Chapter 1: The boy next door

14 1 0
                                    

HEAVEN’S POV

“Good afternoon passengers. This is the pre-boarding announcement for flight 89B to Rome. We are now inviting those passengers with small children and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time”

Rinig na rinig ang magkabilaang mga announcement sa loob ng airport. Madaming mga tao ang nagmula sa arrival area at mga nakapila sa departure area.

.                                                                            

.

.

.

“Mommy, buti na lang umuwi na tayo. Miss ko na talaga ang Pilipinas.”

“Yun lang ba talaga? Huwag ka yun pala may girlfriend ka lang dito kaya gusto mo nang umuwi.”

“Mommy ganun po ba kaagad kapag may na-miss? Girlfriend agad? Hindi po ba pwedeng mga best friends?”

“O sige na! tama na yan anak. Ayun na pala yung bilihan  ng mga chocolates eh. Tara na, tumawag na yung Daddy mo. Kanina pa tayo hinihintay ng Lolo at Lola mo.”

*Sa bahay nila Lolo

Ang laki ng pinagbago ng bahay nila Lola! Kung dati hanggang dalawang palapag lang ito, ngayon mansion na ang tawag dito. Naalala ko pa yung mga panahon na dito ako palagi nakikitulog kasi malapit lang yung bahay ng best friend ko mula dito. Kamusta na kaya siya? Sana doon pa rin sila nakatira para makita ko yung kapatid niya---si Snow. At oo tama kayo, may gusto ako sa kanya. Kaya naman mas lalo akong nahikayat na maging best friend si Summer. Yun nga lang hindi ako pwedeng manligaw kay Snow. Hindi ko naman kasi kayang umamin sa nararamdaman ko para sa kanya dahil baka masira yung pagkakaibigan naming ni Summer. Teka nga, ‘di pa pala ako nagpapakilala. I’m Heaven Maxwell Fajardo, 17 years old. Nag-iisang anak ng may-ari ng isang resort at ospital at apo ng may-ari ng Westmore University. Sabi ng iba, napaka swerte ko kasi lahat nasa akin na. ang katalinuhan, kagandahang lalaki (sa loob at labas) at higit sa lahat, mayaman ang pamilya namin.

“Aray ko naman!” -natauhan na lang ako bigla ng may manuntok sa balikat ko at takpan ang mga mata ko.

“Bro, sorry ah. Hindi mo na ba ako kilala?” –sabi ng pamilyar na boses habang nakatakip pa rin ang mga mata ko ng kamay niya.

“Summer! Paano ba naman kita malilimutan?! Tanggalin mo na nga yang kamay mo!”

“Sabi mo eh. Baka mamaya wala akong pasalubong ‘pag nagalit ka. Ito na lang, bigyan mo ako ng hug.”

“Ano ka ba naman! Hindi ka man lang nahihiya? Pinagtitinginan na tayo ng mga katulong oh!”- pilit akong nagpupumiglas sa yakap ni summer. 

 "Ayaw mo yun Bro? Ibig sabihin, na-miss kita ng sobra. Mwah! Gwapo mo talaga!"

"Kadiri ka na! Alam mo yun?! Bakla ka na yata eh! Pero totoo naman yung sinabi mo, ganun pa rin ako. Kaya nga naging kaibigan mo ako eh diba?!"

"Oo na! Ikaw na gwapo! Kasi ako sobrang gwapo XD " –akmang yayakapin ulit ako ni Summer.

.

.

.

.

.

.

Fixing her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon