Love Team <3
Hindi ko alam kung bakit, pero sa dinami rami ng tao dito sa mundo, ikaw ang napili ko.
Nagustuhan kita, minahal kita. Pero, sa isang idlap..
Ang sakit.
Tinuruan mo akong magmahal, tinuruan mo rin akong masaktan.
Bakit ang kumplikado mo? O sadyang pag-ibig yung kumplikado? Ang hirap.
Hindi kita kilala nun, 'di ko alam ang itsura mo, 'di ko alam ang pangalan mo..
Sa madaling salita, hindi tayo magkakilala..
Pero, sa isang pagkakataon, it turned out na mahal na kita..
"Ah, oo, siya yung tranfer student, 'di ba?" tanong ni Ana.
Best friend ko siya na may gusto sa isang tranfer student sa section namin.
"Siya ba? Ano nga uli ang pangalan niya?" tanong ko naman.
"Ano ka ba naman, Kaylie? Ikaw lang yata ang hindi nakakakilala dyan sa gwapong transfer student na 'yan eh."
"Pasensya, 'di ko talaga siya kilala eh.." Sa totoo lang, wala naman talaga akong balak na kilalanin yung transfer.
"Marvin.." saad ni Ana.
Ang mga salitang binitiwan ko ay ang napakalaking bagay na pagkakamali ko.
Sabi ko sa sarili ko na 'wala akong balak na kilalanin ang transfer na 'yan'.
Pero, heto ako ngayon..
Napapaisip sa bawat salita ng mga kaibigan ko..
"Ah, talaga? Baka nahihiya pa siya?" tanong ni Ana sa iba pa naming kaibigan..
Nandito kami ngayon sa Canteen, nag-uusap-usap ng kung anu-ano.. Actually, sila lang talaga ang nag-uusap, tahimik lang akong nakikinig at kumakain..
"Oh? Baka nga nahihiya pa siya.. Pero, 'di ba dapat hindi siya nahihiya dahil lalaki siya?" tanong naman ni Carla.
Sabay sabay kaming tumingin sa kanya ng may halong pagtataka. Ano naman ang koneksyon ng pagkalalaki niya sa hiya?
"Uhm, kasi 'di ba ang mga lalaki ay makakapal ang mukha, Mr. Friendly sa mga girls, walang hiya?" biglang bawi naman niya. "Unless, bading siya."
Bakit nga kaya hindi masyadong pala-kaibigan 'tong si Marvin na 'to? Bading nga kaya siya?
Natapos na ang break time, klase, hanggang ngayon yun pa rin ang pinag-uusapan nila.
Bakit ang lakas ng hatak niya sa mga kaibigan ko?
Hanggang sa matapos ang araw, linggo, maging buwan. Curious pa rin ako sa pagkatao nitong si Marvin..
Hindi kami nag-uusap, hindi rin kami nag-iiwasan. Parang 'A Total Strangers' kami sa isa't isa.
Hindi pa siguro ako nag-eexist sa paningin niya. Pero, ako, pansin ko na existence niya.
Haay, bakit mo ba pinapagulo ng ganito ang isip ko, Marvin?
Nakakatuwa kasi may mga kaibigan na siya ngayon. Hindi na siya yung transfer student na uupo lang sa isang tabi at makikinig sa mga nag-uusap. Ngayon, isa na siya sa mga umuusap.
Nakakapagtaka nga kasi sa dami na niyang naging kaibigan, 'di ako naging isa sa kanila.
As in 'No talk, No galnce', siguro nga 'di pa ako ganun nag-eexist sa kanya.
Nakakalungkot isipin na sa mga panahon ngayon parang ako yung transfer student. Pati ang mga kaibigan ko ay palagi nang kasama si Marvin.
Feeling ko tuloy, inagawan ako ng kaibigan ng isang transfer student.
Pero, 'di bale nalang. Parang ang selfe\ish ko namang iisipin.
"Marunong ka bang mag-DoTa?" tanong ng isa sa mga classmate namin.
Tumango at ngumiti lang si Marvin. Na ang ibig sabihin ay oo.
"Cool.." sabay sabay na sabi ng mga kaibigan ko habang patuloy na nakatingin kay Marvin at nakapangalumbaba pa.
Nandito lang akong nakikinig sa usapan nila. Wala namang gustong kumausap sakin eh. Mas gusto pa nilang kausap 'yung si Marvin.
No hi, no hello. 'Di masyadong kapansin pansin ang existence ko.