Ngayon ko lang nalaman na sobrang masakit pala talagang magmahal. Lalo na kung ang taong mahal mo ay may mahal namang iba.
Teka, may mahal nga ba siyang iba? Hindi naman siguro sila ni Ana, 'di ba?
Ako lang naman kasi 'tong nag-expect na may gusto rin sakin si Marvin eh. Kung hindi ako nag-expect, hindi naman ako masasaktan ng ganito.
Pero, kasama rin naman kasi sa pagmamahal ko sa kanya 'yung expectations eh, kaya hindi niyo ako pwedeng sisihin.
"Talaga? Aalis na nga siya?" sabi ng kaibigan ko.
Aaminin kong namimiss ko na ang pagka-link ko kay Marvin.
Simula kasi nung 'kinasal' sila ni Ana dun sa marriage booth eh parang namatay na yung 'Kay-Vin LoveTeam' or 'Mar-Lie LoveTeam' kaya naman nakakamiss talaga.
"Ang alam ko, kasama si Ana.." sabi naman nung isa.
Kamusta na kaya si Marvin? Namimiss niya rin kaya ako gaya ng pagkamiss ko sa kanya?
"Hindi naman siguro. Parang lilipat lang ng school, kelangan pang sumama ni Ana?" sabi ni Carla.
Sa sinabing yun ni Carla parang bumalik ako sa tamang katinuan. "Aalis? Sino? Bakit kasama si Ana?"
"Hindi mo alam?" saad ni Carla.
Tiningnan ko naman siya na parang gusto kong sabihin na "Nagbibiro ka ba? Kaya nga ako nagtatanong 'diba?"
"Ah.. Kasi, magtatranfer na si Marvin sa ibang school. Hindi namin alam kung kasam--"
Hindi ko na sila pinatapos pang magsalita at tumakbo na ako.
Ganun nalang yun? Aalis nalang siya nang hindi ko nalalaman?
Takbo ako ng takbo. Para bang hinahabol ako ng oras sa bawat paghakbang ko.
Iiwan na niya ako? Ganun ba yun? Ayoko siyang umalis! Please! :'(
Sa ilang minuto ng pagtakbo at paghahanap, nakita ko rin siya sa wakas.
"Marvin!" sabay niyakap ko siya. "Walangya ka, pinagod mo ako!" tapos hinampas ko siya ng mahina sa balikat niya.
"Namiss mo naman ako!" saad niya.
"Marvin, Girlfriend mo nakatingin. Behave ka lang daw." sabi ng kaibigan niya.
Napahiwalay ako sa yakap dahil sa narinig ko.
"Girlfriend? Sino?" Gusto ko sanang itanong sa kanya kaya lang wala akong lakas ng loob para magsalita.
Parang nauubusan ako ng hininga dahil sa narinig ko. Ang sakit na naman nung puso ko.
"Marvin, mahal kita. Simula palang nung ma-link ako sayo. Mahal kita, Marvin."
Tapos pinunasan ko ang unang luha na bumagsak mula sa mata ko ngayong araw na 'to. Tapos tumawa ako ng peke. Medyo mabigat na ang paghinga ko.
"Umiiyak ka ba? Okay ka lang?" hinaplos niya ang magkabilang pisngi ko.
"Marvin, si Ana, ang sama na ng tingin sayo."
Patuloy lang niyang hinahaplos ang mga pisngi na tila ba wala siyang naririnig sa paligid.
"Pasensya na.. Sorry.. sorry.. Hindi ko sinasadya, sorry." nagsosorry siya kahit hindi ko alam kung bakit.
"Ang tanga ko." dinikit niya ang noo ko sa noo niya habang nakatitig kami sa mata ng isa't isa.
"Kung alam ko lang.. dapat hindi na ako naging sweet sayo, kung alam ko lang. Dapat sinabi ko na syo nung una palang." huminga siya ng malalim, "Mahal din kita.."
Parang mahihiwalay ang kaluluwa ko sa sarili kong katawan dahil sa sinabi niya. Nanghihina ako.
"Pero.. Mas mahal ko siya."
Ang sakit. Sobrang sakit. Sobra nang masakit!
"K-kayo ni A-ana..?" pinilit kong magsalita kahit mabigat na yung nararamdaman ko.
"Sorry.." pang-ilang sorry na niya 'to? Potek naman oh! Buti sana kung sa simpleng sorry na yan magagamot ang sakit sa puso ko! Pero, hindi eh. Masakit pa rin talaga.
"Okay ka lang?"
Nasasaktan ako, okay ba yun?
"Okay lang.. ako."
Humihikbi na ako. Di ko na yata kaya yung sakit.
Ang sakit na ang kaibigan ko pa ang taong mahal niya.
Pero, simula't sapul pa lang naman, kay Ana naman na talaga siya eh, 'di ba?
Ako lang naman kasi ang naki-extra sa kanila.
Iniisip ko nga, na kung hindi ba kami naglaro ng spin the bottle, posible bang magustuhan at mahalin ko pa rin siya?
Hanggang sa ngayon, Marvin. Hanggang sa dulo.. Patuloy mo pa ring ginugulo ang isip ko.. pati ang puso ko.
Simula ng pagdating mo, hanggang sa umalis ka.. Gulong gulo ang isip ko sayo, Marvin.
-END ^_____^