Hah! Hah! Hah!
"Maabutan na nila tayo!! Bilisan ninyong tumakbo!!
"Saan ba kasi nanggaling ang mga nilalang na yan??!!
"Bakit kami ang tatanungin mo hindi ba dapat ikaw ang tanungin namin..dahil sayo sila nanggaling..
"parang bombang sumabog sa aking isipan ang sinabi ng babaeng kaharap ko..at nag iwan ng malaking katanungan sa aking isipan..
"sa akin nanggaling ang mga nilalang na yun na humahabol samin?? Paano?? at isa pa sino ba ang mga taong ito na kasama ko??..hindi ko sila kilala!!
"Benx..anak.. gumising ka na diyan..may dadaluhan ka pang book signing today diba..anong oras nga ulit yun?"
"mamaya pang alas diyes yun ma.."
ramdam ko ang init na pumapasok mula sa bintana ng aking kwarto..nakakasilaw ang liwanag..hudyat ng panibagong araw ibig sabihin nalampasan kong muli ang gabi gabing panaginip ko na tila eksena sa isang pelikula na patuloy lang ang pagplay sa aking isipan..at pare parehas na karakter ang aking nakakasalamuha..nakakapagtaka lang..pagdating ng umaga hindi ko maalala ang kanilang mga mukha..
"bumangon ka na diyan..anak..alas otso na ng umaga..hala't kumain ka na ng agahan at mag ayos..baka malate ka. Nakahanda na yung almusal sa baba"
"ten minutes more ma..inaantok pa ako.."
"Sige..pero wag mo akong sisisihin kapag naubos ng papa mo at ng dalawang kapatid mo yung paborito mong eggs benedict with creamy mushroom soup on the side"
biglang tumayo si benx at mahigpit na niyakap mula sa likuran ang kanyang ina..
"Ummmm!!! alam na alam mo talaga yung weakness ko ma..kaya mahal na mahal kita eh.."
"hahaha! binola pa ako ng batang ito..sige na..bumaba ka na at saluhan mo sila papa mo dun sa baba"
"how about you? di mo ba kami sasaluhan?"
"mamaya na ako kakain..liligpitin ko muna ang mga kalat mo dito sa kwarto mo.."
"Sorry about the mess ma..gabi na kasi ako nakauwi kagabi so di ko na naligpit yan..i'll do that myself..don't worry about that..let's go ahead and eat breakfast together..kaya..tara na po..please..."
"O sya sige..pero ligpitin mo itong mga kalat mo ha.."
"yes ma! I will!"
sabay na bumaba ang mag ina patungong kusina..
"Good morning everyone!!"
"O benx hija..gising ka na pala..come join us.."
"yes dad i will! pababa pa lang ako amoy na amoy ko na yung masarap na amoy ng luto ng pinakamagandang mama in the world"
"hahaha! bolera!!"
"for sure ma..ate wants something from you kaya ka niya pinupuri.."
"Meron nga! eto oh! yung favorite breakfast ko.. i thought you don't like this..bakit kayo kumakain?
"tinikman lang namin kung anung lasa"
"tinikman? e halos maubos nyo nang lahat..hahaha! iba kayo tumikim ha..hahahaha!
"kamusta pag aaral ninyong dalawa?"
"Ok lang po ate..matataas grades namin and we're still on the victoria scholarship program..
"That's good keep it up!"
"by the way ate..yung classmate ko na si molly rose she wants autograph from you...and she wants you to sign this for her.."
YOU ARE READING
The writer's mind
FantasyIsang kilalang manunulat si Clarrie Benkamina Jantzen o mas kilala bilang Benx Zephyrine sa kanyang mga librong kanyang isinulat, lahat ng kanyang mambabasa ay nadadala nya sa mundo na kanyang nilikha..maituturing siyang isang henyo pagdating sa pag...