Chapter 6: Where is she?

9 1 0
                                    

*After 1 month…

HEAVEN’S POV

So ayun, andito na ako sa Westmore University. Hindi lang naman college students ang nag-aaral dito eh..pati rin mga high school students..Kaya naman, makikita ko na si Snow ( ^ _ ^ ) Ang kinuha kong course ay BS Medicine …hindi lang dahil sa business namin o dahil gusto ito ni Lolo gusto ko na din kasi ito nung bata pa ako eh.

“Dok!” –may lalaking sumigaw mula sa likod ko

Kaya naman..napalingon ako

“Lingon naman XD excited na ‘tong maging doctor oh!” –Drake

“Ano ka ba Drake? Papasok ba tayo o ano?!” –Terrence

“Kitakits na lang sa uwian o kaya sa break ah!” –ako

“Sayang talaga ‘di na tayo kumpleto.” –Terrence

“Drama naman nito.” –Drake

“Sige na bye!!” –ako

Simula nang umalis si Summer, halatang sobrang lungkot namin nila Drake at Terrence. Pero ayos pa rin ang communication naming with Summer. Halos gabi-gabi kaming nagtatawagan…pero kung itatanong niyo kung kamusta na ang pagbabantay ko kay Snow, wala. Tinakasan ako. Nalaman na siguro niya na may  magbabantay sa kanya. Hinanap naming siya nila Terrence at Drake kung saan-saan…pero ‘pag nahahanap naming siya, bigla namng susulpot si Trixie o kaya naman may nangyayari sa aming masama..Yung pinakahuli nga hinabol kami ng mga aso eh…O wag niyo kaming pagtawanan! Kaya naman, ‘di na siya makakatakas…may mga CCTV kaya dito sa buong university. At sa buong buhay ko, ngayon ko lang gagamitin ang pagiging “Fajardo” ko para mahanap lang si Snow…Baka kasi mamaya nawala nap ala yun…Kainis kasi ang tigas ng ulo!

*Break time

“Bro, tara punta tayo sa Music room.” –Drake

“Eh hahanapin ko pa si Snow.” –ako

“Dun nga sila ngayon eh.” –Terrence

“Andun din yung mga taga Art class.”- Drake

“Ano naming gagawin natin sa mga taga Art Class?” –ako

“Eh kasi madaming magaganda dun.” –Terrence

“Di tulad sa Science Class…Hindi sila nagbibigay ng time para lang makipagkwentuhan.” –Drake

“Tara na nga.” –ako

Nakalimutan ko palang sabihin, sa school na ito may nga estudyante na kabilang sa science class --- Sila yung bihira lang sumali sa ECA at kadalasan puro S.I.P. lang ang inaatupag. Pero hindi lang yun iisang section mga three to four siguro..depende kung ilan yung qualify kada batch. Habang sa Art Class naman, nahahati pa yun sa drama, dance, atbp…basta related sa arts. Sila syempre yung kadalasang nagpeperform pag may mga bisita ang school..Pero, tinuturuan din sila ng mga major subjects at hindi basta-basta ang pagdidisiplina sa kanila. Yung iba kasi sa kanila, pumasok dito dahil akala nila tambay mode lang sila o kaya naghahanap lang ng “popularity”...Syempre mahigpit ang mga rules dito kasi si Lolo ba naman ang may-ari eh :3

*Sa music room

“Bro, tumutugtog ka pa rin ng piano diba?!” –Drake

“Oo” –sagot ko

“Kanta ka naman oh…unta tayo sa piano..” –Terrence

“Eh akala ko pupuntahan natin si Snow?” – ako

TERRENCE’S POV

“Eh akala ko pupuntahan natin si Snow?” –Heaven

“Oo nga pupuntahan naman talaga natin eh.” –Drake

“Pero miss na kasi naming yung talents mo eh.” –sabi ko

Syempre hindi pa kabisado ni Heaven yung mga pasikot-sikot  dito sa school kasi may mga pagbabagong ginawa yung Lolo niya. Maganda yung mangyayari… Dinaan naming kasi ni Drake si Heaven sa isang sikretong shortcut na natuklasan naming noon kasama si Summer..papunta itong stage eh…Sasabihin na lang naming ni Drake na may pader na naghihiwalay sa lecture room at instruments sa music room XD

“Teka, bakit piano lang ang nandito?! Akala ko ba may mga naglelecture dito?” –reklamo ni Heaven

“Ah kasi, siguro kinuha nung mga estudyante kasi gagamitin nila ngayon sa lecture nila.” –Drake

“Dali, kanta ka na!” –ako

.

.

.

Ayos! Feel na feel pa naman nito yung music ‘pag kumakanta..kaya lagging nakapikit ‘pag tumutugtog siya ng piano….

“Bro, alam mo naman kung saan hihilain diba?!” –bulong ko kay Drake

“Yes sir!” –Drake

SNOW’S POV

Hay naku, nakakainis naman! Kahit saan ako magpunta, ang malas ko! Nung umalis si Kuya, ginawa niyang tagabantay ko yung mga kabarkada niya! Buti na lang, nakakatakas ako..kaso ngayong school days na, alam kong ‘di lang isa ang malas ko…kasi andito yung echoserang froglet na sapilitang nagbibigay ng swimming lessons…

“Girl, tayo yung partners sa activity natin today ah!” –Art

“Ayaw ko nga! Baka mamaya ‘pag hindi maayos yung kanta ko… ihulog mo ako sa stage!” –ako

“Tsk, galit ka pa rin?”

“Oo! Ikaw ba naming muntikan nang mamatay ng dahil sa isang echoserang frog eh!”

“Sorry na….ililibre na lang kita ng damit..kahit ilan girl!”

“Hindi ako nagpapalibre no! Ako yung nanlilibre! Wag ka na ngang maingay! Hindi ko maintindihan yung lesson eh!”

“No need na ‘te! Matalino ka naman eh.”

.

.

.

Bigla na lang bumukas ang mga curtains ng stage…at imbis na magbulungan ang mga classmates ko, nag-usap-usap na lang sila sa papel na pinagpasa-pasahan. Paano ba naman kasi, napakasungit nung teacher naming sa Mapeh…Hindi ko nga mapantayan yung pagiging masungit niya eh…

“Sino siya?”

“Guys, wag niyong sabihing kakanta yan…”

“Oo nga, patay na naman tayo nito kay Ma’am!”

“Paalisin niyo na lang kaya muna si Ma’am…sabihin niyo may meeting sila sa office..”

“Hoy wag kayong ganyan! Test muna natin kung ayos boses nito.”

“Siya yung apo nung may-ari nitong school <3 “

.

.

.

.

At madami pang nagsulat…..

.

.

.

Hanggang sa mapunta ito ay Gianna…

.

.

.

wag naman sana oh!

Fixing her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon