"Ano nang balita sa pinapahanap ko sa inyo?"
"Paumanhin pinunong datenshi ngunit bigo pa rin po kaming matukoy ang kinaroroonan ng libro"
"Wala talaga kayong mga silbi!"
Gigil na kinumpas ni datenshi ang kanyang kamay, dahilan upang tumilapon palayo ang mga alagad na nasa harapan nya
Tawagin nyo si rahu madali!
dahil sa nakitang galit ng kanilang pinuno dali daling nagpulasan ang kanyang mga alagad at tinawag ang pinuno ng mga sombra na si rahu
"Panginoong datenshi pinatawag nyo raw po ako?"
"Ano nang nangyari sa pinagagawa ko sayo?"
"Alam ko na po kung saan matatagpuan ang nagtataglay ng sinumpang marka at nasa pangangalaga po sya ni arsenia"
"Sino?! ang baliw na si arsenia?! Buhay pa pala ang hukluban na iyon..nasa kanya ba ang libro?"
"Hindi pa po namin matukoy panginoon"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Pinasusubaybayan ko pa po sa aking mga alagad kung nasa kamay po ba nila ang libro..natatandaan nyo po ba noong namatay ang kasintahan ni arsenia tinangka nyang sunugin ang libro at pagkatapos po nun hindi na matagpuan ang libro..wala nang nakakaalam kung saan ito napunta kaya po patuloy natin itong pinaghahahanap"
"Kung ganon bakit pa tayo nag aaksaya ng panahon na halughugin ang lahat ng aklatan sa mundo ng an duine (tao)?"
"Ayon po sa mga veštec (oracle) may pagkakataon na ang libro mismo ang naghahanap sa l'èlu (pinili) kaya lumilitaw ito sa kung saan saang panig ng mundo ng mga an duine lalo na sa mga aklatan
"Bantayan nyong mabuti ang alaga ni arsenia..kailangan na natin ang librong iyon..bago sumapit ang ika isandaang ikot ng mga planeta kung saan magaganap ang tinatawag nilang "isang linya ng kalawakan"
Ganap ang lakas ng itim na kapangyarihan sa panahong iyan...gamit ang librong iyon maari kong gisingin ang matagal nang nahihimlay na hukbo ng kasamaan sa kailaliman ng mundong ito
Sinasabing nakatala sa libro ng kamatayan ang dasal kung paano sila gigisingin at kailangan ko ang l'èlu para maisakatuparan ang iyon..sya lang ang maaring makakita at makabasa ng nilalaman ng librong iyon..kaya madaliin ninyo ang pag iimbestiga kung nasa alaga ba ni arsenia ang libro!
"Wag po kayong mag alala panginoong datenshi..malalaman nyo po kaagad kapag nakumpirma na po namin na nasa kanya ang libro ng kamatayan"
"Mga tapat kong alagad magsilabas kayo!!"
YOU ARE READING
The writer's mind
FantasyIsang kilalang manunulat si Clarrie Benkamina Jantzen o mas kilala bilang Benx Zephyrine sa kanyang mga librong kanyang isinulat, lahat ng kanyang mambabasa ay nadadala nya sa mundo na kanyang nilikha..maituturing siyang isang henyo pagdating sa pag...