Paano ba kami na punta sa ganito?

95 6 24
                                    

Paano nga ba?

_________________

Ang bestfriend kung si Ellie ang nagpakilala sakin kay Cloyd. Si Cloyd pinsan niya na naging close ko ng dahil sa kanya.


Paano ba kami humantong sa ganito? Hmmm.

Simula nung araw na yun. Hindi na talaga kami maipapaghiwalay. Yeah, you read it right, hinding-hindi na talaga kami naipapaghiwalay. Like da, para kaya yung toko kung kumapit sakin. Tsssk!


Well, balik sa usapan.


Ayun nga, di kami maipapaghiwalay. Palagi na kaming magkasama. Akala nga nung una ni Elise na kami na. KASI, simula daw nung nakilala niya ako, di na siya tumingin sa iba. Well, kilala bilang playboy si Cloyd sa school namin. Ako din naman, nagtaka. Kaya tinanong ko siya, pero ito lang ang sagot niya,


“Nakakasawa na kasi ^___^”


Pero hindi ko iyon pinaniwalaan. Kilala ko kaya siya, kilalang-kilala. Kaya alam kung nagsisinungaling lang siya. Imagine 2years na kaming kapit tuko  sa isa’t-isa.


Bakit nga ba, di kami maipapaghiwalay?


Kasi. Kasi para sakin, ayoko siyang mawala sa paningin ko, ayaw kung mahiwalay sa kanya, I felt comfortable around him at dahil nga palagi kaming magkasama, nasanay na ako at dahil sa nasanay na ako na nandyan siya palagi parang naiiyak ako na ewan pagwala siya sa tabi ko. Pero syempre pinapauwi ko pa naman siya. Tsssk! Ibang usapan na yun.


We felt comfortable to eachother. Halos lahat ng hilig ko, hilig rin niya, kaya siguro magkasundo kami sa lahat ng bagay. Saka, parihas din kami ng mga ayaw at gusto. Kasarian lang yata ang magkaiba sa amin eh. Kaya siguro,

Hindi kami maipapaghiwalay

We like to spend more time in the cafeteria. Paborito naming kumain at syempre ang kumanta dito sa caf. Wala naman kaming pakialam sa ibang tao. Kung anong trip namin, edi trip namin, walang pakialaman!

Pero isang araw,

“Miho, Cloyd. Kayo na ba? Ayyieeeee”  tukso ni Alyana, kaklase namin. Ito kasing si Cloyd nakahawak sa kamay ko. HHWW lang ang peg namin.

“Aah, ehhh”  ano ba isasagot ko? Kami na? Eh! Kami ba? Ano nga bang meron kami?

“Sssst.”  tawag niya sakin. Kanina pa pala umalis si Alyana, kami nalang pala ang natira dito sa room. Yung mga estudyante? Ayun! NagboySCOUT

“ohhh, bakit?”

“tulala ka diyan? May problema ba?”  he asked worriedly.

“okay lang nuh! Alam mo ang O.A mo.”

“Baka kasi..”

“anong kasi?”

“Wala tara na muna sa caf....”  pagiiba niya ng usapan.


Napaisip ako bigla, ano ba kami?

ANO BA KAMI? YUNG TOTOO?

OPTIONS:

× FLING?

- grabe naman! 2years? Ka-fling? Impossible. Kung ka-fling niya lang ako, edi sana 5days or 1week lang itinagal namin.

× M.U

- wow! Grabe! M.U, tas pinakilala pa ko sa mga clan niya, i mean sa buong family niya. Same din sakin, pinakilala ko rin siya sa halos lahat ng pamilya ko. Halos, kasi di niya na kilala ang mga ibang tito’t tita ko. Yung sa kanya kasi, sila talagang lahat, nagkataon kasing reunion nila at napasama ako dun kasi date daw niya ako. Pssh!

× FRIEND

- ito ang mas grabe! Grabe naman! Sa ka sweetan namin, kaibigan lang talaga? Parang ang layo naman.

× TINURINGANG KAPATID

- ay! Ang harsh! Di naman siguro. Kung k-kapatid lang ako sa kanya? Nakikipag-HHWW ba yun? Nanghahalik sa pisnge ng walang paalam. Nangyayakap kasi KUNYARI RAW GINIGINAW SIYA. ANO? KAPATID BA  TURING NUN?!

Lastly,

× JOWA/ SYOTA/ GIRLFRIEND?

eerrrr! Ewan.


Ah, basta! Wala pa talaga akong alam. Naguguluhan pa ako. Kung,


ANO BA TALAGA ANG MERON SAMIN?

_________________

A/n

9chaps to go.

-Author*

Ano Ba Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon