Chapter 2: The past

9 1 0
                                    

SUMMER’S POV

“Aba mukhang busy ang Unico Hijo ko ah.” -Mommy

“Syempre Mommy kailangan maganda ang maging welcome party ng best friend ko.”-ako

“Kailangan ko ba talagang sumama doon?”-reklamo ni Snow

“Oo. Kailangan nandun ka. Alam mo naming matutuwa si Heaven ‘pag nakita ka nun.” –paliwanag ko

“Bakit Kuya sa tingin mo matutuwa akong makita siya?”

“Aba Snow, Almost 8 years na! Imagine?! Hanggang ngayon ‘di mo pa rin siya papatawarin?”

“Eh sa ayaw ko eh!”

“Ikaw inuumpisahan mo na naman ako ah. Bihira mo na lang din akong tawaging Kuya!”

“Oh wait lang, hinahon Summer ah. Pero may pag-asa pa ba Snow na bumalik yung friendship niyo diba?”-Ate Spring

“Well Ate, yun eh kung mapapatunayan niyang deserving siyang magkaroon ng kaibigang tulad ko.”

“Malas naman niya…”-bulong ko

“Bagay pa naman kayo…”-pabulong din na sinabi ni Ate Autumn

“Ate kala mo di ko yun narinig ah.” –seryosong sagot ni Snow

“Snow mag-ayos ka na ng sarili mo. Pinalagay ko na din yung damit mo sa kwarto mo.” –Mommy

“Oo nga ‘lil Sis, para sabay-sabay na tayo pumunta doon.” –masayang sabi ni Ate Spring

“Okay fine. Wala na akong magagawa eh.” –walang ganang sagot ni Snow

“Hey, siguraduhin mong pupunta ka. Kung hindi, lagot ka sa akin.”-binigyan ko siya ng nakakatakot kong look

SNOW’S POV

“Ms. Snow, ayan na po tapos na. Ang ganda niyo po talaga! At dalaga ka na talaga! Parang kailan lang, naglalaro kayong magkakapatid na parang wala nang katapusan. Tapos yung Dad--- “-hindi ko na pinatapos ang pagsasalita ni Manang Celia.

“Pwede ba? Umalis ka na nga! Hindi ko naman tinatanong kung ayos na yung itsura ko ah! Tapos makikipag-kwentuhan ka lang tungkol sa mga nangyayari noon. Bakit ba pinipilit ninyong balikan yung mga nangyari noon?! Oh ano pang hinihintay mo? Alis!”

Hay! Ka-stress naman talaga! BTW, hindi na muna ako magpapakilala..kasi hindi ko pa naman alam kung papaano maipapakilala sa inyo ang sarili ko kasi ‘di ko pa lubusang kilala kung ano ba talaga ako… Next time na lang ah! Kasi naman, sa lahat kasi ng magbabalik… Bakit siya pa?! Siya ang isa sa mga dahilan kung bakit nag-iba ang tingin ko sa mundo eh! Akala ko noon, madali lang ibigay ang tiwala mo sa isang tao

Fixing her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon