Chapter 8: The continuation

9 1 0
                                    

annyeonnggg! :) I'm back! di ko alam kung magiging active na ako pero I'll try na magupdate ASAP! XD uy meron na nga palng update sa ILY

eto po yung link .. http://www.wattpad.com/30901673-i-love-you-chapter-12-special-number 

sana po ay patuloy nyong suportahan ang aking mga story! :)

*****

TRISHA'S POV

' Aldrin, magkita tayo doon sa park na lagi nating pinupuntahan. May sasabihin ako sayo. Textback ASAP! '

Paulit-ulit ko nang binabasa yung sinend ko sa kanyang message. Pero hanggang ngayon wala pa rin akong natatanggap na reply..

Tinatawagan ko na rin siya pero..

' The number that you have dialed is not yet in service. Please try your call later. '

Yan lagi ang sumasagot sa akin tuwing tinatawagan ko siya. Nag aalala na ako, bakit hindi niya sinasagot. samantalang dati isang ring pa lang sinasagot niya agad. napatayo agad ako at inayos ang sarili ko. Pupunta ako sa kanila.

On the way na ako sa kanila, tinatry ko pa rin na tawagan siya pero hindi pa rin niya sinasagot.

Dumating na ako doon sa harap ng bahay nila. Nagdoorbell ako ng nagdoorbell. Binuksan naman agad. 

Ako: Ate Lisa, nandyan po ba si Blue?

Ate Lisa: Nako, nakaalis na siya kani-kanina pa. Bakit? Ano bang--

Hindi ko na pinatapos si Ate Lisa, umalis na agad ako. Alam kong bastos yung ginawa ko. Masisisi nyo ba ako kung ganun ang ginawa ko. Gusto ko lang naman makita agad si Aldrin eh. Kung kayo nandito sa pwesto ko, ganun rin naman ata gagawin nyo diba? Natatakot lang ako na baka hindi ko na siya makita ng sobrang tagal.

 Bumalik ulit ako dun sa park, nagbabakasakali na pumunta siya dito. Malay nyo nabasa na niya pala yung text ko sa kanya.

Nang makarating ako doon sa park...

Wala akong nakitang Aldrin </3  

Saklap diba? Nasan ka na ba Aldrin? Bakit ngayon ka pa nawawala kung kelan paalis na ako. Wag naman sanang ganyan. Sakit eh :((

Time Check: 3:55. oh diba? Ang tagal kong hinanap at hinintay si Aldrin. 12 kaya ako umalis sa bahay.

' Aldrin, parang awa mo na pumunta ka na.. pag hindi ka pumunta baka hindi na tayo makita pang muli. ' yan ang paulit-ulit na sinasabi ko sa sarili ko.

Mukhang wala na talaga siyang balak na puntahan ako.. Itetext ko na lang siya ulit.

' Aldrin, kung hindi ka makakapunta, sasabihin ko na lang ang mga dapat kong sabihin. Aalis na ako, pupunta na kaming singapore. Hindi ko alam kung kelan balik ko eh. Baka nga hindi pa kami makabalik eh. Bigla kasing nagkaproblema yung company ni dad kaya kailangan na naming pumunta doon as soon as possible. Kaya nga pala gusto kitang makausap para makapagpaalam ako ng personal.

Ingat ka dito sa pilipinas aah? Be a good boy. Wag pasaway. Wag kang magalala, sisikapin kong makabalik dito para makasama ka ulit. Always smile. I will miss you :'( '

*send*

Patuloy ang pag agos ng aking luha. Bakit kasi hindi siya pumunta? Busy ba siya? Mas mahalaga pa ba sa akin yung ginagawa niya?

Time check ulit, 4:00 pm na. Aalis na ako. Mukhang hindi naman siya pupunta eh :( 

Biglang nagvibrate yung phone ko. Agad-agad ko naman kinuha ang phone ko. Baka si Aldrin na --- akala ko lang pala iyon :/ si mom pala yung tumatawag sa akin. Pinapapunta na ako sa airport baka daw maiwan ako.

On the way na ako, iyak lang ako ng iyak sa taxi. Mukha na nga akong baliw sa harap ni manong driver eh . 

Nakarating na ako sa airport. Wala akong imik habang hinihintay yung flight. Pag tinatanong nila ako, tatango lang ako o kaya iiling.

Time check: 5:50 pm na, pero wala pa rin akong nakikita Aldrin. Hayy naiiyak na naman ako. pagod na pagod na yung mata ko kakaiyak pero wala pa ring tigil yung agos ng luha ko..

Mom: Baby, tara na alis na tayo

Tumango ako at pinunasan yung luha ko. Sinundan ko na si mom.

hayy, I guess this is goodbye :(

**** 

Ito na po ang aking update. Sana po ay inyong nagustuhan. Sorry po kung maraming space at errors! ^____^V Please, support all of my stories! Thank You

Vote

Comment

Be A Fan! :D

~Nina ^.~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon