1.

24 1 0
                                    

Noong bata pa ko type na type ko na talaga si Brian, pogi siya at matalino pa. Maraming nagkakagusto sa kaniya pati bestfriend kong si Hannah. Hangang ngayon marami paring nagkakacrush sa kaniya except ngayon ang bestfriend kong si Hannah ay may boyfriend na. Di na daw niya bet mukha daw itlog pero no joke sikret ko lang to sa sarili ko, jowa niya yung mas mukhang itlog. Bilog ang mukha.

In love na in love na talaga ako kay Bri, dinedaydream ko siyang
kunware boyfriend ko siya tapos kinikiss niya ako sa noo at hihuhugg niya ako

Wahhhhhhhhhhhh kinikilig ako

Isang araw nga pinipicturan ko siya habang nagtatago ako sa building tapos bigla niya kong nakita, lagot masungit pa man din siya. Tinanong niya ako kung ano ginagawa ko. Sabi ko nagseselfie lang ako, hinablot niya ang phone ko at nakita niya yung mga picture

Puro mukha niya, pinagtawanan niya ako at pinagsabihang stalker pero kinilig ako ng sinabi niya na magselfie nalang kami para masaya na ako, nagpicturan kami at kinilig naman ako

Si Aehora naman ang etchuserang malandi, oonga matalino siya pero malandi kaso type yata siya ni Bri palagi kong nakikita na magkasama sila, pero napapansin ko na si Aehora lang yung sumasama kay Bri pero si Bri parang walang pake alam sa kanya

Hahaha! Ang landi kase

Friend ko ang nanay ng crush ko si Tita Cyan, cyan my favorite color. Mabait si tita at supportive sa akin pati tatay niya supportive din sa akin. Palagi niya ako pinagmamalaki kay Brian. Ayaw ni Tita Cyan kay Aehora kasi daw di daw elegante ang itsura at malandi. Parang ako lang deep inside pero sa labas hindi.

Tama yan Tita Cyan kakampe talaga kita

Hangang highschool na kami, di parin niya ako type pero pinipilit parin ng puso ko na mahalin ko siya. Di ko alam dahil sobra na ang pagkagusto ko sa kaniya

Bat pa si Bri pwede naman iba, bat siya pa ayaw ko ng masaktan at umasa 🤪. Hahah never pa ako nagkaboyfriend loko loko

Isang araw naglalakad ako sa kalye at may nakita akong shooting star at nag wish ako

"Star, sana tuparin mo tong wish ko na sana mAgUsTuhAn 🤪 din ako ni Brian at matupad rin lahat ng wish ko sa buhay"

Nakita ko na ang jeep na sasakyan ko kaya umalis na ako sa lugar na iyon, nakauwi ako sa bahay at naligo

Hindi ko namalayan na nasusunog na pala bahay namin at wala pa akong damit kaya nagmadali ako at nagpanty sabay nagtuwalya na lang, buti wala si mama at papa dahil nagtatrabaho pa sila kundi baka wala na sila ngayon

Tumakbo ako at nagulat, biglang dumating sina tita Cyan at parents ko. Bigla kong nakita si crush

Pumunta daw sila dahil nakita nilang may usok malapit sa amin.

Nakakahiya kasi nakita ni crush na naka tuwalya lang ako pero pinatong sa akin ni Bri ang cardigan niyang black na sobrang bango amoy lavander. Inuna ko pa yung landi noh kaysa sa pag-aalala sa bahay namin

Kinilig ako na nalungkot dahil nawala ang mga ariarian namin pati ang maganda naming bahay

Inalok ni tita Cyan na tumira muna kami sa bahay nila at pumayag naman sina mama at papa dahil wala na kaming matuluyan

Sinabi ni tita Cyan na doon daw ako kwarto ni Bri, nagalit si Bri  dahil ayaw daw niya ko patulugin sa kwarto niya dahil dun pinagalitan ni Tita Cyan si Bri

Hahahaha wala kang kawala

Pero si Bri ay matutulog sa walk in closet niya, tatangalin nila ang mga damit at mga cabinet and hanger at lalagyan ng furniture dahil malawak naman itong closet. Aba sosyalin lahat naman ng Wattpad story ganyan puro mAyAmAn. Edi gagaya nalang. Sabi nga ni Bon Jovi "It's My Life"

Ang Dakilang MarupokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon