2.

18 1 0
                                    

In Brian's house

"Ang ganda ng interior" sabi ko sa utak ko. Ang ganda ang laki puro signature yung furniture parang kamukha lang ng bahay namin, pero yung interior ang bonga

Nakita ko yung kuwarto ni Bri malawak pati walk-in-closet ang ganda pero nakalagay na ang mga furniture niya

Bilis noh. Ganun kayaman, eh ang daming franchise ng business nila.

Pinahiram ako ng damit ni Tita Cyan para makapagmall kami. Damit daw niya ito ng nene days niya, in fairness feeling ko uuso pa tong mga damit na ito sa panahon ngayon.

Nagshopping kami para sa mga damit ko at iba pang kailangan bumili narin ako ng mga para sa hygiene at school supplies. Habang nagbibihis ako ng panjama nakita ko na nakabukas ang kuwarto ni Bri, nakita ko na may abs si Bri oh my goodness!

Nakita niya akong sumilip kaya sinarado niya yung pintuan ng padabog, sayang. Pagkabihis ko uminom ako ng gatas at nag-isipisip sa mga mahahalagang gamit na nasunog pati narin ang bahay namin at doon umakyat na ako para makatulog. Bigla akong na gising ng may nakita akong kakaiba. Natakot ako at nakita ko si Bri na nakasilip sa pintuan

"Halika dito" sabi ni Bri

"Okay!" Sabi kong takot

Nasa loob kami ng kuwarto niyang walk-in-closet, biglang may nahulog na isang bagay, bigla akong pumikit at nanahimik, tumingin siya sa akin at tumingin ako sa kaniya.

Biglang may narinig kaming dabog at anino ng isang tao, lalaki yata. Kinuha ko ang sapatos para itapon ito sa anino ng tao.

Si Tita Cyan pala yun at gulat na gulat at pinicturan kami ng cellphone niya

"Ma! Ano nanaman po yang kalokohan ginagawa niyo" sabi ni Bri

"Kayo ah may sikreto na pala kayo sige maiwan ko na kayo para walang storbo" sabi ni tita ng pabiro sabay sarado ng pinto

"Tulog ka na nga" sabi ni Bri ng galit

"Okay!" Sabi ko ng mataray

Habang papunta sa higaan kinikilig ako kasi tumingin siya sa akin hangang nakatulog ako

Pagkagising ko kumain ako ng breakfast kasama si Bri. Kumain kami ng salad at magaling magluto si tita Cyan dahil ang parents ni Bri ay ang mayari ng isang restaurant na nagngangalang "Spoon and Fork"

Hinatid kami ng tatay ko papunta sa school. Gulat na gulat ang girls dahil kasama ko si Bri dahil dun marami ang nagkandarapa sa akin upang maging friend nila ako pero wala parin makakatalo kila Hannah at Mae.

Habang naglalakad kami sa campus nakita ko si Aehora, nakatingin sa akin sabay irap. Sana mahanginan mukha mo, maduling kang bruha ka. Dahil nakita ko yung mga mata niya tinarayan ko din siya sabay paghampas sa buhok ko. Feeling maganda ang loko parang ako lang. Kung di siya maldita, kakaibiganin ko siya. Parehas kaming maattitude.

Gulat na gulat sina Hannah at Mae sa akin at nagtawanan dahil sa talent ko sa pagtataray, yun lang kasi alam ko pero sa studies wala. Hatdog.

Habang nasa campus nakita ko si Bri. Nanahimik ako.

"Mga best maganda ba ako ngayon"

"Oo syempre" sabi nila ng sabay

Di ko alam kung binobola lang ba nila ako o hindi. Nagulat ako noong nilapitan ako ni Brian at kinausap, sabay na raw ako sa kanya pauwi nagulat ang mga girls dahil sa pangyayaring iyon.

Pumunta kami sa sasakyan at siya na daw magdadrive kaysa tawagin pa niya yung driver sa bahay dahil matagal daw iyon dumating. Ayun umuwi kami ng maaga dahil mag-aaral pa daw siya kase kasali siya sa "Brain olympics" bukas.

Nagulat ako dahil magrereview pa siya like sobrang talino kaya niya. Nakauwi kami sa bahay at nagkulong siya sa kuwarto. Tumawag sa akin si daddy para kamustahin niya ako.

Pagkatapos nun pumunta na ako sa kuwarto ko para matulog at syempre sumandal muna ako sa pintuan ng kwarto ni Bri para marinig kung anong pinaggagawa niya.

Bigla niyang binuksan yung pintuan at nahulog ako

"Ano ginagawa mo dito?" Tawa niya

"Ay wala, wala"

"Umalis ka nga"

"Luh, baka kwarto ko to, daanan mo tong kwarto ko" sabi ko ng paasar

"Baka kwarto ko ito dati"

"Joke lang boss sige aalis na ako" sabi ko sabay alis papuntang papuntang bathroom.

Ang Dakilang MarupokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon