginagawa.

"Owww? Really? Sorry girl, you can't lie in front of me." Nahihiyang umupo ang babae. This teacher is really straight to the point. Well, you can't get what you want if you'll be so pathetic.

I stood up to take the blame. Napatingin ang lahat sa akin. Ang mga tinging naglalaman ng mga halo-halong emosyon.

Tinignan ko ang guro namin dahil nagsalita siya ulit, "You too? Kakasabi ko lang kanina na kasama sa grado niyo ang attitude niyo. Hindi ba kayo makaintindi?"

Napangisi ako sa mga sinabi niya. Medyo natigilan siya at nagtaka siya sa inasal ko kaya napiling na lang ako. Hindi pa rin ako umupo sa kabila ng mga sinabi niya. Sorry, I'm not a kind of person you can step on.

Nanahimik lang ako at nanahimik lang din siya. Wala ni isa sa amin ang nagsalita. Kahit na ang mga tao dito sa loob ng classroom ay tahimik at pabalik-balik lang ang tingin sa aming dalawa.

"Hahaha! You're an extraordinary kid," she commended.

Nagtaka ang mga kaklase ko sa inasal ng teacher namin. Napailing na lang ako. She laughed again, a loud one.

"Thank you, you may take your seat now," sabi niya sa akin.

Pagkaupo ko, nagpalakpak sa akin ang aming guro kaya nagpalakpakan na din ang mga kaklase ko. Napangiti lang ako sa ginawa nila.

The class continued then. Nagsimula kami sa mga basics ng computer. Introduction lang ng tungkol sa computer gadgets' system ang tinuro niya.

The one and a half hour hacking class ended. Umalis na ang mga kaklase ko habang ako nililinis pa ng aking nga gamit. Paalis na ako nang may tumawag sa pangalan ko.

"Axel," napalingon ako sa teacher namin. Nananatili siyang nakatingin sa laptop niya kaya napakunot ako ng noo.

Sa pagkakaalam ko, hindi kami nagpakilala at hindi ko manlang binanggit ang pangalan ko kahit na kanino. Ang creepy talaga ng teacher na'to.

"Po?" Napatingin siya sa akin. Nakangiti siyang nakatingin sa akin.

"I want to introduce myself. I'm Jakleen, your hacking teacher." She smile at me.

Peculiaris Academia (Slow Update)Where stories live. Discover now