***

9 1 0
                                    

After sometime, natutunan kong kausapin si Marvin. 'Di ko alam kung anong masamang espiritu ang sumapi sakin at naisipan kong gawin 'yun.

Nasabi ko kasi kay Ana ang lahat ng naramdaman ko nung mga times na magkasama sila ni Marvin.

Kaya ginawan niya ng paraan.. at heto, magkakasama kami ngayon. Well, except kay Marvin na may laro ng DoTa ngayon.

Wala kaming magawa kaya napagtripan namin ang bote ng mineral, maglalaro kami ng spin the bottle.

Unang spin palang kay Ana na agad tumapat ang bote. Nag-isip ako ng pwedeng iutos sa kanya.

At ilang sandali lang tumayo ako at kinuha ang gulaman niya at kumuha ng toyo na nakita ko lang kanina.

Naglagay ako ng toyo sa gulaman niya atsaka ito ibinigay sa kanya, "Inumin mo."

Nagulat yata siya sa ginawa ko pati na rin ang iba pa naming kalaro.

"S-sigurado ka?" tanong ni Ana sabay gulp.

Natawa naman ako sa naging reaksiyon niya, "Konti lang naman ang nilagay kong toyo ah?"

Pumikit siya at sinimulan nang inumin ang gulaman. Pero, hindi niya ito naubos dahil agad siyang tumayo at lumapit sa lababo, "Ang pangit ng lasa!" sigaw niya.

Natawa nalang kami.

Second spin, third spin, fourth, fifth, sixth hanggang sa hindi ko na mabilang kung nakakailang spin na.

Kumain ng sili. Pinagsayaw ng dirty dance. Pinaghubad ng mga gamit na suot. At kung anu-ano pang dare. Lahat si Ana ang nag-utos.

Pero, kahit isa dyan ay 'di ko pa nagawa. Dahil kahit minsan hindi naman tumapat sakin 'yung bote eh.

"Ayoko na! Ang daya! Bakit hindi ka tinatapatan?" pagmamaktol ni Ana sakin. "Hindi ako makaganti."

Nagkibit-balikat lang ako. Dahil kahit ako mismo ay hindi ko alam kung anong swerte ang meron ako.

"Ganito nalang.. Ikaw na ang last na gagawa ng dare." saad ni Carla. "Sabihin mo kay Marvin na gusto siya ni Ana."

Nagulat ako sa sinabi ni Ana. Bakit naman 'yun pa? 'Yun na yata ang pinakamahirap sa lahat eh.

"Wala dito si Marvin." pagdadahilan ko. Baka sakaling palitan ang dare na binigay sakin.

"Hoy! Bakit naman feelings ko pa?" sigaw ni Ana.

"Para makaganti kami sayo!" binaling ni Carla ang tingin sakin. "'Yun na ang una kong nasabi, bawal nang palitan. Bukas mo 'yan gagawin. At kung hindi mo 'yun gagawin, lahat ng ginawa namin ay ipapagawa namin sayo."

Sa tingin ko, mas gusto ko pang sabihin kay Marvin ang nararamdaman ni Ana kesa naman gawin ko ang lahat ng dare na ginawa nila.

Kinabukasan, paggising ko palang kinakabahan na ako.

Pero, pinagpatuloy ko pa rin ang araw ko kahit n kinakabahan ako.

Mabilis akong nakarating sa room at naupo ng maayos.

Paano ko ba gagawin ang dare ko?

Baka naman magalit sakin si Ana kung gagawin ko 'to?

Kahit kasi kaibigan niya lang ako, wala pa rin naman kasi akong karapatan para sabihin kay Marvin ang nararamdaman niya. Wala akong karapatan para pangunahan siya.

Pero, bahala na.

Hanggang sa magbreak time na, umaasa pa rin s=ako sa salitang bahala na.

Naghintay pa ako ng ilang sandali at tamang pagkakataon para lapitan si Marvin.

Sinigurado ko ring mapapanood ng mga kaibigan ko ang gagawin ko. Ayoko namang maging epic fail 'to.

Nakita ko namang may kausap pa siya, kaya naman naghintay akong umalis ang kausap niya bago ako lumapit.

"Oy, ikaw pala, Kaylie. MAy kailangan ka?" tanong niya.

Lumingon ako sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko at nakita ko namang sumenyas na sila na gawin ko na.

Tiningnan ko uli si Marvin tsaka sinabi na, "May gusto sayo si Ana."

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko base sa naging reaksiyon niya.

Pero, mas nagulat ako sa ginawa niya.

Pinisil niya ang magkabilang pisngi ko at saka ako inakbayan at pinisil ang balikat ko.

Friendly akbay... yata?

"Ikaw talaga.. Haha, muntik na akong maniwala sayo."

Kagulat-gulat ang naging reaksiyon niya. Pero, nagpahiwatig ba ako na biro lang ang lahat? Paki-explain nga?!

Mas nagulat ako sa ginawa ng mga kaibigan ko. Kaya naman sabay kaming lumingon sa kinaroroonan nila.

Lahat ng classmate namin ay nakatingin samin. At.. sabay sabay silang nag-'Yiiee'.

May mas ikagugulat pa  ba ako?

Hindi ko alam na sa simpleng pag-akbay niya ay ang naging dahilan ng pagkalink namin sa isa't isa.

Letseng spin the bottle 'yan! Sino bang nagpauso niyan? Mapatay nga!

Ang buong akala ko pa naman ay maniniwala si Marvin na may gusto sa kanya si Ana. 'Yun pala, maniniwala ang lahat na may gusto kami sa isa't isa.

Peste!

Love Team ..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon