Three

243 11 1
                                    


Chapter Three

Axel's POV

"Hmmm," I moaned as I woke up from my sleep.

It was almost 8 am when this van fetched us from our boarding house. It was a quite a shock to learn that they know where we leave yet, we haven't told them. But, as we look at it, they might have been got our address from our school files.

I looked out the van and saw nothing but trees. My instinct took over my body and immediately pulled out my throwing knife from my sock. I went his neck ready to pierce the knife on the driver's neck.

"Woah there. Ang agresibo mo naman 'pre. Nakakamatay 'yan," he said. He didn't even flinch by my move. It made me furrow in question why?

I ignored his words and asked, "Where are you gonna bring us?"

"Hahaha. Easy ka lang. Sa academy siyempre. Hindi ba nasabi sa inyo ni Lyza?" Napakunot lang ako ng noo at mukhang nakita niya yun.

"Tsk tsk tsk, mukhang hindi nga. Nakatago ang academy malayo sa mga tao kasi pili lang ang nakakapasok dito at iilan lang rin ang nakakaalam neto," paliwanag niya. "Ngayon, alisin mo na ang patalim na 'yan sa leeg ko dahil nagdadrive ako dito. Ayaw mo naman siguro madisgrasiya tayo, diba?"

Doon ko na inalis ang pagkakatutok ko sakaniya ng kutsilyo pero nanatili pa rin akong alerto. Maya-maya, nagising na rin ang tatlo at napatingin din sa paligid nila.

"Oh my gosh! Kuya! Saan mo kami dadalhin?! Wag po kuya! Bata pa po ako!" Nagulat naman kami sa reaksiyon ni Hazel kaya nabatukan siya ni Mike. Magkalapit sila eh. "Aray, naman!"

"Anong pinagsasabi mo diyan?!" sabi sa kaniya ni Mike.

"Kasi naman ehhh, nasa gubat tayo. Tyaka alam mo ba kung ano ang ginagawa sa mga babaeng dinadala sa gubat sa mga movies? Oh Gosh! Kuya, wag po! Wag mo po kaming patayin!" Napahinto ang sasakyan pagkatapos yun sabihin ni Hazel.

"Hahaha! Ano bang pinag-iisip niyo? Kumain na lang kayo dyan. May softdrinks dyan sa ref kung gusto niyo." Umandar na ulit kami.

Huwag mong sabihin na ito na ang academy. Sa itsura nito mapagkakamalan mo talagamg kid-napper ang driver na'to eh.

Binaba ng driver ang bintana niya at may hinawing mga dahon. Isang telecom ang nakatago sa likod nun. May sinabi ang driver doon. Pagkatapos, automatikong nagbukas ang lumang gate. Rinig na tinig pa ang tunog ng kalawang habang bumubukas 'to. Biglang may blue na ilaw ang parang nagscan sa buong sasakyan habang dumadaan kami sa gate.

Okay, anong nangyayari? Pagkapasok namin ng gate, bumungad sa amin ang isang maliit na city. Halatang abandonado na dahil may mga damo na ang mga pader. Tumigil ang sinasakyan namin sa harap ng parang nasunog na building.

Biglang nagsalita ang driver, "Pumasok kayo sa loob at pumunta sa likod ng building. Makikita niyo dun ang malaking gate na may mga estudyante ding naghihintay."

Tinignan ako ng mga pinsan ko. Tinanguan at nginitian ko lang sila. Medyo nawala din ang pagkasensitibo nila dahil dun.

"Salamat po," sabi ko dun sa driver nang makababa na kami.

"Kuya, natatakot ako. Nakakatakot dito," sabi ni Hazel at napakapit sa damit ko. Nginitian ko siya para maging kalmado.

"Ano ka ba? Manahimik ka nga. Ang amazona mo tapos natatakot ka?" sabat naman ni Mike.

"Eh bakit? Ikaw, hindi ka natatakot?" sabt din ni Hazel.

"Hindi."

"Eh bakit ka nakahawak sa damit ni ate Azaleah?"

Peculiaris Academia (Slow Update)Where stories live. Discover now