Gumising ako ng maaga para maaga ako sa school. Sabay kami ulit ni Bri. Exicited ako dahil alam kong mananalo si Brian. Habang na sa school nilapitan ako ng mga girls. At tinanong kung kami na ni crush. Nandun si Aehora kaya sinabi kong oo.
Dahil dun gulat na gulat sila at nag-alisan. Kumalat ito sa campus hangang nakarating itong fake news kay Brian. Lagot ako niyan.
Hinawakan ni Brian ang kamay ko at tumakbo sa parkingan ng kotse.
"Ano nanaman kalokohan yang ginagawa mo"
"Sorry na, sorry" sabi ko sabay frown
"Sige papatawarin kita. Okay pang naman ako para wala ng umistorbong mga babae sa akin. Nasisira studies ko"
"Weh, sa talino mong yan"
"Oo"
"Okay"
"Ganito kunwari mag boyfriend girlfriend tayo, kunwari lang wag mo sabihin kay mama" sabi niya
"Talaga? Okay sige" gustong gusto ko naman
"Pero wag tayo maghawakan ng kamay yun yung pinaka ayaw ko"
"Okay"
"Gusto ko ako lang ang hahawak sa iyo"
Natulala ako sa sinabi nila
"Kilig ka naman" asar niya
Habang pabalik sa classroom hinawakan niya ang kamay ko. Nagulat sina Hannah at Mae. Tumingin ako sa kanila at sila ay kinikilig para sa akin. Nakita ni Aehora at kinausap si Brian.
"Kayo na ba!? Akala ko tayo na" sabi niya with di-marunong-magtagalog-accent kuno
"Sorry Aehora, pero kami na. May nagoown na ng heart ko" said Brian
"Oo feeler ka kasi" sinabi ko ng pabuling sa kanya habang hinihila ang wrist ko ni Brian para umalis
Iniwan na ako ni Brian dahil sasamahin pa niya ang mga friends niya at pumunta ako kina Hannah at Mae.
"Bakit hindi mo sinabi kaagad sa amin?" Sabi nila ng sabay at galit ang expression ng kanilang mga mukha
"Hindi nagpapangap lang kami"
"Ano!" Sabi Mae at tumingin kay Hannah
"Shhhhh baka may makarinig, ayaw daw kasi niyang kasama naiistorbo ng mga babae palagi"
Nagulat sila sa mga sinabi ko. Wish ko lang na sana di marinig ni Aehora yun o kaya ang mga mean friend niya. Ayaw ko sa mga kaibigan niya si Gina ang pinakamaarte at si Sophia ang englishera sosyal sosyalan.
Palagi nila ako binubully cheap daw ako, eh totoo nga mas mayaman pa ako sa kanila, di ko finaflaunt yung wealth ko kamukha nila. Yung hininga nila halatang fake. Si Sophia naman english ng english kala mo manonosebleed na ako pero hindi noh. Silang trio ay nagkakacrush kay Brian, pero sunod sunuran lang sila ni Aehorang malandi.
Ano toh mean girls!? Regina George wannabeNaiinis ako sa kanila, gusto ko silang patulan. Tandaan nila na maldita ako kaysa sa kanila at palaban ako. Ang akin ay akin ang sa kanila ay wala. Iniisip nila na sila ang nagrurule ng school pero hindi, it's the owner duh
Nakita ko nanaman sina mean girls. Syempre tumingin sila sa akin kaya She rolled her eyes sa akin. Di ko nalang sila pinansin para mag mukha akong kawawa.
Dahil tapos na ang school kumain kami ng mga bestfriend ko sa isang restaurant. Nakita ko si Brian kasama tropa niya nandoon si Aehora. Nagulat ako nung hinawakan niya ang kamay ko at pinatayo at pinakilala sa mga friends niya na ako ang girlfriend niya like the FIRST GF.
OMG kinilig ako
Pinatabi niya ako sa kanya. Naingit si Aehora at nagwalk-out, bagay sa kaniya. Umalis ako at nagpaalam sa kanya dahil sasamahan ko mga kaibigan ko. Pumayag naman siya.
Kumain na sila at kinilig ang mga besty ko para akin. Supportive much.
"Parang kayo na talaga" sabi ni Mae
"Oonga" dagdag ni Hannah
Nagsmile nalang ako sa kanila at nagorder ng sarili kong pagkain
Kumain ako ng pizza at sina Hannah at Mae ay nagorder ng frappe at burgers. Mga twinnies talaga sila.
BINABASA MO ANG
Ang Dakilang Marupok
Genel KurguIto raw ay isang storya nang kaisaisahang marupok na bayaning nagngangalan Alex. Kung gaano hindi ka HD ang cover ganun din ang mukha ni Aehorang bruha.