*Chapter 4*

2 0 0
                                    


  [Xyrone's POV]

Bumalik ako sa sasakyan ko at kinuha ang cellphone ko para tumawag sana ng pulis pero nabitawan ko agad ito ng may tumakip sa ilong ko at unti-unti akong nahihilo.

----

[Thara's POV]

Nagising ako dahil sumakit ang ulo ko at parang nahihilo pa ako.

Pagdilat ko ng mata, nakita kong nasa isang malaking kwarto ako...

Ano bang nangyayari? Paano ako napunta dito? At saka, asan ba ako? Kaninong kwarto to? Kukunin ko sana ang bag ko para kunin ang phone ko, kaso wala sa bag ang phone ko.. T-teka..

-Flashback-

Nasa parking lot ako at kausap ko si Via sa phone ng biglang may van na tumigil sa harapan ko.

Bumukas ang pintuan ng van at bumaba ang mga lalaking malalaki ang katawan.

Hinawakan nila ang magkabilang braso ko at pinipilit na isakay sa sasakyan pero pilit akong lumalaban. Gosh! Ang lalakas nila.

Sinipa ko sa 'ano' yung isa at sinuntok ko naman ang isa. Nakipaglaban ako pero bakit di nila ako nilalabanan? Tsk.

Napatigil ako ng biglang may tumakip sa ilong ko at parang...parang umiikot ang paningin ko. Nahihilo ako...

-End of Flashback-


Fvck.. Sino naman ang magpapakidnap saken? Tapos sa isang magarang kwarto pa ako dadalhin, hindi ba dapat sa mga abandonadong lugar? (Hoy, Thara! Choosy ka pa? Pasalamat ka na lang na sa magandang kwarto ka dinala. Tsk. Tsk.) Ano ba tong konsesya ko, lakas makasingit. Tss.

Nagulat ako nang parang bubuksan na ang pinto, bumalik agad ako sa kama at nagtutulug-tulugan.

----

Dumilat ako ng kaunti at nakita kong may hawak silang isang lalake na walang malay.

Wait.. I know him. Gahd! Anong ginagawa ng nerd na yan dito? Naramdaman kong pinatabi nila sa akin si nerd na tulog pa din.

Sh*t! What is he doing here?

Lalabas na sana yung nagdala sa kanya dito ng tawagin ko sya.

"Hey, bastard!" sigaw ko sa kanya.

"Yes, Miss?" magalang na tanong nya saken. Bakit ganun?

"Bakit mo ako kinidnap? Tsaka bakit nandito tong nerd na to?" tanong ko sa kanya.

"Sorry Miss, napag-utusan lang." sagot nya.

"Sino namang baliw ang magpapakidnap samin?" Haist. Naiinis na talaga ako. Di nya ako sinagot at lumabas siya. Hinabol ko sya pero sumara na ang pinto. Grrrr.

"Hey, open this fvking door!!"
"Palabasin nyo ko!" Sigaw ko pero napatigil ako ng may magsalita.

"Hey! Can't you see, I'm sleeping? Shut up your mouth!" Sigaw sakin nung nerd. WTF? Gag* ba sya!? Wala syang karapatang sigawan ako.

Kinuha ko yung unan sa sahig na nalaglag at binato ko sa kanya 'to. Agad naman syang napabangon.

"Ano bang prob-- I-ikaw? Anong ginagawa mo dito? Bakit ka andito? Ikaw ba ang nagdala saken dito?" Sunod-sunod na tanong nya saken. Grabe!

"Excuse me, di ako nagdala sayo dito. Wag ka ngang assuming. Dinala din ako nung mga baliw na yun dito." Sagot ko sa kanya.

"Ah..Eh..P-pasensya ka na. S-sorry.." pautal-utal nyang sabi saken.

"Nerd!" Tawag ko sa kanya.
"B-bakit?" -sya
"Ah..Nothing.." sabi ko at tumalikod na ako.

---

Napaupo na lang ako sa couch sa kwarto at yumuko. Ugh! Ano bang ginagawa ko dito? Pag nalaman ko lang talaga kung sino nagpakidnap samin, lagot sya saken. Grrr.

Napatayo agad ako ng may narinig akong pagbukas ng pinto.

And then, I saw....HIM, at may kasama siya.

Siya? Bakit?

----

kittymylabz  

Marrying The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon