Days are passing through fast. And my feelings are growing so fast.
Hindi ko alam na mahuhulog ako kay Marvin ng ganun kabilis. Feeling ko tuloy, ang sama sama kong kaibigan kay Ana.
Pero, 'di ko naman talaga sinasadya na ma-fall eh.
Ikaw ba naman ma-link kay Marvin na halos araw-araw ay nagpapanggap na maging sweet sakin para lang pakiligin ang mga babae sa paligid.
Once nga, sa mga nakalipas na araw, dinalhan niya ako ng tatlong pulang rosas. At ibinigay niya ito sakin sa harap ng maraming tao.
'Yung iba, kinilig at sinabi pang 'sweet si Marvin'. 'Yung iba naman, nainis at nagalit. Ewan ko nalang kung bakit.
Nung inabot ko na ang mga ito at inamoy pagkakuha nito, doon ko lang nalaman na peke lang pala ang mga rosas.
Alam ko namang nagpapanggap lang siya pero ang buong akala ko kasi na totoo talaga 'yung mga rosas.
Pero, aaminin ko, kinilig ako sa ginawa niya kahit papaano. Kahit sino naman sigurong babae ang bigyan ng bulaklak (kahit peke) ng taong gusto niya ay kikiligin.
Dahil alam naman namin pareho na pagkukunwari lang ang ginagawa namin, pero, bakit niya kailangang gawin ang mga bagay na 'yun kung hindi ako mahalaga sa kanya?
Sa mga iniisip at sa mga bagay na nabubuong konklusyon sa utak ko ay ang dahil ng unti unti kong pagkahulog sa kanya.
Binibigyan niya ako ng motibo na mahalaga rin ako para sa kanya.
Minsan nga, iniisip kong may gusto na siya sakin dahil sa mga motibong pinapakita niya.
Alam kong masakit at mahirap mag-expect. But, how can I stop expecting if motives are given?
Naging busy na ang lahat nung mga nakaraang araw, dahil sa pag-aasikaso sa mga booth para sa FebFair. At ngayon na mismo iyon.
Kaya naman hindi na kami masyadong nagkikita at nagkakausap ni Marvin dahil sa pagiging busy niya.
Napagplanuhan kong nagyon ko sasabihin kay Marvin ang tunay kong nararamdaman para sa kanya.
Nagsimula na akong maglakad para hanapin siya.
Ilang sandali pa ng paghahanap ay nakita ko rin siyang nakatayo malapit ssa marriage booth.
Para bang may hinahanap siya at tila ba hindi siya mapakali?
Palingon-lingon siya kaliwa't kanan. Sino namna kaya ang hinahanap niya?
Nang malapit na ako sa kanya ay may biglaang babaeng lumapit sa kanya.
May sinabi ang babae na ikinalukot ng mukha niya. May sinabi siya rito at lumingon.
Sa paglingon niya ay nakita niya akong nakatayo. Ngumiti siya, "Hi Kaylie!"
Hindi ako makapagsalita. Tila ba may bumara sa lalamunan ko at walang boses ang lumalabas sa bibig ko.
Lumapit ako sa kanya. Sa bawat paghakbang ko ay bumibigat ang pakiramdam ko. Para bang ikamamatay ko ang gagawin ko.
"Eto na, malapit ka na. Kaya mo 'yan Kaylie." pabulong kong sabi sa sarili ko.
Hinahanda ko na ang sarili ko para sa magiging reaksyon niya. Ano nga bang magiging reaksyon niya? 'Wag naman sana niya akong iwasan.
"May sasabihin ako sayo." sabay naming sabi.
"Ikaw na mauna." sabay uli kami.
Natawa kaming parehas dahil sa sabay lagi naming pagsasalita.
Pero, sabay din kaming natahimik sa pagkapit ng isang babae sa braso niya, si Ana.
"Tara na kasi!" hila ni Ana kay Marvin.
"Sandali, may sasabihin pa si Kaylie." pagpigil ni Marvin. "Ano yung sasabihin mo?" tanong niya sakin.
Napailing ako sa mga nakikita ko. Ang sakit. "W-wala.. N-next time nalang.."
"Tara na." at umalis na silang dalawa sa harap ko.
Iniwan nila akong nakatayo doon na nasasaktan.
Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa harap ng 'altar' ng marriage booth.
May pinasuot sa kanilang dalawa at may binigay pang bulaklak kay Ana.
Ang sakit talaga.
Ang sakit palang magmahal. "Marvin.."
"Mahal kita.."
Kasabay ng pagsabi ko nun ay ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko.
